bc

I Love You Since Then (ILYS #2)

book_age16+
738
FOLLOW
1.6K
READ
revenge
second chance
playboy
goodgirl
CEO
drama
bxg
humorous
lighthearted
campus
like
intro-logo
Blurb

Matapos nilang lisanin ang upuan kung saan sila pinagtagpo at intinadhana, ay matatagpuan muli nila ang isa't isa.

May pag-asa pa ba? O may bagong 'seatmate' na darating sa buhay ni Ayradel, paraan para makalimutan na niya ang lahat kay Richard Lee?

The Book 2 of I Love You Seatmate.

chap-preview
Free preview
Simula
THIS IS A BOOK 2! Read I LOVE YOU SEATMATE first before reading this. I LOVE YOU SINCE THEN ILYS#2 ©️ Ayradel I spent my life hating my mom, my dad and that lucky boy, Jayvee. Bata pa lang ako, tinanong ko na ang sarili ko— bakit wala akong Mommy? Bakit walang sumusundo sa akin tuwing matatapos ang school? Bakit walang Mommy na magdadala at magpapa-baon sa akin ng lunchbox? Iniinggit ako ng mga kaklase at kalaro ko dahil luto daw ng Mommy nila ang dala nila. Samantalang 'yong sa akin, luto ng mga maids sa bahay. Masarap rin naman, kaya lang, nakakainis dahil ang yabang ng mga kalaro ko! "Dad..." I came to my dad's office, with Maximo. I am 5 years old that time, pero noon pa lang sobrang busy na ni dad sa trabaho. Umangat siya ng tingin mula sa pagkakatingin sa mga papeles papunta sa akin. "Yes, Jaydee?" sabi ni Dad. Hawak ko pa ang kamay ni Maximo. Bumitaw ako sa kanya upang lapitan si Dad, I bowed, and casually said... "Can you buy me a Mom?" Napatigil sila sa sinabi ko. Napatingin si Dad kay Maximo na nasa likuran ko lang. "What do you mean?" I pout my lips to let my Dad see how sad I am. "I am the only one who doesn't have a Mom in our school, Dad. My classmate is bullying me and said, why don't you bought me a Mom, since you had a lot of money. Dad, please? Buy me a Mom?" Hindi ako sinagot ni Dad. Tumayo siya at huminga ng malalim. Medyo malungkot siya noong lumuhod sa harapan ko upang hawakan ako sa ulo pababa sa pisngi. "If only I could do that, Jaydee." He looks at me with care and sadness, "But my money can't buy you a Mom." "But why, dad?" "But you had a mom." Nanlaki ang mata ko sa tuwa. "Really, Dad? I had a Mom?" "Yes. But we can't see her because she's in heaven now." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mata ni Daddy. "H-heaven? Where's that? Can we go there? I want to see my Mom." 7 years old nang maintindihan kong mabuti na wala na nga si Mommy. She's in heaven right now, and my daddy said, she died because of a car accident. Doon ko lang lubusang naintindihan na hindi na nga kami magkikita. I don't know her face, her name, and who she is, but I trusted Dad when he said that I don't have to know her. He didn't let me see even her photos. We have to move on, he said. Kaya wala siyang itinirang litrato nito sa buong bahay bago pa ako magkaisip. Lahat ng picture frames ay blanko. Sobrang mahal ni Dad si Mom kaya tuwing nakikita niya ang litrato nito ay wala daw siyang magawa kundi ang magluksa. Pero isang araw... I was 8 years old, I was just playing around with Lee Orphans, nang makapulot ako ng wallet sa isang room kung saan nakalagay ang mga lumang laruan at kagamitan. When I opened it, I saw a picture of my dad and a woman. Ito ay litrato ng kasal nila, while carrying a baby. Tumakbo ako agad kay Sister Lily, and found out that, that woman is my mom! "Sa tingin ko ay may karapatan ka namang makilala ang Mommy mo kahit sa picture na lang," sabi ni Sister Lily. "Jaydee, she is Dianne, your beautiful and angel-like Mom." My eyes went big because of adoration."Really? She's like an angel?" If she's in heaven, maybe she's really an angel. Ngumiti si Sister. "Yes, anak. Sobrang bait niya, kahit noong unang beses kaming magkakilala. Nakilala ko lang siya nang matayo itong Lee Orphanage, ngunit kahit ganoon lang kaikli ang panahon na nakasama ko siya ay masasabi kong isa siyang anghel. At kamukhang-kamukha mo siya, anak. Magkamukhang-magkamukha." Tinabi ko ang picture na 'yon, to cherish it. To treasure it. Because finally, I know who my mom is! Pinagmalaki ko pa sa mga kaklase ko ang picture na yon. Ang picture kung saan kumpleto kaming tatlo. My daddy, my mommy, and a baby me. Sa tuwing dinadalaw namin ni daddy ang puntod niya ay mas lalo kong hinangad na sana, naabutan ko siya. Sana nakilala ko siya. Until one day... "Jaydee, may bagong lipat sa Grade 3 1st section, kamukhang-kamukha mo, kaya crush rin siya ng mga may crush sayo!" sabi ni Suho. "Ha? Pano ko magiging kamukha? Hindi pwede yun! Ako lang ang pinaka-pogi dito sa atin!" "Hindi, Jay! As in kamukha mo talaga! Mas mahaba lang buhok niya ng konti sayo!" "Tignan nga natin!" Saktong labasan ng 1st section, nanghihintay lang kami ni Suho sa paglabas ng taong tinutukoy niya. "Jay! Jay! Ayan oh!" Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mukha akong may kakambal. "Tara, Suho, lapitan natin." "Wag, Jay, ayan na yata yung Mommy niya." Mas lalo akong natulala nang makita ko ang Mommy niya. Hindi ako pwedeng magkamali. "Mommy?" I said to myself. "Mommy!!!" tatakbo sana ako palapit sa kanila nang may isa pang lalaki na lumapit. Tinapik nito ang ulo nung bata, at inakbayan nito si Mommy. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "Jay, bakit umiiyak? Anong mommy?" Galit akong pumunta sa office ni daddy. "Oh, Jaydee, what are you doing here?" Pigil ang hikbi ko, pero hindi ko na napigilan pa ang luha ko. I wiped it using my whole arm. "Is my mom really dead, Dad? You said my Mom is already dead?!" Kumunot ang noo niya. "What are you saying? Yes, she's dead. She died because of car accident?" It's confirmed. My dad's a liar. Kahit ilang taon pa lamang ako ay naiintindihan ko na na masama ang magsinungaling. I look at my liar Dad with hatred on my eyes. "I hate you, Dad!" I said. "I hate you! You're a liar!" Isang napakalaking kasinungalingan ang itinatak ni Dad sa isip ko. Na patay na si mommy— 'yon pala ay may bago lang itong pamilya, at may bagong anak na inaalagaan. Tapos 'yong anak niya pa ay kamukhang-kamukha ko dahil kamukha namin pareho si Mommy. Mas lalo akong nagalit. Dahil doon, ginalingan ko ang pag-aaral para makapasok din ako sa Section 1 ng Grade 4. Nagawa ko naman. Mas nabantayan ko yung batang nag-ngangalang Jayvee Gamboa. Nakakatawa dahil pati sa pangalan, magkapareho kami. "Jaydee—" bago pa man ako matawag ng tuluyan ni Suho at pinigilan ko na siya. "Wag mo na akong tatawaging Jaydee." sabi ko sa kanya. "Ha? Bakit naman?" "Ayoko na n'on. Ayoko na ng pangalan na 'yon." "O sige, RJ na lang?" ang bilis kausap ni Suho. "Naman! RJ! Bakit mo ako iniwan sa Section 3? Bakit ka nagpa-lipat sa Section 1? Akala ko tayo ang bestfriends? Bakit, tropa na ba kayo ni Jayvee?" "Huwag mo ring mababanggit ang pangalan ng loko na 'yon!" "Ha? Nakakalito ka naman, Jay-- RJ!" I used to hate my second name— Jaydee. Dumating ang araw at bigayan ng card. As usual, si Maximo ang umattend para sa akin. Sobrang lungkot ko kapag nakikita ko ang mommy ko na may kasamang ibang anak. Bakit ako iniwan niya? Bakit mas mahal niya ang Jayvee na yon? Dahil ba mas matalino iyon kaysa sakin? Kaya ko rin namang maging matalino. Nagawa ko nga. Nagawa kong maging top 1 samantalagang si Jayvee naman ang top 2. Tuwang-tuwa akong tumingin kay mommy para tignan kung napansin niya ba ako— pero ang nakita ko lang ay kung paano yakapin ni mommy si Jayvee. Sobrang proud siya dahil ito ang top 2 sa klase. Ni hindi niya man lang ako pinansin. Ni hindi niya nga yata ako kilala. Hindi niya rin ako nilapitan ni minsan. Hindi niya nga siguro alam na anak niya ako? Dahil kinalimutan niya na ako... Kahit gano'n, alam ko na siya talaga ang Mommy ko. Sa sobrang galit ay inutusan ko na si Maximo na iuwi na ako. Nagkulong lang ako sa kwarto, habang tinititigang mabuti ang litrato ni Mommy. Buong buhay ko doon lang umikot. Sa kung paano ko tatalunin si Jayvee, paano ko kukunin ang mga gusto niya, paano ko siya aasarin, paano ako mananalo— hanggang sa makalimutan ko na lang kung ano ba talaga ang gusto ko. Ngayon, ang gusto ko naman. Ang kasiyahan ko naman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook