Ayradel's Side Lumipas ang araw at birthday ko na. Nagising ako at naamoy agad ang bango sa niluluto ni Mama. Si besty naman ay bihis na bihis na at handa nang pumasok. "O gising ka na pala," sambit ni Mama at nipalitan ako upang halikan sa pisngi. "Happy birthday anak." "Thank you Ma!" "Besty, happy birthday! Pasok na ako ha? Late na ako e. Hahahaha. Mamaya na lang! Mwa!" hinalikan rin ako ni besty sa pisngi, "Happy birthday Ayra!" sabi naman ni Ella na kagigising lang rin, pati na rin si Nina na kakalabas lang ng banyo. "Thank you!" sabi ko sa kanilang lahat. "Anong oras ba ang klase niyo? Hindi ka pa ba male-late?" "Hindi pa naman po. Mamayang 1pm pa po yung class ko." sabi ko, saka kuha ng cellphone ko sa side table. Umulan ang pabati sa f*******:, pero isang mensahe lang tal

