Ayradel's Side I really hate you and your damn effect on me, Richard Lee. "Oh, anong meron be? Ba't parang busangot ka diyan?" napatalon ako sa gulat nang dumating na si Lea sa table namin dito sa cafeteria. Pinansin nilang tatlo 'yong pagkain kong hindi ko pa nagagalaw. "Huwag kang ganyan, malapit na ang Ms. Entrep!" sabi naman ni Rocel. "W-wala..." sagot ko. Nakakainis! Bakit ba ako ganito? Hindi ko rin alam. Pagkatapos ng pagpunta ko sa office ni Richard ay hindi ko na siya ulit nakita. Hindi na nagparamdam! Hindi sa namimiss ko siya no, wala akong pakialam pero kasi bumabalik-balik sa utak ko lahat ng sinabi niya n'ong nasa opisina niya kami. Naalala ko yung nangyari last week. Mainit ang pisnging bumaba ako noon ng sasakyan niya pagkahatid niya sa akin sa El Pueblo. Hindi ko al

