Ayradel's Side Nagsisi ako noong sinabi kong marunong akong magsulat ng sponsorship letters, dahil ako na ang itinuro nilang Sponsorship head. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon dahil na rin sa hiya. Bukod pa doon ay talagang tinatarget nila ang kompanya ni Richard Lee. It's not that big, pero it is not small na angkop lang para sa aming mga 1st year pa lang. Bukod pa roon ay ka-school mate pa namin ang may-ari o CEO. Muling lumandas ang kaba sa dibdib ko. Habang tumatagal, parang lalong lumalayo ang agwat namin ni Richard Lee. I can't still believe na sa mura niyang edad ay nararanasan niya nang humawak ng sarili niyang business. Actually, I didn't really know what course should I take up noong grumaduate kami. Pero ayon sa kapasidad ko, I see myself as an office girl. I am the ordi

