bc

My Bride, My Enemy: Iona. (RomCom)

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
family
HE
opposites attract
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Gil was “cursed”.

Iona was haunted.

Isa ang solusyon para matakasan ang kani-kanilang problema: kasal.

Kaso…payag naman kaya ang superstar na si Gil na maikasal kay Iona kung sa unang pagkikita pa lang nila, binukulan na niya ang binata?

chap-preview
Free preview
ONE
NAPAKAPIT nang mahigpit si Iona sa kamay ng kaibigang si Jossa nang magsimulang magkikisay ang babae sa harap nila. Tumirik ang mga mata nito, umungol sa malalim na boses. May kumalampag sa gawing kaliwa nila, ang sarado ng bintana. Tila may gustong pumasok doon. Mayamaya’y tumingala ang babae, lumakas ang ungol, tulo-laway na. “O-Okay lang ba siya, Joss?” kinakabahang bulong niya sa kaibigan. “Baka may sakit siya at sinusumpong na? Tumawag na tayo ng ambulansiya.” “Sssh!” saway ni Jossa sa kanya. “That’s normal, Iona. Nangyayari talaga ‘yan. Part ng ritual. Legit ‘yang si Sasha, don’t worry.” Vicencia o Sasha Cristobal was their former classmate in highschool. Kilalang weirdo ng Sta. Monica High dahil nagsasalita nang mag-isa at bigla na lang nagsisigaw na parang takot na takot. It turned out, Sasha has sixth sense. She can see dead people raw. Hindi nga lang dead people. May duwende rin, may kapre at tikbalang, mga fairies. Nang magtapos sila ng highschool, nawala na sa memory ni Iona si Sasha. Hanggang makita niya ito sa TV. Kabilang ito sa grupo ng paranormal experts na pumasok sa isang abandoned hotel sa Baguio. Ilang beses pang nagkaroon ng TV appearance si Sasha, ito ang pinakatumatak sa mga tao dahil sa prominenteng peklat sa kaliwang pisngi nito. Ang sabi, isang fire-wielding entity ang may likha no’n. Nakasagupa umano ni Sasha sa isang abandonadong gusali na nasunog isang dekada na ang nakakalipas. Kumalabog ang mesang nakapagitan sa kanila nang bigla na lang sumubsob doon si Sasha. Sa loob ng ilang sandali, walang sinuman ang nakakilos sa kanila. “s**t, Jossa, patay na yat—” “Macariona.” Iona jerked up. Pakiramdam niya, tumalon palabas ng katawan niya ang puso at lumambitin sa kisame. Gilalas siya, titig na titig sa bunbunan ni Sasha. Ito ang nagsalita, right? Macariona. It was her real name. At isang tao lang ang alam niyang tumatawag ng ganoon si kanya. Si Ate Cleo, her half-sister sa father’s side. At kalahating dekada na itong yumao! “J-Jossa…ayoko na. Itigil na natin ‘to. Patigilin mo na siya.” Sasha stirred. Dahan-dahan itong bumangon, sabug-sabog sa mukha ang buhok. Napansin ni Iona na nag-nosebleed na ito. Subalit nanatili itong nakapikit, kunot na kunot ang noo na parang nasasaktan. “Macariona,” ulit ni Sasha, her lips barely moving. “Hindi ako matahimik. Hindi ako patahimikin ng ginagawa mo.” “Uh…wala naman akong ginagawa sa’yo, Sasha.” Sa puntong iyon, nagmulat na si Sasha at tumitig sa kanya. Umatras ang leeg niya. Puno ng hinanakit ang mga mata nito. Na para bang may atraso nga siya rito. “Nangako ka sa akin! You promised me while I lay there dying. Subalit ano itong ginagawa mo? You are breaking your own promise. At dahil doon ay hindi ako mapalagay. Hindi ako matahimik sa kabilang buhay!” Napasinghap sa tabi niya si Jossa. Tigagal naman si Iona, parang sinampal. Ilang sandaling hindi niya natagpuan ang sariling boses. “A-ate? Ate Cleo?” “Nangako ka…” ulit nito. “Hindi ako aalis hanggat hindi ko natitiyak na sumunod ka sa usapan natin. I will stay and watch you…” Tuluyan nang bumukas ang bintana, pumasok ang malamig na hangin at binalot sila. Picture frames knocked over, curtains fell off their hooks. Nangamoy-lupa rin ang paligid, humalo sa amoy ng kandila. It gave Iona the impression of being back in the past—noong lamay at libing ni Ate Cleo. Sa tabi ni Iona, panay ang dasal ng Our Father ni Jossa. She must be really terrified. Hindi ito pala-dasal na tao. Si Iona man, gusto nang kumaripas ng takbo palayo pero walang lakas ang mga binti niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Na totoo ang teorya nila. “I’ll be watching…” pahabol pa ni Sasha, sa pandinig ni Iona ay kaboses na ito ni Ate Cleo. Then she convulsed again, her head fell backward. Awtomatikong tumahimik ang paligid, nawala ang amoy ng lupa at kandila. An eerie silence fell upon them. Si Jossa ang unang bumasag ng katahimikang iyon. “Confirm, bakla! Minumulto ka nga ni Ate Cleo!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
666.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
905.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
320.1K
bc

Not just, the Beta

read
325.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook