"Good morning!" masiglang bati ni Crissa sa kaniya nang mapadaan siya sa mesa nito. "Bring me a coffee, please," sa halip ay naging tugon niya at dumiretso lang sa paglalakad. "Okay!" sagot ni Crissa na nagtataka sa kaniyang ikinikilos. "Weird!" narinig pa niyang sabi nito. Pagkapasok niya sa kaniyang opisina ay pabagsak siyang naupo at ipinatong sa katabing maliit na mesa ang kaniyang bag. Patuloy pa rin niyang pilit na inaalala ang nangyari sa kanilang inuman. "Sinusumpa na talaga kita alak," galit niyang sabi at muling ipinikit ang kaniyang mga mata. "Hinding-hindi na talaga ako iinom," dagdag pa niya. "Nang alin?" narinig niyang tanong ni Crissa. Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita niyang nasa harapan na nga niya ito habang hawak ang isang mug na may lamang kape. "Pak

