bc

Old Maid's Fantasy (Cougar Series #47)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
15.9K
READ
one-night stand
age gap
independent
drama
bxg
humorous
brilliant
self discover
virgin
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Mariz Del Cielo, thirty-nine, single, beautiful, and successful but NBSB. Yes, hindi pa niya nararanasan ang magkaroon ng karelasyon o kahit mahalikan man lang.

Pinili niya na mag-celebrate ng kaniyang 40th birthday sa isang Isla kung saan pupukawin ang kaniyang kuryosidad sa gawang sekswal.

Hanggang pantasya na lang kaya siya o susubukan niya itong gawin mag-isa? Paano kung sa pagsubok niya sa kaniyang sarili ay mahuhuli siya ng isang estranghero na may pantasya rin naman pala sa kaniya? Susubukan kaya nila pareho ang isang bagay na hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan? Ano na lang kaya ang kaniyang mararamdaman kapag nalalaman niya na ang lalaking pumukaw ng kaniyang kamunduhan ay mas bata pa sa kaniya ng 11 years? Tatanggapin niya kaya ito o kakalimutan niya ang kanilang nakaraan.

Abangan niyo ang story nina Mariz at Travis dito sa Cougar Series Collaboration.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Here!" sabi ni Mariz sa sarili nang makita niya ang isang ad ng isang exclusive island resort - ang Isla Bonita. Kilala ang Isla Bonita sa mga magkasintahan, bagong kasal o sa iba pang couple na nais mag-celebrate ng importanteng okasyon sa kanilang buhay. "I don't care if it's for a couple. Basta, I want to celebrate my 40th birthday, here! Ano bang pakialam nila kong solo ko. What's important is may pambayad ako," sabi pa niya na para bang may nagtatanong sa kaniya. At kaagad na tinawagan niya ang opisina ng resort at nagpa-book siya ng isang villa. Binayaran niya iyon gamit ang kaniyang credit card. "Yes! Finally, makakarating din ako sa Isla Bonita. And sana ma-exceed nila ang expectations ko." Pagkatapos mai-print and reservation slip niya ay pumunta siya sa opisina ng kanilang President na si Juancho Sy. "What? A two weeks vacation on Isla Bonita?" tanong nito na malakas ang boses nang ilapag niya sa mesa nito ang kaniyang reservation slip. Nagulat kasi ito sa kaniyang sinabi. "You asked me about my plan on my birthday and this is what I want," aniya sa kaniyang boss at umupo siya sa upuang katapat nito. Mahigit sampung taon ang tanda nito sa kaniya ngunit para lang silang magbarkada nito kung mag-usap. Ilang taon na rin kasi siyang nagtatrabaho sa Publishing Company nito. Nagsimula siya bilang isang content writer sa edad na bente uno. Ama pa ni Juancho ang President noon. Ngayon ay siya na ang Editor-in-chief ng Gems Publishing Company. "It's not what I mean, Mariz. Nagulat lang ako sa desisyon mo. First, its two weeks. Eh, hindi ka nga uma-absent sa trabaho kahit may sakit ka pa kaya for me it's like impossible for you to leave na gano'n katagal. Second, sa Isla Bonita and your alone?" sabi pa nito sa kaniya na nakakunot ang noo habang tinititigan siya. "What's wrong with it?" tanong niya na natatawa sa reaksiyon ng boss. "Are you sure you're okay?" balik ang tanong nito sa kaniya. Napahalukipkip si Juancho at sumandal pa ito sa upuan habang tinititigan siya. "Well, naisip ko na it's about time to relax a bit and go to a place na malayo sa siyudad. And hindi naman exclusive for couple ang resort. Very odd reasons 'di ba?" tugon niya na nakangiti pa rin sa kaniyang boss. "Exactly! Bakit kasi napakailap mo sa mga lalaki? You're always don't have time para makipag-date at kahit mag-clubbing ay ayaw mo," ani Juancho sa kaniya. "Heto na naman tayo. Busy kasi ako sa pagpapayaman sa'yo. See, kapalit ng pagiging NBSB ko ay naging pinakamalaking Publishing Company na ang Gems. And its worth it for a sacrifice, 'di ba?" biro niya rito. "And thank you for that sacrifice of yours, Mariz," nakangiting sabi rin nito sa kaniya. Humalakhak pa ito na hindi malaman kung matutuwa ba siya o maiinis sa kaibigang boss Nagkibit-balikat na lang siya sa sinabi ng kaniyang boss at matalik na kaibigan. Kahit lalaki ito ay kampante siya rito dahil wala pa naman itong pinakitang malisya sa kaniya. Happily married na ang boss sa dating sekretarya nito na kaibigan din niya. "But, you know the saying that life begins at forty, right? Malay natin na nasa Isla lang din pala ang forever mo," sabi ito sabay bitaw sa kaniya ng nakakatuksong mga tingin. "Malay natin at mukhang fresh pa naman ako, 'di ba?" pabiro niyang tanong rito. "Don't ask me that silly question, Mariz. Just go to Lovie and discuss her about the works na maiiwan mo," sabi nito sa kaniya. Ang tinutukoy nito ay ang Asistant Editor-in-Chief at pamangkin nito. "So, that means na approve na ang vacation leave ko?" nakangiti niyang tanong dito. "May magagawa pa ba ako eh, nakapag pa-book ka na? Hindi rin biro ang presyo sa Isla Bonita dahil nakapunta na kami ni Misis doon. And, naisip ko rin na kailangan mo munang mag-charge ng sarili dahil pagbalik mo ay siguradong magiging busy na tayo sa 30th anniversary ng Gems. Just leave everything to Lovie, okay?" muling bilin ni Juancho sa kaniya. "You're the best, Boss!" aniya sabay thumbs-up dito. Masaya siyang lumabas sa opisina ni Juancho samantalang pailing-iling naman ito. "Sana makatagpo ka na ng forever doon," pahabol pa na sigaw nito sa kaniya. Kumaway lang siya rito na hindi lumilingon. Bumalik siya sa kaniyang opisina at nadatnan niya si Crissa na naghihintay sa kaniya. "Parang ang saya natin ah, quota ba?" tanong ng kaniyang Secretary at kaibigan na si Crissa habang inilalapag nito sa kaniyang mesa ang isang makapal na papel. "More than that!" aniya habang iniisa-isang tinitingnan ang mga papel na iyon. "Ha? 'Di ba quota lang naman ang nagpapangiti sa' yo ng gan'yan?" tanong nito na nagtataka sa kaniyang naging sagot. Kunsabagay, hindi niya masisisi ito dahil napaka-dedicated niya sa kaniyang trabaho kaya nga naging mabilis ang kaniyang naging promotion sa kompaniya. "Here!" aniya sabay abot ng isang papel dito. "Isla Bonita? Talaga? Kailan? Sinong kasama mo?" magkasunod na tanong nito sa kaniya. "Grabe ka naman maka-react. As if impossible para sa akin ang magbakasyon sa Isla na mag-isa," natatawang sabi niya sa kaibigan. "Nilalagnat ka ba?" tanong nito sabay sapo sa kaniyang noo. "OA ha. Sige ka at baka magbago pa ang isip ko at ibibenta ko na lang ang reservation ko online," biro niyang sabi rito. "Ito naman, hindi na mabiro. Nakakapanibago lang kasi. Halos ayaw mo ngang tumayo riyan sa upuan mo tapos ngayon two weeks kang mawawala?" ani Crissa sa kaniya. "Napag-isip ko lang na kailangan ko rin namang magbakasyon and sobrang na-amaze ako sa Isla Bonita. I just saw it sa ad and nagustuhan ko siya. It looks like a paradise," wika niya na hindi pa rin matingnan ang kaibigan at patuloy lang siya sa kaniyang ginagawa. "Good luck, Mariz and enjoy ka roon. Kailan pala ang alis mo para ma-adjust ko lahat ng schedules mo?" tanong nito. "This coming weekend. Just call for a meeting tomorrow para maibilin ko ang mga urgent task na kailangang matapos," tugon niya. "Okay! Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," sabi nito at lumabas na sa kaniyang opisina. Napapaligiran ng salamin ang kaniyang opisina at kitang-kita niya ang kaniyang mga staff sa kani-kanilang cubicle. Abala ang mga ito sa pagtatrabaho. Bigla niyang binitawan ang binabasang article at nag-type sa kaniyang computer. "This place is like heaven!" bulalas niya sa kaniyang sarili habang iniisa-isa ang mga larawan na kuha sa Isla Bonita. Hindi na niya maalaala kung kailan ang huling bakasyon niya na mag-isa. Kadalasan kasi ay tuwing may team building lang siya nakakapag-out of town. Ayaw na ayaw niya kasi na nagsasayang ng oras. At pagsasayang lang sa kaniya ang pamamasyal at bakasyon. "I'm so excited to be in this island," aniya sa sarili. "Finally, for almost half of my life na nagtatrabaho ako, ngayon ko lang mararanasan ang ganito," wika pa niya sa sarili. Naghanap siya ng mga mabibiling damit online na kakailanganin niya sa Isla. Naalala niya kasi na puro pantrabaho lang ang kaniyang mga damit sa closet bukod sa pambahay. Ilang pares din ng swimsuit ang kaniyang in-order. Maganda ang kaniyang pangangatawan at makinis naman ang kaniyang balat kaya hindi siya mahihiyang ipakita iyon sa Isla. "For sure wala namn akong kakilala roon," aniya pa sa sarili. Tinawagan niya sa intercom si Crissa at pinapasok niya ito sa opisina. "Let's go shopping later," aya niya nang makapasok na ito. "For real? Ngayon ko lang kasi narinig 'yan sa' yo," bulalas nito. "Wala kasi akong maisuot sa bakasyon ko and alam mo naman ang fashion ko, lahat pang corporate attire lang," nakangiti niyang sabi rito. Galing kasi sa fashion department si Crissa kaya maasahan niya ito pagdating sa mga damit. "Let me handle it. Just ready your cash or card," wika nito. "It's not a problem. See you later!" sabi niya. Maituturing na may kaya ang pamilya nila. Kahit single parent ang kaniyang ina ay marami itong naipundar na mga ari-arian. Meron silang sampung apartment na tig dalawang palapag at ilang lupain sa probinsiya ng Mama Margie niya. Buhat kasi nang iniwan ito ng kaniyang Papa ay mag-isa na siyang itinaguyod nito. Ang kaniyang sinasahod ay iniipon lang niya sa banko at malaki-laki na rin iyon. Nakabili na rin siya ng sarili niyang kotse at condo unit na malapit lang sa pinapasukan. Weekly lang siya umuuwi sa bahay nila sa San Juan. Mabilis na lumipas ang mga oras. Nagulat pa nga siya nang kumatok si Crissa. Tiningnan niya ang kaniyang suot na relo. Pasado alas singko na ng hapon. Kinuha niya ang kaniyang bag pagkatapos niyang i-off ang kaniyang computer. "Shall we?" tanong niya sa kaibigan. Pagkatapos magpaalam sa mga katrabaho ay umalis na sila ni Crissa. Naiwan nila ang iba pang staff na abala pa sa pagtatrabaho. Kung hindi lang siya magbabakasyon ay malamang na nagtatrabaho pa rin siya sa mga oras na iyon. Dumiretso sila sa isang malaking department store. Nakasunod lang siya kay Crissa habang namimili ito ng mga damit. Itinatapat lang nito sa kaniya at kapag nagustuhan ay inilalagay na nito sa basket na bitbit. Panay naman ang sunod sa kanila ng sales lady. Pagkatapos mamili ni Crissa ay ipinasukat na ito sa kaniya. Lahat nang pinili nito ay saktong-sakto at bagay sa kaniya. Kaya, binili na niya lahat iyon. Dumiretso na rin silang kumain sa isang restaurant na nasa loob lang din ng mall.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook