Chapter 2

1615 Words
"Mariz, gusto mo bang makipag-date? May kakilala ako at naghahanap din ng girlfriend. Sa banko siya nagtatrabaho," tanong sa kaniya ni Crissa habang naghihintay sila sa kanilang pagkain na in-order. "Hindi ko nga mailabas ang Mama ko makipag-date pa kaya?" sarkastiko niyang tanong sa kaibigan sabay taas ng isa niyang kilay. "Girl, iba rin kapag may sarili kang pamilya. Ako, sobrang saya ko tuwing umuuwi ako ng bahay at sinasalubong ako ng aking asawa at anak. Sabi ko nga, kung alam ko lang na ganito pala kasaya, sana inagahan ko ang pag-aasawa," sabi nito sa kaniya. "Stress lang ang relasyon, Crissa. Maswerte ka lang at nakahanap ka ng matinong lalake. Paano kung katulad ng ama ko na basta na lang iniwan si Mama at sumama sa iba? Atleast pagtanda ko magpapalagay na lang ako sa ampunan. Para sa akin ang mas mahalaga sa ngayon ay magtrabaho at mag-ipon," aniya rito. Sasagot pa sana si Crissa ngunit dumating na ang kanilang order na pagkain. Kaya hindi na ito nakipagtalo pa sa kaniya. Alam naman kasi ni Crissa na hindi siya magpapatalo kahit sa anong klase ng argumento. Tahimik lang sila habang kumakain na dalawa. Pagkatapos ay inihatid na niya ito sa sakayan pauwi. Siya naman ay uuwi sa bahay nila sa San Juan para magpaalam sa kaniyang Mama tungkol sa kaniyang gagawing bakasyon. "Hi, Ma!" sabi niya sa kaniyang Mama nang madatnan niya itong nanonood ng telebisyon sa sala ng kanilang bahay sa San Juan. "O, anak, napauwi ka? Hindi pa naman weekend ah?" tanong nito sa kaniya pagkatapos niyang magmano. Umupo siya sa tabi nito. "Nakakatampo naman, Ma. Hindi po ba ako puwedeng umuwi kapag weekdays?" kunwaring nagtatampo niyang tanong sa ina. "Nagtataka lang ako, anak. Simula kasi nang bumili ka ng condo eh, hindi ka pa umuuwi ng ibang araw maliban lang kapag weekend," naatawang sabi sa kaniya ng ina. "Magpapaalam lang po kasi at aalis ako this coming weekend. Magbabakasyon ako ng two weeks," sagot niya. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at sumunod din ito sa kaniya. Nagbihis siya ng pambahay samantalang nakaupo sa kaniyang kama ang Mama niya. "Magbabakasyon ka kamo? Saan naman? At dalawang linggo?" magkasunod na tanong nito. "Sa Isla Bonita po!" sagot niya. "Isla Bonita? Saan iyon?" tanong pa nito. "Malayo 'yun, Ma at private plane ang sinasakyan para makarating doon saka wala pong signal sa isla," tugon niya. "Ano? Hindi ba delikado roon, anak? At bakit naman mag-isa ka?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. "Ma, I'm turning forty years old at ngayon lang ako makapagbakasyon ng ganito. Don't worry at safe roon dahil exclusive island resort ang Isla Bonita," aniya sa kaniyang nag-aalalang Mama. "Pinagkakatiwalaan kita, anak. Ngunit hindi ko mawasan na mag-alala. Sa edad mong iyan eh, ngayon ka pa lang makapagbakasyon na mag--isa. Kakayanin mo ba?" nag-aalalang tanong pa nito sa kaniya. "You will be proud of me pagbalik ko, Ma," nakangiti niyang sabi sa ina. "Akala ko pa naman magpa-party ka sa birthday mo. Tamang-tama pa naman sana at paparating ang anak ng kaibigan ko galing ibang bansa. Ipapakilala pa naman kita sa kaniya," ani Mama Margie niya. "Ayan ka na naman, Ma eh. Binubugaw mo na naman ako sa mga anak ng kaibigan mo," sabi niya na kunwari ay nagtatampo sa ina. "Anong bugaw ang sinasabi mo? Aba, Mariz magka-kwarenta ka na at hindi mo man lang naranasan ang mag boyfriend. Nasobrahan naman ata ang paghihigpit ko sa'yo," sabi nito sa kaniya. "Choice ko 'yun, Ma. Marami nga akong manliligaw dati pero wala akong nagugustuhan sa kanila. Kasalanan ko ba 'yon?" tanong niya rito. "Anak, ayoko naman na kapag namatay ako ay mag-isa ka na lang. Iba pa rin ang may sariling pamilya. Tulad natin, kahit iniwan ako ng Papa mo eh, andiyan ka na naiwan sa akin. Kaya hindi ako gaanong nalungkot," madamdaming pahayag ng kaniyang Mama. "Kung may nakalaan para sa akin, darating po iyon, Mama," aniya habang hinawakan ang mga kamay nito. Marahil isa ang kapalaran ng kaniyang mga magulang kung bakit ayaw niyang pansinin ang kaniyang mga manliligaw. Iniisip niya kasi na pare-pareho lang ang mga lalaki. Na kapag nakuha na nila ang gusto ay iiwan ka na. Sinubukan pa niya na maglagay ng kung anong make-up sa kaniyang mukha para magmukha siyang pangit at kusa nang lumayo ang mga manliligaw. Doon pa lang ay napatunayan niya na hindi nga tapat ang mga ito. "Basta, pagbalik mo subukan mong kilalanin ang anak ng Tita Maria mo. Isang Dentist iyon, anak at divorce na sa unang asawa. Masyado kasing malandi ang asawa noon at hindi na nakontento sa kaniya," sabi pa nito sa kaniya. "Okay po, Ma!" sabi na lang niya para tumigil na ito. "Kumain ka na ba?" ani Mama niya. "Tapos na po!" sagot niya. "Sige, iiwan na muna kita at kakain lang ako," paalam nito. Humiga siya pagkaalis ng kaniyang Mama. Iniisip niya kung ano ang kaniyang mga gagawin sa Isla. "Just enjoy your stay there, Mariz. You deserve to be on that island and show to everyone na hindi mo kailangan ang partner para ma-enjoy mo ng husto ang bakasyon mo," sabi niya sa sarili. Maaga siyang natulog ng gabing iyon dahil madaling araw ay babiyahe pa siya papunta sa kaniyang condo. May mga naiwan kasi siyang importanteng dokumento na kailangan niyang ibigay kay Lovie. "Aalis ka na ba, anak?" tanong ng kaniyang ina pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. "Opo, Mama! Dadaan pa po ako sa condo. Doon na rin po ako maliligo," tugon niya rito. "Mag-ingat ka at tumawag ka kapag nakarating ka na roon sa isla," bilin nito sa kaniya. "Okay po!" aniya rito. Pagkatapos niyang humalik sa kaniyang ina ay umalis na siya. Dahil masyado pang maaga ay wala pang gaanong traffic kaya wala pang isang oras ang itinagal ng kaniyang biyahe. Pagkarating niya sa The Garden's Tower Condominium ay nagmamadali siyang tumungo sa kaniyang unit. Isang studio type lang ang kaniyang binili dahil mag-Isa lang naman siya at ayaw niya rin ng malaki at mahirap linisin. Kinuha niya ang mahahalagang papeles na kailangan niyang ibilin kina Lovie at Crissa. Ayaw pa naman niya magpa-istorbo sa kaniyang bakasyon. Laking pasasalamat pa nga niya at walang signal doonn. Naligo siya at nagtimpla ng kape habang nagre-relax sa malambot niyang sofa. Pagsapit ng alas syete ay nagpasya na siyang magbihis. Nasa kabilang building lang naman kasi ang Gems Publishing Office. Pagdating niya sa trabaho ay naratnan niya na kompleto na ang kaniyang staff. Tinawag niya si Crissa. "We will start our meeting in five minutes. Sa conference room na tayo so we can discuss everything na walang istorbo," aniya rito habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok pa rin sa kaniyang computer. "Okay!" Pagkaalis ni Crissa ay inayos na niya ang dapat na ibibiling trabaho pagkatapos ay pumunta na siya sa conference room. "Good morning everyone!" bati niya pagpasok. "Good morning!" sabay na bati ng lahat na naroon maliban sa isang babae na nakataas pa ang isang kilay. "I'll be leaving for two weeks. I'll submit to Boss Juancho all the plans for the 30th anniversary na approve na sa akin. Lovie, paki-check nang maigi ang featured model natin para pagbalik ko eh, magawan na siya ni Helga ng story," bilin niya sa kaniyang assistant. Si Lovie Evangelista ay mas bata pa sa kaniya ng mahigit sampung taon at pamangkin ito ng kaniyang boss. Matagal na niyang napapansin na naiinis ito sa kaniya. Ang balita niya ay interesado ito sa kaniyang posisyon ngunit ayaw niyang magpadala sa pagiging childish nito. Ang mahalaga sa kaniya ay nagtatrabaho ito nang maayos. "Okay!" walang kabuhay-buhay na sagot nito sa kaniya. Nagkatinginan ang ilang staff na naroon. "Anything na concern kayo while I'm away, you can directly report it to the President. As I've said, I'll be away for two weeks and I'll turn off my phone for that long kaya hindi niyo rin ako makakausap. Besides, wala palang signal doon," aniya. Tumagal lang ng tatlumpong minuto ang kanilang meeting. Pagkatapos ay subsob na uli siya sa kaniyang trabaho. "Sana naman pag-uwi mo eh, may kasama ka ng prinsipe," biro sa kaniya ni Crissa habang may pinapapirmahan ito sa kaniya. "Next time, sa isang Isla na puro lalaki ako pupunta para siguradong may madadala ako pag-uwi," biro niya rin dito. "This time na, girl para makahabol ka naman sa huling biyahe," pang-aasar pa nito sa kaniya. "Gano'n ha? Mukha na ba akong tigang sa'yo? Akala ko pa naman kakampi kita," himig nagtatampo niyang sabi sa kaibigan. "Wala akong sinabi na ganiyan. What I mean is that, forty ka na in the coming week. And it's time for you na sarili mo naman ang asikasuhin mo. You've been dedicated sa work mo and nakalimutan mo na may sarili ka ring buhay, Mariz. I wish that, on your birthday you can find self happiness," madamdaming pahayag ni Crissa sa kaniya. "Thank you! I keep that in mind and let's pray for that," tugon niya rito. "Enjoy your stay there! Don't mind the office at kami na ang bahala rito," sabi pa sa kaniya ni Crissa. "Kahit isipin ko wala naman ako magagawa kasi wala raw signal doon. Sana lang talaga hindi ako ma-bore," nakangiti niyang sabi rito. "Siguro naman maraming single rin doon. Be wild my friend! Show them how beautiful and sexy you are," sabi nito na kinikilig pa for her. "Baka nga mag top less pa ako eh," natatawang sabi niya rito. "Girl, blessed ka sa size palang ng dalawang bundok mo plus ang balakang. Walang sinabi si Darna sa'yo," ani Crissa sa kaniya. "Hoy! Ang seksi ni Darna at wala akong sinabi roon. O, ito na ang mga papers," aniya rito sabay abot ng kaniyang mga pinirmahan na papeles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD