Mabilis na lumipas ang mga araw para kay Mariz. Sabado ng umaga ang flight niya patungong Isla Bonita. Halos hindi na nga siya makatulog sa sobrang excitement na kaniyang nararamdaman. Tiningnan niyang maigi ang kaniyang mga gamit kung wala siyang nakalimutan. Mabuti na lang at inilista niya ang lahat na kailanganing dalhin.
Nagpahatid na siya ng taxi kung saan siya sasakay ng private plane. Nasa lima lang silang pasahero ang patungo sa isla at siya lang ang mag-isa. Ang dalawa ay mga nasa edad trenta na sa tingin niya ay mga bagong kasal.
"Sana all!" pabiro niyang sabi sa kaniyang sarili sabay ismid.
Nagsuot siya ng shades para hindi mailang dahil napapagitnaan siya ng mga ito. Pagtingin niya sa kaniyang likuran ay nakita niya na naghahalikan ang dalawa. Sa unahan naman ay nakahilig ang babae sa balikat ng lalaki.
"Nang-iinggit ba ang mga ito? Ang sakit sa mata," wika pa niya sa sarili.
Makalipas lang ang mahigit na isang oras ay narating na nila ang Isla Bonita. Kitang-kita niya sa ere kung gaano kalinaw ang tubig at kaputi ang buhanginan nito.
"Wow!" bulalas pa niya nang makababa na sila sa eroplano. "Talagang paraiso ang lugar na ito," aniya sa kaniyang isipan.
Sinalubong sila ng limang staffs ng resort at binigyan ng complimentary drinks. Inalalayan din siya sa kaniyang maleta hanggang makasakay sa magdadala sa kaniya sa inupahang villa. Wala ngang signal sa islang iyon at mabuti na lang at na-text na niya ang kaniyang Mama bago pa mawalan ng signal.
"Thank you!" nakangiti niyang sabi nang tinulungan siya ng isang staff sa pagpasok ng kaniyang maleta sa loob ng inuupahan niyang villa.
"Your welcome, Ma'am and enjoy your stay!" nakangiti ring sabi nito. "Just call us if you need an assistance," dagdag pa nitong sabi.
Pagkaalis ng staff ay tiningnan niya ang paligid ng kaniyang inupahang villa. Inikot din niya at namangha siya ng husto sa kaniyang nakikita. Napakalaki nito para sa iisang tao.
"Baka ako nga lang ang mag-isa rito na solo ang isang villa," sabi niya sa sarili.
Tiningnan niya ang kaniyang magiging kuwarto. Napakalaki rin at king size ang kama.
"OMG! Ang lambot!" bulalas niya nang mahiga sa kama.
Para siyang bata na nagpagulong-gulong sa malaking kama. Bumangon siya at binuksan ang closet. Maluwang din iyon. Muli siyang lumabas at umakyat sa rooftop. Manghang-mangha siya sa kaniyang natatanaw. Isang malawak na beach front na puting-puti ang buhangin. Excited na tuloy siyang maligo. Nakita rin niyang may dalawang sunbed na yari sa kahoy. Humiga siya roon at mabilis ding bumangon kasi mahapdi na sa kaniyang balat ang sikat ng araw. Mag-aalas dos na ng hapon kaya matindi pa ang sikat ng araw. Bumaba siya at inayos muna ang kaniyang mga damit sa closet. Naisip niya kasing kumain muna bago maligo sa pool na naroon sa kaniyang villa.
"Mukhang mag-i-enjoy talaga ako rito. Imagine, all my life never pa akong nagbakasyon na mag-isa at dalawang linggo pa. I'm so excited for this new bucket list unlocked," aniya sa kaniyang sarili.
Noong nakaraang buwan kasi ay napag-isip niya na sobrang boring pala ang kaniyang buhay. Na puro na lang siya trabaho at marami pa siyang gustong maranasan at naniniwala siya na ngayon na ang tamang panahon para sa kaniya na gawin iyon. Sa pagsapit niya sa ikaapat na dekada ng kaniyang buhay.
"I want to explore so many things from now on. Having a grand vacation like this, climb a mountain, travel abroad alone, and experience an odd feeling like to be in love," sabi pa niya sa kaniyang isipan.
Hindi pa kasi niya nararanasan ang magmahal kahit marami ang nagkakagusto sa kaniya noon. Maging ngayon naman ay may mangilan-ngilan pa na nagpaparamdam sa kaniya.
"I think this is the perfect time for me to be inlove . Sana matagpuan ko siya as I turn forty years old," sabi pa niya habang nakapikit at magkadikit ang dalawang palad niya na gaya sa mga humihiling.
Kung magiging tapat siya sa kaniyang sarili ay alam niya na marami siyang pinagsisisihan. Ngunit dahil sa kaniyang personalidad na ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan kaya umabot siya sa ganitong edad na hindi man lang naranasan ang magmahal sa isang lalaki.
Pagkatapos niyang mailagay ang mga damit sa closet ay nagbihis siya ng isang halter na floral maxi dress at isang flat sandals na kulay puti. Inilugay din niya ang kaniyang lagpas balikat na buhok. Naglagay din siya ng sunscreen at kaunting lipstick.
Pinili niya ang maglakad kasi malapit lang naman ang kaniyang villa sa iba pang amenities ng Isla Bonita. Kaya, kahit mahal ay pinili niya iyon. Mayroong tatlong restaurant sa loob ng Isla at isang bar kung saan pwede lamang na uminom ang mga guest. Marahil ay gusto rin ng may-ari na magkaroon ng privacy ang mga ayaw uminom.
Habang naglalakad ay may napansin siyang naghahalikan sa isang bench sa ilalim ng puno. Nakasuot ng two-piece bikini ang babae at naka-trunks naman ang lalaki. Nagulat siya nang maghubad na ang mga ito. Tinakpan niya ang kaniyang bibig nang tumambad sa kaniya ang batuta ng lalaki.
"OMG! Totoo pala talaga na malaki at tumatayo iyon kapag galit na galit," aniya sa kaniyang isipan habang nakanganga ang kaniyang bibig.
Biglang dumumi ang takbo ng kaniyang isipan. Muntikan na siyang mapasigaw nang makita niya na isinubo na ng babae ang patola ng lalaki na parang lollipop. Biglang nakaramdam siya ng init sa kaniyang kabuuan kaya nagpasya na siyang umalis at nagtungo sa restaurant.
Napansin niya na mas maraming tao sa loob ng restaurant kesa sa beach. Matindi pa kasi ang sikat ng araw ngunit may mangilan-ngilan na halos mga dayuhan ang walang pakialam at 'di iniinda ang init at nagbibilad pa.
"Ako nga lang ata ang solo guest dito. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay may mga ka-holding hands," aniya na biglang nalungkot ang mukha.
Ang hindi alam ni Mariz ay may isang pares ng mga mata ang kanina pa sa kaniya ay nakatingin gamit ang hawak nitong binoculars.
Pinili ni Mariz ang restaurant na kakaunti lang ang tao. Pagpasok niya ay sinalubong kaagad siya ng isang staff nito.
"Hi, Ma'am! Welcome to Letuce Eat Restaurant," bati nito na todo ang ngiti. "Table for how many, Ma'am?" tanong nito sa kaniya.
"Just for myself," nakangiti ring tugon niya rito.
Iginiya siya nito sa isang bar counter style na mesa na open sa kahit na kanino. Hindi na siya umangal kahit na hindi niya nagustuhan ang pwestong iyon.
"Here's our menu, Ma'am," sabi sa kaniya sabay abot ng menu book.
"Can I have a glass of cold water?" tanong niya rito.
Pakiramdam niya ay natuyuan siya ng lalamunan sa kaniyang nakita kanina. Hinipo rin niya ang kaniyang leeg at mainit iyon.
"Grabe talaga ang mga iyon. Hindi man lang inisip na baka may makakita sa kanila," sabi niya sa kaniyang isipan habang umiiling-iling. "Kunsabagay, ano pa ba ang ini-expect ko sa ganitong Isla. Totoo nga ang paalala ni Sir Juancho na huwag akong magugulat o masisindak sa mga makikita at masasaksihan ko rito sa Isla Bonita," dagdag pa niya.
Inilapag niya ang kaniyang shoulder bag at tinanggal ang kaniyang suot na shades. Pagkatapos ay tiningnan ang mga nakasulat sa menu. Napangiti siya nang mabasa ang mga nakasulat.
"Para sa mga health conscious ang restaurant na ito. Halos puro veggies ba naman ang mga pagkain. Kunsabagay, pangalan pa lang alam na kung ano ang itinitinda nila," sabi niya sa kaniyang isipan.
Isang mixed vegetable salad with tuna at isang baso ng fresh mango juice ang kaniyang in-order. Nalula man siya sa presyo ay pikit mata niya iyong binili. Pinaghandaan din kasi niya ang bakasyon niyang iyon kaya tatanggalin na muna niya sa kaniyang isipan ang gastos at mag-enjoy na lang.
Noong una kasi ay sa Maldives niya gustong pumunta. Ngunit nang makita ang Isla Bonita ay biglang nabighani siya sa lugar. Para bang may magnet na humila sa kaniya para iyon ang kaniyang piliin.
Saglit lang at dumating na ang hiningi niyang tubig. Kinuha niya iyon at ininom. Saka siya nag-order ng pagkain. Pangiti-ngiti naman ang waiter sa kaniyang inasal. Marahil ay nahulaan na nito ang nangyari sa kaniya.
Pagkatapos dumating ng kaniyang in-order ay tahimik lang siyang kumain. Iniisip niya ang kaniyang mga susunod na gagawin sa araw na iyon ngunit sumisingit pa rin sa isipan niya ang nasaksihan sa kakahuyan.
"I want to swim at the beach later," aniya sa sarili para maiba ang takbo ng kaniyang naiisip.
Kilala rin ang Isla Bonita sa beach parties na tuwing linggo ng gabi ginagawa. Madalas doon nagaganap ang mga wedding proposals. At excited na rin siya sa araw na iyon. Gusto niyang patunayan na ang Isla Bonita ay hindi lang para sa dalawang tao na nag-iibigan kundi puwede rin sa tulad niyang nag-iisa.
"Hi! Can I sit here?" tanong ng isang boses lalaki na siyang nagpagulat sa kaniya.
Hindi man lang niya namamalayan ang paglapit nito dahil sa mga iniisip niya.
"Sure!" aniya na hindi man lang niya ito tiningnan.
Umupo ang lalaki sa katabi niyang upuan at nag-order din ito ng pagkain. Patuloy lamang din siya sa pagkain.
"Mag-isa rin kaya siya?" tanong niya sa sarili na ang tinutukoy ang ang lalaki sa kaniyang tabi.
Bahagya niya itong sinilip sa tagiliran ng kaniyang mata. Nakita niya na isang baso lang ang naroon. At nakumpirma rin niya nang inilapag na ng waiter ang order nito na para sa pang-isahang tao.
"Katulad ko rin kaya siya? O baka naman nag LQ lang sila ng girlfriend niya at naisip niyang kumain na mag-isa?" tanong niya sa kaniyang isipan. Nagkibit-balikat na lamang siya. "Pakialam mo ba sa buhay niya," saway pa niya sa sarili.
Hindi namamalayan ni Mariz na napansin ng lalaki ang kaniyang pasimpleng pagtingin. Napapangiti na lang ito sa kaniyang inaasal. May salamin kasi sa harapan nila na hindi nakikita ni Mariz.
"Siguro niloko rin ito ng kaniyang boyfriend kaya nandito siya sa Isla para saktan din ang sarili," sabi ng estrangherong lalaki sa isipan nito.