Pagkatapos kumain ay hindi muna umalis si Mariz sa restaurant na iyon. Kinuha niya sa kaniyang bag ang isang maliit na libro. Nagdala siya para kahit papaano ay hindi siya mababagot. Hindi namalayan ni Mariz kung gaano katagal siyang nagbabasa. Pag-angat niya ng kaniyang mukha ay nakita niya ang salamin sa kaniyang harapan at nakita rin niyang nakatitig sa kaniya ang isang lalaki na puno ng balbas ang mukha at may kahabaan na ang buhok ngunit hindi maitatago ang kaguwapuhan nito.
Nakaramdam ng pagkailang si Mariz at nagbaba siya ng tingin. Muli niyang ipinasok ang libro sa kaniyang bag at nagpasyang lumabas sa restaurant na iyon. Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kaniya kaya binilisan pa niya ang paglakad nang biglang patakbo na ang mga hakbang ng tao sa kaniyang likuran. Iniisip niya na tumakbo rin ngunit nagsalita ito.
"Ma'am, please wait po," hinihingal na sabi nito.
Tumigil siya nang marinig ang boses ng isang babae. Lumingon siya at nakita niya ang waiter ng restaurant na kaniyang kinainan.
"Ma'am, nakalimutan niyo po atang magbayad," sabi nito na hinihingal pa rin.
"Oh no! I'm so sorry! Nawala nga sa isip ko," nahihiyang sabi niya rito.
"It's okay, Ma'am! Kung gusto niyo po eh, dito na lang kayo at ihahatid ko na lang ang resibo at sukli niyo," wika nito sa kaniya.
"Magkano ang bill ko?" tanong niya na nahihiya pa rin sa kaniyang ginawa.
Nang sinabi ng waiter ang dapat niyang bayaran ay kumuha siya ng pera sa kaniyang wallet at iniabot na rito ang kaniyang bayad.
"Just keep my change. Tip ko na sa'yo iyan dahil sa naging abala ko," aniya rito at bahagya niya iyong nginitian.
"Salamat po, Ma'am!" nakangiting sabi nito sa kaniya saka umalis na.
Nang makaalis na ang waiter ay luminga-linga pa siya sa paligid para matingnan kung may nakakita sa kaniya. At laking gulat niya nang makita ang lalaking napagkamalan niyang humahabol sa kaniya. Nakatingin ito sa kaniyang kinaroroonan at ngumingiti-ngiti na parang nakaloloko.
"Arrogant!" aniya na halos siya lang ang nakakarinig at tinalikuran na niya ito. Mabilis ang ginawa niyang paglakad.
Bumalik siya sa kaniyang villa. Pakiramdam niya tuloy ay mukhang masisira pa ng lalaking iyon ang kaniyang dream vacation. Naiinis kasi siya sa kaniyang sarili at sa inasta niya kanina. Nagmukha tuloy siyang tanga.
"Sana lang talaga hindi na magtagpo ang landas namin," wika niya sa sarili sabay ismid.
Napagpasyahan na lang niya na sa swimming pool na meron sa kaniyang villa siya maliligo sa halip na sa dagat tulad ng kaniyang plano. Nagbihis siya at nagsuot ng two-piece white bikini. Napapalatak pa siya habang tinitingnan ang sariling repleksiyon sa salamin.
"Look at yourself, Mariz. 'Wag mo namang ipagkait sa lalaki ang katawan mo," sabi ng kaniyang isipan na kaagad niyang sinaway.
Naligo siya at pabalik-balik na naglangoy. Nagbabad pa siya sa tubig hanggang sa makaramdam ng pagod. Umahon siya at nagbihis. Naalala niya na may buffet dinner ng alasyete sa Isla Bonita Pavillion. Tiningnan niya ang kaniyang relo. Nakita niya na six-thirty pa lang.
Isang white dress na mid length ang kaniyang isinuot. Backless iyon kaya kitang-kita ang kaniyang kaseksihan na hindi lingid sa lalaking kanina pa nakamasid sa kaniya; si Nikko Sebastian, ang may-ari ng Isla Bonita.
Pagdating niya sa Pavilion ay kaagad na may lumapit sa kaniyang waiter na nakangiti.
"Ma'am, doon po kayo umupo," sabi nito sa kaniya sabay turo ng isang bahagi ng pavilion.
Napakunot ang kaniyang noo nang mabasa niya ang nakasulat na salitang VIP.
"Ako, roon uupo?" hindi makapaniwalang tanong niya rito habang tinuturo niya ang sarili.
"Yes, Ma'am!" nakangiting sagot nito sa kaniya.
"Baka nagkakamali ka, Miss. Regular rate lang ang kinuha ko and not the VIP," aniya rito.
"I know po, Ma'am. Pero nasa VIP list po ang pangalan niyo. Mariz Del Cielo po 'di ba?" tanong nito sa kaniya.
"Yes, it's me," sagot niya.
Lalo siyang nagulumihanan sa mga nangyayari. Dumarami na rin ang mga tao at halos mapuno na ang Pavillion at mahaba na rin ang pila sa buffet.
"Halina po kayo, Ma'am!" wika pa ng waiter sa kaniya.
Naisip niya na mas maganda nga na roon siya pumuwesto sa may VIP table dahil hindi na niya kailangang pumila pa. Doon kasi ay may mga waiter na magsisilbi ng pagkain.
"Okay!" aniya saka sumunod na siya sa waiter at pinaupo na siya nito sa pandalawahang mesa.
"Miss, asan ang menu niyo?" tanong niya nang akmang tatalikod na ito pagkatapos siyang paupuin.
"Wala pong menu list dito, Ma'am. May mga special na pagkain na po na nakahanda para sa mga VIP na isi-serve po sa inyo. Kukunin ko lang po," nakangiting tugon nito sa kaniya.
Nginitian niya ito ng ubod tamis nang marinig niya ang sinabi nito. Iniisip niya kasi na para siyang nakatsamba dahil napapunta siya sa VIP list.
"Hindi naman siguro ako susunugin kung magsisinungaling ako paminsan-minsan," wika niya sa kaniyang isipan.
Nakakaramdam kasi ng guilt kapag naiisip niya na baka nagkamali lang ang waiter at napunta sa kaniya ang slot ng taong nagbayad ng mas malaking halaga para maging VIP.
"Kung sino ka man, pasensiya na at pinilit nila ako eh. Pero sana nga walang nagmamay-ari ng slot na ito," mahinang sabi niya sa sarili.
Ilang saglit lang ay may narinig na siyang tugtog na musika. Tiningnan niya sa kaniyang bandang kanan at nakita niyang may banda na nagpi-perform ng live. Lalo tuloy naging romantic ang mood sa kaniyang paligid. Palinga-linga siya at nakikita niya na naghahalikan ang mga magkaparehang naroon.
"Talagang mapanakit sa mata ang Isla na ito. Nakakainis talaga! Kung sino man ang may-ari nito masyadong bitter sa buhay," sabi niya na hindi namalayan na napalakas pala ang kaniyang boses.
"Let me accompany you if you are feeling uncomfortable here being alone," wika ng isang boses ng lalaki.
Napatingin siya sa kaniyang kaliwa at nakita niya ang isang guwapo at matangkad na lalaki na nakangiti sa kaniya. Nakasuot ito ng isang puting t-shirt na hapit sa katawan at bumabakat doon ang abs at mga masel nito.
Lalo siyang nakaramdam ng pagka-ilang nang mahuli siya nito na nakatingin sa bandang tiyan ng lalake.
"N-no n-need. I'm o-okay!" nauutal niyang sabi na halos hindi makatingin dito. Pakiramdam niya kasi ay namumula na ang kaniyang mukha sa labis na pagkapahiya.
"Ang tanga mo talaga. Sa dami na pwedeng tingnan ang abs niya talaga? Baka isipin no'n manyakis ka," sabi ng kaniyang isipan.
Ngunit sa halip na umalis ay umupo ito sa upuan na katapat niya. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito. Muli na naman niyang napansin ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin sabayan pa ng mamula-mula nitong labi.
"I know na mag-isa ka lang and i don't want my guest to feel uncomfortable. Gusto ko na magiging komportable sila habang naririto sa Isla Bonita," sabi nito sa kaniya.
"You mean, ikaw ang may-ari ng Isla Bonita?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.
"Yes! I'm Nikko Sebastian," nakangiting sabi nito sabay lahad ng kanang kamay sa kaniya.
"I'm Mariz Del Cielo," tugon naman niya at tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito.
Mainit at malambot ang mga kamay ni Nikko. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kaniya. Tumagal din ng ilang segundo bago nito binitawan ang kaniyang kamay.
"Let me officially welcome you to Isla Bonita, Mariz," sabi nito sa kaniya na nakangiti pa rin.
"Thank you, Sir!" aniya na nahihiya pa rin sa kausap.
Tumawa naman ito nang bahagya. Bago nagsalita. "Please don't call me Sir. Just Nikko, okay?" wika nito sa kaniya.
"Okay, Nikko if that what you want," tugon niya rito.
Halos wala siyang maipintas sa pisikal nitong anyo. Sa tindig pa lang ni Nikko ay alam niya na maalaga ito sa pangangatawan.
Bigla silang binalot nito ng katahimikan. Mabuti na lang at dumating na ang dalawang waiter na may dalang pagkain at inumin. Halos maglaway siya nang makita ang pagkaing inilapag ng waiter sa kaniyang harapan.
"Wow, beef steak at wine!" aniya sa sarili na natatakam na. Bigla niya tuloy nakalimutan na may tao pala sa kaniyang harapan.
"Do you like it?" tanong sa kaniya ni Nikko habang tinitingnan siya nito.
Bigla siyang napatingin dito at nagtama ang kanilang paningin. Dahil sa pakiramdam niya ay umurong ang kaniyang dila ay tumango na lamang siya.
"Good! Let's eat," ani ni Nikko at dinampot nito ang baso ng wine at itinaas. "Can we have a toast?" tanong nito sa kaniya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay kinuha niya rin ang kaniyang baso at nakipag-toast dito. Pagkatapos ay nagsimula na silang kumain. Napapapikit siya nang malasahan ang steak. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakakain ng gano'ng pagkain ngunit sa kaniyang panlasa ay iyon ang pinakamasarap.
Sumipsip siya ng wine na lalong nagpagana sa kaniyang pagkain. Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay muling nagsalita si Nikko.
"You might be wonder kung bakit andito ka sa VIP table," ani Nikko na ibinaba ang hawak na kobyertos habang nagsasalita.
Binitawan niya rin ang hawak niyang table knife at tinidor saka nagpahid ng table napkin sa kaniyang bibig.
"Bakit nga ba?" tanong niya rito.
"Well, ilang beses na kasing may pumumunta rito na mag-isa sa Isla. And pag-alis nila ay nag-iiwan sila ng mga negative comments at hateful words sa mga staff ko and even on our website. That's why I came out an idea na I-treat ang lahat ng solo na VIP. From then, naging positive na ang feedback sa amin," pahayag ni Nikko sa kaniya.
"You mean, ako lang ang solo na nandito ngayon sa Isla?" curios na tanong niya ngunit naisip niya ang lalake na naka tabi niya sa restaurant kanina.
Umiling si Nikko at muling nagsubo ng pagkain. Naghiwa rin siya ng karne at isinubo iyon. Balak niyang simutin ang steak dahil sa sobrang sarap na sarap siya rito.
"Merong isang lalaki na solo rin. We offer him the same pero he refused. Mas gusto niya na mapag-isa and halos isang linggo na siya rito sa Isla. Ayaw naman namin na pilitin ang aming guest, so hinayaan na namin siya. Maybe his enjoying some alcohol sa bar ngayon," sabi nito sa kaniya at muli itong uminom ng wine.
Lalo tuloy siyang na-curios sa pagpapatakbo nito ng Isla.
"Paano ako nakilala ng mga staffs mo na mag-isa?" muli niyang tanong rito.
Muling ngumiti sa kaniya si Nikko bago ito nagsalita. "Well, that's a bit of a secret. But, if you want to know an answer, maybe in another dinner pwede ko na siyang sabihin sa'yo."
"What do you mean?" tanong niya rito.