"Can I invite you for a dinner, Mariz?" seryosong tanong sa kaniya ni Nikko. "Hindi counted itong araw, ha? Dahil welcome dinner mo ito," dagdag pa nito.
Palibhasa wala siyang karanasan sa mga date kung kaya hindi niya alam ang dapat gawin kapag sinabihan ng gano'n ng isang lalaki.
"Okay," tanging nasagot niya.
Iniisip na rin kasi niya na malaki ang kaniyang matitipid kapag palagi itong magyayaya ng hapunan sa kaniya.
"I'm such a wise person. Good job, girl!" sabi niya sa kaniyang sarili saka napapangiti ng bahagya.
Hindi naman nakaligtas kay Nikko ang kaniyang naging reaksiyon. Natutuwa siya at pumayag ito sa kaniyang imbitasyon.
Pagkababa pa lang kasi ni Mariz sa private plane kanina ay napansin na niya ito. Nakaugalian niya kasi na sa tuwing may dumarating na guest ay tinitingnan niya ito sa malayo gamit ang kaniyang binocular. Naagaw naman ni Mariz ang kaniyang atensiyon nang maglakad ito ng mag-isa pagkababa nito sa eroplano.
"Another loner spotted," aniya sa kaniyang sarili habang sumisilip sa kaniyang binocular.
Ngunit may nararamdaman siya na hindi maipaliwanag nang makita na niya ito sa malapitan.
"Whats going on, Nikko?" tanong pa niya sa sarili.
Natatawa na lang siya nang mahina habang inaalala niya ang nangyari kanina. Napansin naman niya na nakatitig sa kaniya si Mariz.
"May naisip lang ako bigla na nakakatawa," sabi niya rito.
Tumango-tango lang ito sa kaniya. Aminado siya sa kaniyang sarili na nakakaramdam siya ng paghanga sa pisikal na anyo ni Mariz. Simple lang para sa kaniya ang ganda nito ngunit malakas ang s*x appeal. At binuhay nito ang kaniyang curiosity sa buhay at pagkatao ng bisita. Kaya laking pasasalamat niya nang pumayag ito sa kaniyang pag-aya.
"What do you plan to do next?" tanong niya kay Mariz nang matapos na silang kumain.
"I'm thinking about it," sagot nito sa kaniya. Napapansin niya na tila naiilang pa ito sa kaniya.
"Gusto mo bang mag night swimming? Meron kasi akong favorite spot dito sa isla na kakaunti pa lang ang nakakaalam," aniya rito. Umaasa siya na mapapayag niya ito.
Napansin niya na biglang lumiwanag ang mukha nito. Tuluyan na nitong inubos ang laman ng wine glass saka sumagot sa kaniya.
"Really? Sige. Babalik muna ako sa villa at magpapalit lang ng damit," tugon nito na excited ang boses.
Napangiti naman siya ng husto sa kaniyang narinig.
"I'll just wait you outside your Villa," wika niya rito.
"Okay!" tugon nito saka tumayo at nagmamadaling umalis.
Sumilay naman ang isang magandang ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi niya akalain na mapapangiti siya ng husto ni Mariz. Limang taon na kasi mula ng maramdaman niya ang gano'ng pakiramdam. Limang taon mula ng mamatay ang kaniyang unang pag-ibig na kamukhang-kamukha ni Mariz.
"What I'm going to wear this time?" tanong ni Mariz habang inisa-isa niya ang kaniyang swimsuit na itinapat sa kaniyang katawan.
First time niya kasi na magswimming kasama ang isang lalake kaya hindi tuloy siya mapakali. Iniisip niya na kailangan niyang magpa-impress kay Nikko.
"What are you doing, Mariz? Lumalandi ka ba?" tanong niya sa kaniyang sarili habang hawak ang isang pares ng yellow two-piece bikini.
Napabuntong hininga na lamang siya habang nag-iisip ng isasagot sa kaniyang sarili. Ngunit wala siyang naisip kaya nagpasya siya na ang hawak niyang kulay dilaw na lang ang isusuot niya.
"Wow! Bagay na bagay pala sa akin ang color yellow," papuri niya sa sarili habang paikot-ikot na tinitingnan ang repleksiyon sa salamin.
Nang makontento na sa kaniyang nakikita ay kinuha niya ang kaniyang roba at ipinatong iyon sa kaniyang katawan. Hindi na siya nagdala ng iba pang gamit dahil sa passcode naman ang gamit sa pintuan ng villa. Saktong naka-ready na siya nang marinig ang katok sa kaniyang pintuan. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at binuksan iyon.
"Are you ready?" nakangiting tanong sa kaniya ni Nikko nang pagbuksan niya ito ng pinto. Nakasuot ang binata ng kulay asul na board shorts at puting sando.
"Yes," tugon niya saka isinara na ang pintuan.
Maliwanag ang sinag na galing sa buwan kaya kahit walang ilaw ay malinaw nilang nakikita ang dinadaanan.
"Are you enjoying your stay here?" tanong sa kaniya ni Nikko habang naglalakad sila.
"So far, okay naman. I'm hoping na magiging memorable sa akin ang pag-stay ko rito lalo na at dito ko naisipan na mag-celebrate ng aking 40th birthday," tugon niya.
"What? Your turning forty?" gulat na tanong ni Nikko na hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.
"Yes. Bakit, ilang taon ako sa tingin mo?" natatawa niyang tanong dito pero deep inside ay kinikilig siya dahil feeling niya ay nasa twenties pa lang siya.
"I thought your only twenty-eight. Napakabata mong tingnan sa edad mo," sabi nito sa kaniya na bahagya pang napatigil sa paglalakad para tingnan siya.
"Thank you!" aniya rito na bahagyang nagpa-cute pa.
Natawa naman si Nikko sa naging reaksiyon niya. Nagpatuloy pa sila sa paglalakad.
"Dito tayo dadaan," sabi sa kaniya ni Nikko at hinawakan siya nito sa kamay.
Nakaramdam naman si Nikko na parang naiilang siya kaya binitawan din nito ang kamay niya.
Dumaan sila sa ilalim ng mga punong-kahoy. May mga tao naman doon kaya hindi siya nakaramdam ng takot. Meron kasing mga upuan sa ilalim ng malalaking mga puno.
Makalipas lang ang ilang minuto ay bumungad na kay Mariz ang napakagandang tanawin. Nasa mataas silang bahagi kaya tanaw na tanaw niya ang malawak na karagatan na tila nag-eenganyo pa ang tubig nito dahil sa nakikipagsayawan sa liwanag ng buwan.
"Halika, bumaba tayo," wika sa kaniya ni Nikko at muling hinawakan nito ang kaniyang kamay.
Hindi na siya nagreklamo dahil may katarikan ang kanilang dadaanan.
"Don't worry, safe rito. Madalas kasi akong tumambay sa lugar na ito lalo na kapag gusto kong mapag-isa," sabi nito sa kaniya.
Nang makaapak na siya sa buhanginan ay tumakbo-takbo siya na parang bata. Tawang-tawa naman sa kaniya si Nikko habang pinagmamasdan siya.
"Halika!" sigaw niya rito sabay kaway sa binata.
Patakbo namang lumapit sa kaniya si Nikko.
"Puwede ba tayo roon?" tanong niya habang itinuturo ang malaking bato na nasa tabing dagat. "Para may mapatungan ako ng aking roba," dagdag pa niya.
"Sure," maiksing tugon nito sa kaniya.
Nauna na siyang naglakad papuntang kabatuhan at kaagad na hinubad ang kaniyang roba. Ipinatong niya iyon sa bato ngunit may narinig siya na kakaibang tunog. Pinakinggan niya iyong maiigi para malaman kung saan nanggagaling. Bahagya pa siyang umikot sa mas malaking bato nang may nakita siyang apat na paa na nakausli.
Kinabahan siya at iniisip niya na baka kung ano ang nangyari sa mga ito kaya umusod pa siya ng husto para makita ito ng malapitan ngunit muntik na siyang mapasigaw sa kaniyang nakita. Isang babae at lalake na nagtatalik sa buhanginan na natatabingan ng malaking bato.
Napanganga siya nang makita niyang itinulos ng lalake ang malaki at mahaba nitong pag-aari sa kabibe ng babae. Sa edad niyang iyon ay hindi pa talaga siya nakakakita ng gano'ng eksena kahit sa mga porno. Paano ay kinikilabutan siya kapag naririnig na niya ang ungol.
"Grabe, ang laki na ang haba pa!" bulalas niya habang tinatakpan ang kaniyang bibig. Umiiwas siya na baka makalikha siya ng ingay at makita siya ng mga ito. "Buti nakayanan ng babae," inosenteng dagdag pa niya.
Ilang saglit lang ay hinugot ng lalake ang batuta nito at isinubo iyon ng babae. Muntikan na siyang mahulog sa tubig dahil sa nagulat siya sa ginawa ng babae. Mabuti na lang at may kamay na humawak sa kaniya. Nilingon niya iyon at nakita niya si Nikko. Akmang magsasalita iyon ngunit mabilis niyang sinenyasan na tumahimik.
Dahan-dahan siyang bumaba mula sa malaking bato at hinila si Nikko palayo nang tuluyan na siyang makababa sa buhanginan.
"Bakit? Anong nangyari?" nagtatakang tanong nito sa kaniya nang tumigil na sila sa paglalakad.
Bumuga muna siya ng hangin bago nagsalita.
"May nakita kasi ako roon sa gilid ng malaking bato na nagtatalik," prangka niyang sabi rito.
Nagulat siya sa naging reaksiyon ni Nikko. Tumawa ito na parang wala lang dito ang kaniyang sinabi.
"You're turning forty, right?" tanong nito sa kaniya.
Sa halip na sumagot ay tumango lamang siya.
"I can't believe na wala ka pang nakikita na nagtatalik sa edad mong 'yan. Normal kasi 'yan dito sa Isla Bonita. Ginawa namin 'to para sa mga couples pero syempre binuksan din namin sa mga singles na gustong maranasan kung anong meron dito sa isla," tila pagmamalaki pang pahayag ni Nikko.
"Ibig sabihin na puwedeng magtalik dito kahit saan nila gusto?" curious na tanong niya.
"Depende pa rin sa lugar. May rules pa rin naman kami na, yes they can do intimate scenes anywhere basta hindi sila nakakasagabal sa iba. Kaya 'yong iba na gusto ng adventure sa s*x ay madalas dito sa labas ginagawa. Maybe they are too bored na sa ibabaw ng kama," tugon sa kaniya ni Nikko.
Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Hindi kasi iyon ang ini-imagine niya nang mag-book siya sa isla. Hindi naman sa sobrang conservative siya kundi siguro ay sa wala pa siyang karanasan sa gano'ng bagay. Ni hindi pa nga siya nahahalikan sa labi.
Nagpasya na lang sila na maligo sa kabilang banda ng Isla kung saan mas maraming tao ang naroon. Habang lumalangoy siya ay patuloy niya pa ring iniisip ang sinabi sa kaniya ni Nikko. Pasimple siyang tumingin sa kaniyang paligid at nakompirma nga niya dahil sa liwanag ng buwan ay kitang-kita niya na may nagtatalik sa buhanginan. Nagtatakip lang ang mga ito ng tuwalya at parang wala nga lang sa iba ang nakikita.
"Ako lang ba ang inosente sa lugar na ito? Ano ba kasi itong pinuntahan ko? Sa halip na makapag-relax, pakiramdam ko eh, lalo lang akong na-stress," wika niya sa kaniyang sarili.
Lumangoy na lang siya at umahon nang makaramdam ng pagkapagod. Kahit papaano eh, nawala ang init na kaniyang nararamdaman kanina dahil sa malamig na tubig. Dinampot niya ang kaniyang roba sa buhanginan at ibinalot iyon sa kaniyang katawan.
Hindi siya madalas nagsusuot ng mga gano'ng kasuotan dahil naiilang siya. Ngunit nagpasya siyang subukan iyon dito sa Isla bilang bahagi ng kaniyang bucket list. Mabuti na nga lang at makinis ang kaniyang morenang balat at seksi ang kaniyang pigura. May napapalingon pa nga nang makita siyang umahon sa dagat. Isa na ang isang pares ng mga mata na nasa malayo at may hawak ng isang bote ng beer.
"Ayaw mo na ba?" tanong sa kaniya ni Nikko na umahon na rin nang makita siya na umalis na sa tubig.
"Napagod na ako sa kakalangoy saka lumalamig na," tugon niya.
"Okay, ihahatid na kita sa iyong Villa," ani Nikko at nagsuot na ito ng tsinelas.