Chapter 6

1721 Words
Habang naglalakad sila ni Nikko ay napansin niya ang isang lalaki na nag-iisa. Nakaupo ito sa isang bench na nasa gilid ng buhanginan. Nang makalapit na sila rito ng husto ay nakilala niya iyon. "Siya ang nakasabay ko na kumain sa restaurant kanina. Napagkamalan ko pang hinahabol niya ako," sabi niya sa kaniyang isipan. Nagtama ang kanilang paningin at may kung ano siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. "Do you know him?" tanong sa kaniya ni Nikko nang mapansin nito ang kaniyang ikinilos. Umiling siya. "Isa siya sa mga single na dumating dito sa Isla. Ilang araw na siya rito at tumatanggi siya sa lahat ng offers namin. Mas gusto niya lang na mapag-isa," wika nito sa kaniya. "Baka may problema siya. Tingnan mo, ang haba ng kaniyang buhok at balbas. Tapos mukhang palagi pang umiinom," aniya rito. "Yup. Nalaman ko na dati na pala siyang customer namin. But that time meron siyang kasama na babae. Maybe they had a personal problem kaya siya na lang mag-isa ang bumalik dito," sabi sa kaniya ni Nikko. Magsasalita pa sana siya tungkol sa lalaki nang mapansin niya na nasa harapan na sila ng kaniyang villa. "Salamat sa paghatid sa akin," wika niya sa binata sabay ngiti rito. "You're welcome! Sana nag-enjoy ka sa unang araw mo rito sa Isla. And kapag may kailangan ka, just call sa intercom na nasa loob ng iyong villa. We will be happy to serve you," ani Nikko at bahagya pa iyong yumukod sa kaniya. Natawa naman siya sa ginawa nito. Pagkatapos makapagpasalamat ay nagpaalam na siya na pumasok na sa loob ng kaniyang villa. Umalis naman na si Nikko nang makapasok na siya sa pintuan. Dumiretso siya sa banyo at nag-shower. Malagkit din sa kaniyang pakiramdam ang tubig-dagat kaya nagsabon siyang mabuti. Nang matapos maligo ay nag-blower siya ng kaniyang buhok para matuyo ito kaagad. Pagkatapos ay hindi siya nagsuot ng kahit anong saplot sa kaniyang katawan. Kasama rin kasi iyon sa kaniyang bucket list. Humiga siya sa kama at nakaramdam ng lamig dahil automatic na bumubukas ang aircon kapag merong tao sa loob. Nagtakip siya ng kumot sa katawan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gusto na niyang makatulog. Balak niya kasi na mag-jogging sa tabing dagat kinabukasan. Iniisip niya kasi na baka tumaba siya kapag puro kain lang ang kaniyang ginawa sa loob ng dalawang linggo. Ngunit ayaw siyang dalawin ng antok. Paano ba naman kasi biglang pumasok sa kaniyang isipan ang nakita niya mula sa kakahuyan hanggang sa buhanginan na nagtatalik. "Please, tigilan niyo na ako," malakas niyang sabi. Ngunit tila lalo pa siya nitong inaasar. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kung anong init sa kaniyang katawan at napahawak siya sa kaniyang dibdib at dahan-dahan na bumaba iyon sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Nakaramdam siya ng kung anong kiliti nang dumako ang kamay niya sa kaniyang rosas na sa edad niya ay nananatiling fresh. Never been kissed, never been touch. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata at napapaungol na siya ng bahagya nang nilaro-laro niya iyon ng kaniyang daliri. Muntikan na siyang mapatalon sa kaniyang higaan nang biglang pumasok sa kaniyang isipan ang mukha ng lalaki na kaniyang nakasabay niya sa loob ng restaurant. Hinahawakan daw nito ang kaniyang rosas at nilalaro ng dila nito ang korona ng kaniyang dibdib. Napatakbo sa kusina si Mariz para uminom ng tubig. Sa kaniyang pagmamadali ay hindi na niya napansin na wala pala siyang saplot sa katawan. "Ano ba, Mariz? Ganiyan ka na ba katigang, ha? Kung anu-ano na ang ginagawa mo," sabi niya sa kaniyang sarili habang hawak-hawak pa niya ang baso. Muli siyang uminom at napaupo habang patuloy na tinatanong ang sarili dahil sa kaniyang ginawa. "Ay!" tili niya nang makita ang repleksiyon sa salamin na dingding. Kaagad siyang napatakbo papasok ng kuwarto at nagsuot ng roba. "Paano na lang kung may nakakita sa akin na walang saplot? Baka kung ano ang kaniyang iisipin sa akin," wika niya sa kaniyang sarili habang naglalakad ng pabalik-balik sa loob ng kuwarto. Nang wala pa rin siyang makuhang sagot ay padapa siyang nahiga sa kama at sinuntok-suntok ito. "Unang araw ko pa lang dito pero bakit ganito na kaagad ang nangyayari sa akin? Kakayanin ko pa ba ang dalawang linggo?" tanong niya sa sarili. "Hoy, gaga! 'Di ba kasama sa bucket list mo ang iyong ginagawa? Don't feel bad for yourself. Mag-enjoy ka with no limits dito sa Isla Bonita. No one will judge you here," sabi ng isang bahagi ng kaniyang utak. Nang mapagod na sa kakaisip at nagpasya na siyang matulog ngunit madaling araw na siya nang tuluyang makatulog. Nagising si Mariz sa tunog ng kaniyang alarm clock. Sa kabila ng madaling araw na siya nakatulog ay nagpasya pa rin siyang bumangon para mag-jogging. Paglabas ng kaniyang villa ay nakita niya na may ilang mga pares na nagja-jogging din. Malawak ang beach front ng Isla Bonita at paikot ito kaya ilang oras ding tatakbuhin bago ito maikot. Sanay si Mariz sa pag-i-ehersisyo dahil nais niyang ma-maintain ang kaniyang pigura kahit na may edad na siya. Mahigit kalahating oras na siyang tumatakbo nang magpasya na siyang bumalik sa villa. Pabalik na siya nang aksidenteng matapilok siya. Hindi niya kasi napansin ang nakausling bato sa kinayang dinadaanan. "Araaaay!" hiyaw niya at napaupo siya sa buhanginan dahil sa kirot ng kaniyang ankle. Sakto namang walang tao sa lugar na iyon kaya hindi niya alam kung paano makakabalik sa kaniyang villa. "Kapag minalas ka nga naman oh. Hai naku, gagapang na lang siguro ako hanggang sa may mahingian ako ng tulong," wika niya sa sarili. Aktong gagapang nga siya nang biglang may mga kamay na bumuhat sa kaniya. Nagpumiglas siya dahil hindi niya alam kung sino iyon ngunit napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang makilala na niya ang may buhat sa kaniya. "I-ikaw?" tanong niya rito. Hindi siya makapaniwala na sa dami ng tao sa isla ay ito pa ang tutulong sa kaniya. Ang lalaking nasa pantasya niya kagabi. "Ibaba mo ako," sabi niya ngunit tila wala itong narinig. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at mas lalo pa siyang hinawakan nito ng mahigit. "Ano ba? Hindi mo ba ako naririnig?" mataray niyang sabi rito. "Tinubuan na rin ba ng buhok ang mga tainga mo?" bulyaw pa niya ngunit wala pa rin siyang nakuha ng sagot dito. Pinagsusuntok na niya ito sa diddib ngunit mas nasaktan pa ata siya kesa rito. Matitigas din ang masel nito sa dibdib. Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ito. Bigla niya rin kasing naisip ang kaniyang kalagayan. Ilang saglit lang ay tumigil ang lalaki. Tiningnan niya ang paligid at nakita niya na may upuan sa isang malaking puno na naroon sa gilid ng buhanginan. Pumunta roon ang lalaki at inilapag siya. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kaniyang mga paa at tinanggal ang suot niyang sapatos. "Ay!" tili niya dahil sa ginawa nito. Nakaramdam kasi siya ng kiliti sa paghawak nito sa kaniyang mga paa. "Anong ginagawa mo?" pagtataray niya uli ng tanong dito. Binitawan ng lalaki ang kaniyang paa at tiningnan siya nito. "Kung gusto mong mag-enjoy habang nandito ka sa Isla ay tumahimik ka," mahina ang boses ngunit mariin na sabi nito sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Muli niyang tiningnan ang paligid. Wala pa rin siyang nakikita na tao. Naisip niya tuloy kung tama ba ang kaniyang tinakbuhan o naligaw na siya. Ang iba niya kasing mga kasabay kanina ay doon lang sa harapan ng resort nagsipagtakbo. Siya lang mag-isa ang tumuloy. Muling napatingin siya sa mukha ng estrangherong lalaki. Puno ng balbas ang mukha nito ngunit hindi maikaila ang kaguwapuhan nito. Matangos ang ilong at mahaba ang pilik-mata. Maganda rin ang hugis ng kilay nito saka mamula-mula ang mga labi na pakiramdam niya ay masarap halikan. Napapikit pa siya nang maisip iyon. Ngunit kaagad na bumalik ang kaniyang isipan nang muling hinawakan ng lalake ang kaniyang paa. Hindi na siya tumutol dahil sa sinabi nito sa kaniya. Bagkus ay hinayaan niya ito sa ginagawa nito sa kaniyang paa. Ilang saglit lang ay biglang pinihit ng lalaki ang kaniyang paa. Napasigaw siya dahil narinig niyang tumunog iyon. "Subukan mong ilakad kung masakit pa," sabi nito sa kaniya. Dahan-dahan niyang inapak ang kaniyang mga paa at tumayo siya. Inihakbang niya iyon at gayon na lamang ang kaniyang pagkamangha sa lalaki nang wala na siyang maramdamang sakit. "Next time, 'wag kang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam at mag-isa ka lang. Hindi na masyadong kontrolado ng resort ang bahaging ito dahil dito nakatira ang mga naninilbihan sa isla at madalas din na may mga taga labas na dito pumapasok," sermon nito sa kaniya. "Salamat!" aniya rito na hindi man lang magawa itong tingnan. Ngunit hindi na siya nito pinansin bagkus ay nauna na itong lumakad pabalik sa resort. Nakasunod naman siya sa likuran nito. Binilisan niya ang kaniyang mga hakbang para makalapit man lang dito. Nakaramdam kasi siya ng takot dahil sa sinabi nito. "Ang suplado naman nito," sabi niya sa kaniyang isipan. Umismid siya at patuloy lang na sumusunod dito. Habang nasa likuran ay pinag-aralan niya ang tindig ng lalaki. "Ang tangkad niya. Ang lapad din ng kaniyang balikat at sa lakad nito ay masasabi ko na isa siyang modelo," aniya sa sarili saka may nararamdaman siyang init sa sarili. Muli na naman niyang naalala ang nangyari kagabi. Sinampal-sampal niya ang kaniyang mukha. "Ang dumi talaga ng utak mo, Mariz. Paano mo napagpantasyahan ang inosenteng tao?" saway niya sa kaniyang sarili. Napahugot na lang siya ng malalim na hininga. Hanggang sa makabalik sila sa resort ay hindi na siya kinausap ng lalake kaya hinayaan na lang niya. Iniisip niya na nakapagpasalamat na siya rito. Nagtungo na siya sa kaniyang villa para magpalit ng damit. Akmang bubuksan na niya ang kaniyang pintuan nang mapatingin siya sa katabi niyang villa. "Magkapitbahay pa pala kami," sabi niya sa kaniyang sarili nang makita ang lalaking tumulong sa kaniya. Hindi man lang siya tiningnan nito. "Akala ko mabait dahil tinulungan niya ako, ang suplado pala. Mas mabait pa si Nikko," aniya rito saka binuksan na niya ang pintuan at pumasok. Nag-shower siya at nagpalit ng isang off-shoulder na dress na hanggang tuhod. Napapangiti siya nang makita ang sarili sa salamin. "Ang galing talaga pumili ni Crissa. This looks really perfect for me," sabi niya at pinuri pa ang kaniyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD