"You know whats funnier? Dumagdag pa si David," patuloy niyang kuwento sa kaibigan. "You mean, iyong kinukwento mo na inirereto ng iyong Mama?" curious na tanong sa kaniya ni Crissa. "Exactly! Kaya kami nagkaroon ng pagtatalo ni Mama because of him. Kaya kaagad na pumayag ako nang magyaya si Sir Juancho na uminom kagabi," tugon niya. "Masyado namang feeling ang lalaking 'yon," ani Crissa na naiinis din kay David. "Naaawa ako at some point sa kaniya dahil sa sitwasyon niya. Pero kilala mo ang ugali ko. Ayoko na pinipilit ako sa hindi ko gusto," aniya saka uminom ng tubig dahil pakiramdam niya ay sumisikip ang kaniyang dibdib. "Eh, 'di war pa rin kayo ni Tita?" tanong sa kaniya ni Crissa. "Ano pa nga ba? At heto pa, para na akong sasabog kapag sa loob ng isang araw ay nakikita ko silan

