Halos walang tulog si Travis ng gabing iyon. Kahit puyat ay maaga siyang bumangon at nagbihis para madatnan pa niya si Mariz sa unit nito. Ngunit patuloy pa rin siya nitong iniiwasan. Ang nais lang naman niya ay makausap ito at magkaliwanagan sila. Hindi niya kayang basta na lang na magkalimutan sila lalo at mahal na nga niya ito. Nang mapagsarhan siya ng elevator ay mabilis niyang tinakbo ang kabilang elevator para mahabol si Mariz. Laking pasalamat niya nang wala gaanong sakay iyon. Nakita niyang mabilis itong naglalakad sa lobby ng condominium. Hahabulin niya sana ito ngunit nasaktan lang siya sa kaniyang nakita. "Bakit ginagawa mo sa akin ito, Mariz? Akala ko puro saya na ang mararamdaman ko nang mahalin kita ngunit bakit ang sakit-sakit ng puso ko ngayon?" tanong niya sa kaniyang sa

