Chapter 38 Tanghali na ng umuwi ang Mama Margie ni Mariz. Ipinagluto na rin siya niyo ng tanghalian at namili ng stocks na groceries. Nang mapag-isa na ay nakaramdam siya ng pagkabagot kaya kinuha niya ang kaniyang laptop at nagtrabaho siya ng mga dapat niyang i-present sa board. Dahil sa naging abala siya ay hindi niya namalayan ang oras. Nagulat pa siya nang makarinig ng katok sa kaniyang pintuan. Sinilip niya muna iyon sa peep hole bago pinagbuksan. "I missed you!" nakangiting sabi ni Ttavis sa kaniya sabay yakap ng mahigpit. Dahil sa takot na baka may nakakita sa kanila ay kaagad niyang hinila ito papasok. "What's wrong?" tanong nito sa kaniya. "Nothing!" aniya. "Alam ko na kung bakit mo ako iniiwasan, Mariz. Narinig ko na sa mga kasamahan mo kanina," sabi nito habang nakayakap

