KABANATA LABIN' APAT

1280 Words
CHAPTER 14 Tumingin si tita sa kanya na nakangiti. "Pasok ka, iho." Ngiting-ngiti si tita sa pagpasok niya sa kanyang bisita. "Pakilagay lang doon." Sabay turo ni tita doon sa unahan kung saang may pintuan papasok sa kusina. Malaking ngiting ginawad niya sa akin ng tuluyang makapasok siya sa amin. Habang karga naman niya ang isang kahon na may laman na mga pinamili ni tita. Which is, grocery iyon at marami-rami rin. Dumaan siya sa aking harapan. Sa lawak ng espasyo sa living room ni tita, sa harap ko pa sya dumaan. Tigas talaga! Bago pa mawala siya sa aking paningin, kita ko naman na sumulyap muna siya sa akin saglit at kumindat saka siya tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Kumunot ang noo ko sa dahilanang, ang cringy niya sobra para akomg nasusuka. Umaarte ako na parang nasusuka dahil za aking naiisip. "Ayos ka lang ba Leam?" Alalang tanong ni tita sa akin. Napansin kase ni tita na umakto akong nasusuka. Inayos ko ang aking sarili at tumawa ng tumawa. "W-Wala ho yun, tita... Hahaha..." Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko, na sa tingin naman nila'y totoong na natatawa ako. Buti't hindi iyon napansin ni tita. Umakyat muna si tita sa taas upang mag bihis ng pambahay na damit. "Aray naman!" Napasigaw ako sa sakit sa tagiliran nang kurutin ni bakla. "Uuuyyy," tukso niya sa akin. Tinutusok-tusok pa niya ako sa may braso na animo'y kinikilig. "Ikaw ha, parang may hindi kapa sinasabi sa akin ha... Uuuyyyy..." Tukso naman niya ulit. "A-Ang a-alin ba?" maang kong sambit. "Pautal-utal pa... Cutie..." saka lang sya tumawa ng bahagya. "Iwan ko sayo..." Iniwan ko na lamang siya at nag tungo sa taas. Dalawa ang kwarto namin dito sa taas at isa sa ibaba kung saang doon matutulog ang bakla. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Wala naman siyang sinabi na pupunta siya. Iwan ko ba sa kanya. Ang hirap niyang basahin. Sa pagmumuni ko, naisipan ko nalang ang magbasa ngunit walang pumapasok sa utak ko! Siya parin ang nilalaman ng isip ko... Dahil hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi. "Naririnig mo ba ang sinasabi ko?" Tiningnan ko siya nang nagtataka. "Sorry? Did you say anything?" tanong ko. Wala kase akong narinig dahil na aliw ako sa panonood ng Anime. Ano kaya title nito? Ang galing kase ng main character, sobrang astig nag reincarnate. Ay, isa pala siyang demon lord na reincarnate. Tapos, bigla ay ipinanganak sya ulit sa mundo ng mga tao. Tapos ang naging magulang niya ay kilala bilang tagapag ligtas ng kanilang lugar. Bata palang siya ay gusto na niya na magkaroon ng kaibigan dahilan sa nakaraan niya, wala iyon ni isa... Ginawa niya ang lahat para magkaroon lang ngunit, ni ngiti ay hindi niya alam... Natatakot tuloy ang mga bata sa kanya. Humahalakhak ako sa tawa ng biglang namatay yung tv. Tiningnan ko ang nasa tabi ko, nagtitimpi sa galit na nakatingin sa akin. Tika? Galit ata to. Huh? E, bakit? "Ba't mo pinatay? Nanonood ako eh!" Kukunin ko na sana ang remote na nasa kanya pero, inilayo niya bigla ang kanyang kamay. Sinusubukan ko iyong abutin pero hindi ko maabot. "Ano ba! Ibigay mo na sa akin!" "Ayaw..." Pag mamatigas niya. "Ano ba?!" Inis akong sigaw sa kanya. Hindi ko na pansin na nakayakap na ako sa kanya. Yun bang, nakaupo lang kayo at kung pilit mong kunin yung remote control na hawak niya na itinaas pa ng sobra para di mo maabot. Kulang ng mahalikan ko na ang kumag nato. "Masyado kang chansing, alam mo ba yun?" Sabi ko. "Ano sabi mo?" Nangunot ang kanyang noo. Hindi niya inasahang sasabihin ko iyon, kaya naibaba niya ang kanyang kamay at nakuha ko ang remote. "Bleeh," inaway ko sya, labas pa ang dila. Para syang na estatwa dahil sa ginawa ko. Hinayaan ko nalang at binuksan nalang ang tv at patuloy na nanonood. Wala pa ngang ilang minuto kinuha na niya agad ang remote control ng tv. Tumayo sya at may kung ano siyang tinuro sa taas. Shocks! 11 pm na?! "Halaaaa! Legit yan?!" biglaang sigaw ko at tinuro ang orasan. Tiningnan niya ang orasan, bago tumingin sa akin ulit. "Aba'y oo naman..." Kunot noo niyang sambit. Halaaaa lagot... Lagot ako nito. Tiyak na nag-alala na ngayon sina tita. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ni Cedric. Kinuha ko ka agad lahat ng mga gamit ko. Sinubukan kong buksan ang cellphone ko. Lowbat. Paglabas ko ng kwarto, nakita kong naghihintay pala sya sa akin sa labas. "Ihahatid na kita," aniya. Hindi ko nalang siya pinansin. Basta nalang akong, nag paumunang lumabas sa kanyang apartamento. Sa pagbaba, nag hahanap ka agad ako ng masasakyan. Gabi na kaya pahirapang makahanap ng sasakyan pauwi ngayon. Paano na to? Nasabi ko nalang sa isip. Tumingin ako sa likod upang tingnan si Cedric, ngunit wala ito sa likod ko. Akala ko ba, ihahatid niya ako? Hanggang salita lang pala. Nagrereklamo pa ako e, hindi ko naman siya pinapansin kanina. Hayst! Ang gulo ko! Hindi na ako makapaghintay kaya, naglalakad nalang ako. Hindi, pamilyar sa akin ang dinadaanan ko. Saan kaya dito ang sakayan ng jeep? Naglakad lang naman ako ng naglakad. Di ko napansin na madilim pala ang tinatahak kung daan. Nasaan ba ako? Saan ba ito banda? Saan ba dito ang sakayan ng jeep? May nakita ako sa bandang unahan. Isang grupo ng kalalakihan. Sa tingin ko ay mga tambay sa kanto. My plan is to approach them and asked them where to get a cab, motorcycle or a jeepney pero nag dadalawang isip ako nang nakatingin na silang lahat sa akin. Tiningnan ko ang suot ko. Naka black T-shirt ako pero yung palda ay maikli. Maikli naman talaga kase ang palda sa school namin. Nang tiningnan nila ako. Doon, lang ako nakaramdam ng kaba at takot. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi malaman kung ano ang gagawin. Nagdahan-dahan silang lumalapit sa akin. Ako naman kahit nangiginig ang tuhod pinilit ko paring umaatras. Nakakatakot kase ang kanilang mga mata, lalo na yung the way na tumingin sila sa akin. May something. "Uy, pare... Ang chicks..." sabi nung isang payatot na may dalang yosi. Binuga ang usok nun sa kung saan at nagyayabang may pabali-bali pa sa leeg nito. "Ang ganda pare, pwedeng ulamin." sabi nung isa pa nilang kasama na sa tingin ko'y nasa edad kinse pa. Ang bata pero, naggagaganyan na diyos ko! Naaninag ko ang kanilang dalawa pa nilang kasama na nakatingin lang sa akin. Pamilyar sa akin ang dalawang iyon. Parang nakita ko na sa kung saan. Hindi ko lang maalala. Mangiyak-ngiyak na ako dito sa kaba. Iiyak talaga ako tingnan nyo. Kundi sisigaw ako. Ano, sige. Lapit kayo! Sigaw ko sa aking isipan. May mga kasama pa sila sa likod at mukhang masayang nag iinoman. Sila lang kase ang nauna kong nakita dahil parang may ginagawa ata sila. Nagpapalitan ng yosi na gawa sa papel. Teka, papel? Susubukan sanang lumapit nung unang nagsalita sa kanila nang may biglang pumrenong motor sa gitna. Medyo hindi ko sya makita dahilan naka jacket sya at naka helmet. Madilim pa kaya hindi ko talaga siya makita. Lumayo naman ang mga ito ng kaunti dahilan sa ginawa nung lalaki. Nang huminto ng motor. Lumapit si tambay one upang pagsigawan ang lalaki. "Tarantado ka ah! Sino kaba? kung maka drive ka ikaw ang may-ari ng kalsada!" Hindi naman kumibo ang lalaki. Hiniyaan lang siya nitong sinisigawan. "Hayaan mo na yan, baka makawala pa to eh," sabi ni tambay two na halos buto-buto na ang katawan. Nanginginig ang mga tuhod ko nang marinig ko iyon. Wala akong lakas upang kumilos. Lumapit ito sakin. Pa atras ako ng pa atras. Katapusan ko na ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD