CHAPTER 15
Nang tuluyan na syang makalapit sa akin. Natapilok ko ang isang paa ko at natumba. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot.
"Nubayan! Lampa!" sabay halakhak. Hawak-hawak pa niya ang kaniyang tiyan habang tumatawa. Tinawanan nila ang hitsura kong, nasa lupa at nagmamakaawa.
Yumuko ako't doon nag simulang tumulo ang mga luha ko. Huwag sana akong pahirapan sa mga ito! Lord, help!
"Okay, ka lang ba?" tanong sakin nung nakamotor. Bumaba siya doon upang lapitan ako, at inalalayang makatayo. "Ba't ka kase umalis doon? Hindi mo man lang ako hinintay." Alalang sabi nito.
Kunot noo ko syang tiningnan. Nakita ko naman ulit ang kanyang matataas na pilik mata, maamong mukha na na parang malambot na labi.
Ako ata ang lasing...
Bigla akong napayakap sa kanya.
niyakap din niya ako pabalik. "N-Natatakot a-ako C-Ced..." Uutal kong sambit.
"Shh, huwag kanang matakot. Wala na sila." aniya
Tiningnan ko naman ang nasa likuran niya. Tama nga kanyang sinabi, wala na ang mga ito, kanina lamang pinaglalaruan at tinatakot ako tapos ngayon nawala nalang sila na parang bubbles...
"A-Anong nang—" di ko na matapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.
"Huwag kanang magtanong, ihahatid na kita sa inyo."
Simula noon, hindi nalang ako nagtatanong pa ng kung ano-ano. Basta na rin akong umangkas sa kanyang motor para makaalis na sa lugar na iyon at makauwi na.
"Leam, gising..." naalimpungatan ako dahil sa ingay.
"Ano ba yun?" sabi ko habang kinukusot pa ang mga mata ko.
"Kakain na daw sabi ni tita,"
"Tita mo, mukha mo, mama mo yun tapos tatawagin mo lang—" hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng makita ko ng malapitan ang pagmumukha ni Cedric.
"WAAAAAH!!!" Napasigaw ako ng malakas.
Hindi na ako makakilos ng bigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang bilugan kong mga mata. Hindi makakilos. Wala akong masabi! Anong gagawin ko?
Maya-maya pa'y sinipsip niya ang aking ibabang labi na nagdudulot sakin ng kuryente sa aking buong katawan...
"Ano ba yun Leam, bat ka sumisigaw?!" sabi ni Josh pagpasok niya sa aking kwarto.
Bigla kong naitulak si Cedric ng malakas, upang makahiga siya sa kama. Ngunit, hindi iyon nangyari. Naupo lng sya sa gilid ng kama, parang mahina lang ata para sa kanya ang aking pagtulak.
Tiningnan ko si Josh na ngayo'y na estatwa sa gulat. Lumaki ang kanyang mga mata at hindi na makakilos.
Tinulak ko sya papalabas ng kwarto, at isinara iyon. Damn , nakakahiyaaaa! Sigaw ko sa aking isipan.
"A-Ano yung ginawa mo?" utal kong tanong kay Cedric na ngayo'y binabasa yung libro ko.
"Ang alin?" Maang niyang sabi.
"Lumabas ka na nga, tatadyakan talaga kita." Kapag kuwa'y tumingin siya sakin.
Nag cross arm ako at ipinapakita sa kanya kung gaano ako kagalit sa ginawa niya.
"Galit-galitan gusto naman," aniya. Tumayo sya't humarap sa akin.
"Anong sabi mo?"
"Wala akong sinabi." mahinahon niyang sabi.
"Meron kang sinabi."
"Wala nga, sabi." Naglakad tungo sa may pintuan. Bumaba na tayo baka kung ano ang pag-isipan nila tita. Naghanda na rin sila para sa hapunan.
Hapunan?
Tiningnan ko ang wall clock. 6:24 pm???
Ngumiti lang sya sakin bago lumabas ng silid.
Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Ang haba naman ng tulog ko, bakit kaya ganun? Bago sakin yun ah.
"Andito na pala ang dalawang love birds," mahina ngunit rinig ko ang sabi ni Josh.
Nilakihan ko nalang yung dalawa kong mata, na nagsasabing tumahimik ka. Parang nakuha naman niya yung pahiwatig ko, tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kanang kamay na animo'y kinikilig.
Napagitnaan namin ni tita si Cedric. Kilig na kilig naman tong si bakla ng nilagyan ni Cedric ng pagkain ang pinggan ko.
"A-Ako na, may mga kamay naman ako," nakakahiya kase yung ginawa niya hindi pa kami pero ganito treatment niya. Hindi ako sanay.
"Napaka gentleman mo naman Cedric." Malaking ngiti ang ginawad ni tita ng sabihin niya iyon.
"Gentle dog kamo."
Tumawa bigla ng malakas si Josh. Bigla ay, napatingin ako kay Cedric na nakatingin rin sa akin. Si tita naman naka kunot ang noo.
"B-Bakit? M-May dumi ba ako sa mukha?" Tanog ko kay Cedric.
Ngumiti siya at kinurot ang aking pisngi. "Wala naman,ang cute mo nga eh." Nagtuloy siya sa kanyang pagkain. Binigyan naman siya ni tita ng ulam.
"Pag pasensyahan mo na ang pamangkin ko ha, iho." Sabi ni tita. Kinuha ko ang Juice at ininom iyon. "Ganyan talaga yan siya, kapag gwapo ang kasama." nasamid sa aking lalamunan ang iniinom kong Juice. Napaubo ako't lumabas ang iba sa ilong ko. Grabe yung epekto sakin yung sinabi ni tita nakakagulat.
" Haha, napagsabihan lang eh. Nagkakaganyan kana girl haha." Tawang-tawa naman ang bakla.
Hinimas ni Cedric ang aking likod,at binigyan ako ng tissue. " Okay, ka lang ba?" alalang sambit niya pa.
Hindi ako umimik, tiningnan ko lang sina tita at Josh na ngayo'y na aliw sa aking inasta. Ni ako'y hindi ko alam kung bakit ako ganito.
"T-Tita naman kase,"
"Haha, bakit?" aniya.
"Kung ano-ano lang po yung sinasabi nyo." maktol ko.
nakakahiya naman kase yun grabe, huhuhu...
"Bakit ano bang sinasabi ko?" maang niyang sabi. Nagtuloy sila sa kanilang pagkain. Habang may ngiti sa kanilang mga labi. Ako naman ito, nakasimangot.
Nagtuloy ang hapunang iyon na masaya, dahil siguro andoon si Cedric. Hindi ko alam basta magaan ang pakiramdam ko na andito siya sa tabi ko.
Pagkatapos ng hapunan nag kwentuhan pa sila tita at Cedric. Nang lumalim na ang gabi, nagpaalam na si Cedric upang umuwi.
Hinatid ko sya sa may garahe lang.
"A-Ano..."
Lumingon sa akin si Cedric, nakita ko na naman yung magaganda niyang mga ngiti sa labi. "Bakit?" pilyo niyang tanong.
Nakalimutan ko na ang sasabihin ko. Ano kaya yun? "W-Wala, n-nakalimutan ko na eh." Ayaw ko mang ipakita na ako'y nauutal tuwing kausap siya. Kaso hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na mautal kapag kaharap ko na sya. Ano bang nangyari sakin?
Hindi naman siya kumilos. Nakaharap lamg siya sa akin at pinag-aralan ang aking emosyon. Aba, hoy! Di pwede yan hoy! Baka iba na yan!
"Sige na, umuwi kana gabi na. Ingat ka." sabi ko. Pero, ngumiti lang siya at sumandal sa may gate. Parang walang balak umuwi ang kumag nato ah.
Hindi ko nalang siya pinansin. Tinalikuran ko nalang siya ng biglang hinablot niya ang aking braso, at inilapit ang kanyang katawan sa katawan ko.
He hugged me. He gave me a warmed hug and suddenly, Cedric kissed my forehead. It so sweet, it makes my heat race. Oh, no! It can't be!.
Nagpumiglas ako, upang makawala sa yakap na iyon. Pero, mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.
"It was nice to meet you—" putol niya sa kanyang sasabihin.
Hindi na niya ako niyakap, "Good night my Queen," aniya.
Umalis na siya at iniwan akong nakatunganga. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at dapat na ikilos. Dahil iba sya sa Cedric na nakilala ko. Iba siya. Hindi naman siya ganyan dati ah. Bakit ganun? Bakit bigla, nagbago ang ihip ng hangin? Nakakalito kang kumag ka alam mo ba yun?
KINABUKASAN
Pagpasok ng pagpasok ko lang sa gate ng campus. Kumpulan here, kumpulan there. Ni hindi ko nga alam kong ano ang nagyayari.
"Siya ata yun,"
"Tingin ko, siya nga yun."
"Seryoso? Ampangit naman niya, di sila bagay."
"Feelingira,"
Rinig kong mga sabi ng mga nakapaligid sa akin. Hindi ko alam, kung ano ang kanilang pinagsasabi. Kaya hinayaan ko nalang at nagtuloy papasok sa quadrangle. Walang animong studyante dahil narin sa taas na ng araw.
May isang grupo ng kababaihan na lumapit sa akin.
"Oh! Look who's here?!" Maarteng sabi niya habang nakatingin sa akin.
Teka, sino nga siya ulit?
"A nerdy girl," aniya.
Yeah, nerdy na kung nerdy. Wala akong pakialam. Hindi ko sila pinansin. Nagtuloy lang ako sa paglalakad ng bigla niya akong sinabunutan.