KABANATA SAMPU

976 Words
CHAPTER 10 Pag ba mahal mo ang isang tao di ka narin magmahal sa iba? Hindi ko alam pero, para sa akin. Ang pagmamahal ay parang isang umagos na tubig, hindi mapipigilan. "Ate?" Rinig kong sabi ni Frey, "Ate?" Ulit niya. Saka lang ako nagbalik sa ulirat. "B-Bakit?" utal kong tanong sa kanya. Lumapit siya sakin at nilapit ang kanyang mukha sa aking pisngi. "Kanina ka pa kase nakatitig sa kuya ko." mahina pero, nakakahiyang malaman na nakatitig pala ako sa kanya. "Upo kana po kuya," maligalig na sabi ni Frey. Hinila niya yung inuupuan kanina ni Josh at doon siya umupo. Which means, nasa kaliwa ko siya at nasa kanan ko naman si Frey. Napa gitnaan ako sa magkapatid na ito. "Kuya, kumusta practice nyo?" Tanong niya habang, kumukuha ng sushi. Nilagay niya yun sa pinggan ni Cedric. Oo, si Cedric nga andito na kuya ni Frey. Naka simpleng damit lang naman siya pero, nakikita ko ang braso niya parang ang tigas. N-Naku, ano ba 'tong naiisip ko. Naiyuko ko nalang yung ulo ko ng tumingin sakin si Cedric. Hindi man lang niya sinagot yung tanong ng kanyang kapatid. Kinuha niya yung chopsticks at kumuha ng karne saka niya inihaw iyun sa gilid. May grilled kase sa gilid tapos sa gitna nilagay yung kumukulong Pot, hindi ko lang alam kung ano ang tawag dito pero amoy palang natatakam na ako. Andami rin iba't ibang putahi na hindi ko alam ang mga pangalan. "Pwede na ba akong kumain? Gutom na kase ako," aniya. Di naman halata na natatakam siya sa pagkain diba? "Teka lang ho, kuya. Hintayin po natin yung kasama ni ate-" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil di pa niya ako kilala. Tumingin siya sakin. "Just call me Lea," ngiti kong sabi sa kanya. "Yun, kasama ni ate Lea," ang laki ng kanyang mga ngiti. Masayahin pala si Frey. Tiningnan ko ulit si Cedric, bigla akong napaigtad dahil nakatitig pala siya sakin habang nakakunot ang kanyang noo. "Kaloka, ghurl. Ang haba ng pila sa red ribbon, at ang swerte ng lola mo isang black forest cake nalang naiwan-" hindi niya matapos ang kanyang sasabihin ng makita niya si Ced sa tabi ko na, kumakain. "Oh my!" Gulat ng sambit dito. Gulay mahina pero alam kong yan ang kanyang ibig sabihin. Nagtaas naman ng tingin si Ced, balewala lang niya ang presensya nito at nagtuloy sa pagkain. Gutom nga siya... Nilapag ni Josh ang dala niyang cake. Gusto niyang tumili pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang magalit si Ced. "Kain na tayo ate. Kain, kain. Hihi." Aniya. Kumain naman kami. Habang kumakain. Hindi kami nagsasalita. Basta kumakain lang kami, di halatang gutom. Ang sarap pala ng mga pagkain dito. Ngayon lang ako nakakain ng ganito. Pang sosyal. Natuon kase ang isip ko sa pagkain kaya hindi ko napansin na nakatitig sa akin si Cedric. Na aliw ata siya sakin tuwing kumain. Naka nganga pa kase. Hindi ako marunong gumamit ng chopsticks kaya, nag kamay nalang ako. Gamit ko naman yung gloves ehh. Kahit kapatid niya ay tinitingnan ako. Bakit? Hindi pa pwedeng mag kamay? May serving spoon naman diyan sa gitna ahh. Mga ilang minuto lang ata. Natapos ako sa pagkain. Halos pala lahat ako ang nakaubos. Patawa-tawa naman tong si Josh dahil sa expression ng mukha ko. Satisfied kase. "Kuya oh, regalo namin sayo," aniya. Inabot niya yung cake, na binili ni Josh kanina. Kumuha naman ako ng tubig at ininom yun. "Happy birthday!" Masayang sambit niya dito... Napaubo ako bigla dahil sa narinig ko. Sinusuntok ko pa ang dibdib ko. Dali-dali namang lumapit sakin si Cedric. "Okay kalang?" Alalang tanong niya sakin. Tumango naman ako. Nang naging maayos naman pakiramdam ko. Saka lang siya bumalik sa kanyang kinauupuan. Nagpasalamat naman siya sa kanyang kapatid at tiningnan ang cake. Binuksan niya yun, at hiniwa. Para daw kami ay makakain. Busog na ako pero di ko ma hindi yung chocolate cake. Nagulat talaga ako kanina... Birthday niya pala... Hindi ako updated... Maya-maya pa ay napag desisyunan na naming umuwi. Kaso... "Frey, samahan mo naman ako may bibilhin tayo." Ani Josh. Tumingin naman muna siya sakin bago, tumingin kay josh. "Sige," ngumiti naman ito ng napakaloko. Ano kaya ibig sabihin nun? Pero, ayukong magpaiwan dito... "T-Teka, sama ako." Tiningnan ako nung dalawa, parang wala silang narinig at ayun tumakbo na. Nakakainis naman mga yun. "Ayaw mo ba akong makasama?" "Ay kabayong tipaklong!" Napatalon pa ako sa gulat. Ang lapit kase nung bibig niya sa tenga ko. Tumayo mga balahibo ko. "Ang gwapo ko, tapos sabihan mo lang ako ng ganun." Nagtampo-tampuhan daw siya. Tiningnan ko lang siya ng masama, at naglakad nalang ako sa kung saan. "Wala ka bang regalo sakin?" Napahinto ako sa paglalakad dahil, ang lungkot ng kanyang boses. Parang bata kung maka asta. Tiningnan ko ang pagmumukha niya. Nakasimangit na. "Hindi ko alam." Nakapameywang na sambit ko. "Tara libre mo nalang ako," aniya. Wala na akong magawa ng bigla niyang hilahin yung kamay ko, papunta dun sa ticket booth. "Manood tayo ng sine," maligalig niyang sabi. "Ang kapal mo naman," "Ngayon lang ehh," pagmamaktol niya. Nakasimangot pa siya, at tumingin sa kung saan. "Kung hindi mo lang birthday..." "Bakit?" Nailayo ko bigla ang mukha ko dahilan sa biglaang paglapit niya sakin. "Umayos ka nga, ililibri na kita okay?" Para wala nang daming satsat. Bumili na ako ng dalawang ticket. Alangan namang isa lang, ehh. Pera ko ang pinambayad. Tiningnan ko siya. Maydala ng dalawang popcorn. "Grabe, bilis mong makabili ah." Ngumiti siya sakin. "Syempre, manuod tayo ehh." Sabay kindat sakin. Eeewww... Pumasok na kami sa silid. Teka first time ko pala manuod ng sine. Tapos siya pa ang kasama ko. Ang swerte naman neto. Maraming tao ang sumabay samin na pumasok. Lumaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko papasok. At, siya narin ang naghanap ng mauupuan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD