KABANATA LABING-ISA

1317 Words
Kukunin ko na sana ang kamay ko, kaso mas hinigpitan pa niya ang paghawak niyon. Basta lang siya umupo dun sa gitna. Ako naman tong si timang na nakabuntot sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Basta nalang, lumipad sa kung saan ang aking isipan. Haggang china ata yun... Hayst... Hindi ko man lang ma enjoy yung palabas. Bigla nalang akong napaiyak, dahil sa napanood namin. Wala naman akong naintindihan sa palabas pero ramdam ko yung hinanakit ng babae. Haysst... Napatingin naman ako sa biglaang pag-abot niya sakin ng panyo. Kinuha ko naman yun saka ko pinunasan mga luha ko. "Salamat, labhan ko nalang muna ito bago ko ito ibigay sayo bukas." Sabi ko sa kanya paglabas namin. Mahigit apat na oras ata kami sa loob. Kaya pagtingin ko sa relos ko, gabi na. Nagyayaan na kaming umuwi, dahil gabi na. Gusto pa nga niya akong ihatid sa bahay namin. Nagpupunilit pa. Ako na ang umayaw. Ayukong ma tsismis sa iba. Nakapagtataka lang. Ang bait niya ngayon. Gentleman pa. Tsk. Habang papalabas ng mall may nahagilap ako. Si Francis, masaya siyang nakikipag kwentuhan sa babae. Nakatalikod yung babae sa gawi ko kaya di ko makita yung mukha niya. Parang naninikip ulit yung dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Minadali ko nalang ang paglalakad ko upang makalayo lang sa liga na iyon. CHAPTER ELEVEN Third Person Pov Walang ganang bumangon si Lea kinaumagahan, alam na ng tita at pinsan niya ang nangyari kahapon, kaya galit ang yung bakla. Ayaw niyang pero dahil may report siya mamaya, napilitan siyang bumangon. Inihanda naman niya ang lahat ng gamit at saka bumaba para mag-almusal. Habang nasa mesa, nakiramdam ang lahat. Wala kang maririnig na ingay, maliban sa kutsara't tinidor na kanilang ginagamit. Hindi siya umimik at nagreklamo dahil wala siyang ganang magsalita. Okay na ako kahapon ehh, nakita ko lang siya ulit... sabi niya sa kanyang isip. .................,........... "Yan lamang. Maraming salamat." pagtapos niya sa kanyang report. Yun din ang oras na tumunog ang bell. "Okay, may quiz tayo bukas hindi lang quiz it's long quiz. Class dismissed." Kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas ng silid. Wala siya sa mood. Walang gana siyan umupo sa sa kanyang upuan pabalik. Nag silabasan na rin ang mga kaklase nila upang kakain na ng pananghalian. Bigla ay hinila siya ni Janice palabas papunta sa canteen. Hindi nalang siya umangal. Basta nalang siya nag pahila. Masyado pang mabigat ang nangyari at hindi na kayang mag sink-in sa kanyang isipan. Nawalan na rin siya ng paki sa sarli. Nawalan ng gana sa lahat. Akala niya okay na siya pero hindi pa pala. Ganito pala kapag magmahal ka, kapag nasasaktan mawalan ka ng paje sa lahat... "Alam mo Leam, may nakakagulat akong balita sayo," she said. Nakalimutan kong number one pala siya sa tsismosa dito sa school. Sabi niya sa kanyang sarili. "Tsismis agad, pumila kana nga doon at bumili. Bilisan mo lang." Utos niya kay Janice na nagmamaktol pa papuntang counter para mamili ng pagkain. Hindi kase siya nakakain ng maayos kaninang umagahan. Ngayon ay nagugutom siya, hindi kase siya sanay na malipasan ng gutom o pa kunti-kunting kinain dahil she loves to eat more than anything pero pinagtataka lang niya kung bakit hindi siya tumataba. "Here. Here, for you and for me," ngumiti pa ito sa kanya habang binigay isa-isa ang pinamili. "A-Ang dami naman?" gulat na tanong niya. "It's okay Lea. My treat hihi." bumungisngis ito habang kinain yung burger. Marami kase ang inorder na pagkain ni Janice. Dalawang fried chicken, tig dalawang spaghetti, kanin, may ulam pa na kaldereta saka juice. May fiesta ata. Nasabi na lang niya sa kaniyang isipan. Sinimulan na niya ang kumain ng magsalita naman ito ulit. "Ay nga pala, may dala akong tsismis for you hihi." kapagkuwa'y ngumiti ito ng malagkit sa kanya at halatang excited na nito sa sabihin. Lea Pov... Tumingin ako sa kanya na may nagtatanong na tingin. Seryoso siya at curious naman ako sa ikwento niya. "Sabihin mo na, kanina pa kumikislap ang iyong mga mata na tila ikaw ay nabibighani sa binibining iyong nakikita," I said while drinking the juice that she bought. Isang biro iyon na parang hindi naman niya nakuha. "Sabihin mo na," nasabi ko nalang. Tumayo naman siya nang unti at nilapit ang kanyang mukha sa akin. "You know Bella Fontanella right?" "Oh?" Sabi ko. "Hey, don't give me that damn looks you just shocked if I were you psh!" she said in obvious disbelief. "Why don't you try to straight to the point Janice? Ganito ka naman palagi, hindi mo sasabihin ng diritso ang iyong nalalaman." iritadong sabi ko. "I'm sorry, don't get mad my friend. Wala ka sa mood kanina pa, may nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya tinuring na kaibigan. Hindi ko alam yung salitang kaibigan. Ano bang pinagsasabi niya? Kailan ba kami naging mag kaibigan? "Huwag mong ibahin ang usapan," walang gana kong sabi sa kanya habang kinakain yung spaghetti na bigay niya. Umupo nalang siya at sumubo rin ng spaghetti. Tinuloy ko nalang ang pagkain. "May relasyon sina Bella at Francis," diritsong sambit niya. Nabulunan ako dahil sa gulat na aking narinig ngayon lamang. "Damn Leam," bulong niya. Dali-dali siyang kumuha ng maiinom at binigay iyon sa akin. "Grabe ka naman kung makagulat sa sinabi ko. Sabagay nakakagulat naman talaga yung balita sis," ngiwi niyang sabi. "Ano, ayos ka na ba?" tinapik niya ang likod ko. Hinaplos pala. Tumango ako bilang pagsagot sa katanungan niya. Nang medyo lumuwag naman ang hininga ko saka ko lamang siya tinanong. "Kailan mo nabalitaan?" "Sa totoo lang matagal na, hindi ko lang talaga maalala kung kailan," So matagal na pala niya akong niloko? Bigla ay may kung ano ang kumirot sa aking puso. Saan ba ako nagkulang? Ang sakit na Francis,grabe na tong ginawa mo sakin... "Teka, mamaya ko na ikwento sa iyo lahat, naiihi na ako. kailangan na ako nang bataan," May itatanong pa sana ako. Nagmamadali na siyang nag tungo sa rest room. Hindi na niya hinintay ang aking sasabihin. Isang taon na kaming magkarelasyon ni Francis. No dates but we still on chat. Minsan pa ay magkikita kami sa rooftop to have a time to each other tapos... Biglaang naging ganito.. Inaalala ko lahat kung saan ba ako nag kulang. Pero wala man lang akong makita. Tumulo man lang ang aking luha na hindi ko namalayan. Inubos ko nalang ang natira kong pagkain sayang naman kung hindi ko ito uubusin. Bigay pa naman ito sa isang taong tinuring akong kaibigan. Ilang minuto lang at biglang nag ingay ang mga estudyante sa canteen. "Oh my, so it's true," sabi ng isang estudyante sa kabilang side ng table ko. "Tingnan mo, ang cute nilang magkasama." Wika nung isa pa sa aking unahan. Napatingin ako sa tinitignan nila dahil sa grupo ng mga estudyante kailangan kong tumayo para makita kung sino ang tinutukoy nila. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. So, totoo ang kwento na akala ko ay kwento lamang. Niloko mo ang isang tulad ko para sa isang tulad niya. Masyado akong nagpapaniwala sa sarili ko na hindi mo ako lokohin dahil hindi ko iyon nakita sa iyo. Tumingin siya sa akin at nagkatitigan kami ng hawakan siya ni Bella sa braso habang papasok sa canteen. Inalalayan pa niya itong maupo habang nakangiti. They both look good together. Natawa nalang ako sa naisip. Pero, masyado silang masakit sa mata. "Hey," sinundot ako ni Janice pagbalik niya. Napatingin ako sa kanya at nakita niyang may tumulong luha sa gilid nang aking mga mata. "Ayos ka lang?"nag alala niyang wika sakin. Hindi ko siya pinansin at umalis ako sa canteen. Pinupunasan ko ang aking luha na patuloy na tumutulo patungo sa aking pisngi. Ang sakit nila sa mata grabe. Hindi ko na matiis yung sakit. Narinig kong tinatawag ako ni Janice. Bahala na kung saan ako dadalhin sa aking mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD