Chapter One President * Vice President
NAGLALAKAD SI EIRA PAPUNTANG SCHOOL NANG UMAGANG IYON. Malapit lang naman ang bahay ng Tita Merdel niya sa pinapasukan. Kesa gumastos pa siya ng pamasahe ay nilalakad niya nalang papasok at pauwi. Nakakaipon pa siya ng pera.
“Good morning, Kuya Nard!” bati niya dito pagkapasok ng campus. Ngumiti naman ito pabalik at binati din siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad papasok at napatigil lang nang may mga babaeng humarang sa dinadaanan. Sa tingin niya ay mga freshmen ang mga ito base sa string ng ID nila.
“Ate, pwede po pa autograph?” tanong ng mga itong kumikinang pa ang mga mata.
“H-Ha?” nagtatakang tanong niya sa mga ito.
“Idol po kasi naming kayo. We heard a lot about you. Kayo lang daw po ang kayanh tapatan si P-Pres.” Saad ng isa.
Napatigil siya sa sinabi nito. Yes, it has been years. Noong unang salta niya dito ay sophomore pa lang siya, pero ngayon ay senior student na. and since then marami na ang nagbago. “H-Hindi naman.” Pero dahil sa mapilit ang mga ito ay wala siyang nagawa kundi pirmahan ang autograph nila. Nagpaalam naman kaagad ang mga ito kaya tumuloy na siya sa paglalakad.
Maraming nagbago sa nagdaang taon. Gaya nang naisip ni EJ, tinulungan siya nitong magkaroon ng confidence sa sarili, na nagawa niya naman. She did her best para mag-excel sa academics kaya nung junior years nila ay agad siyang nalipat sa A-class kung saan naging kaklase niya si Arjhun. Akala niya magiging madali ang lahat, pero mahirap pala talaga. Pero dahil ginusto niya ay kailangan niya gawin. She finally caught his attention, pero tingin naman nito sa kanya ay isang threat sa valedictory spot nito. Inisip niya nalang na mas okay ang ganito kasi nagagawa niyang kunin ang atensyon ni Arjhun. Sa tingin niya rin ay hindi nito maalala na minsan nang nagkrus ang landas nila.
Ngayong nasa huling taon na sila ng high school, he was elected as the student body’s president at siya naman ang ginawang vice president. Takot kasi silang maging bise dahil kay Arjh. Intimidating daw at pakiramdam nila eh walang tamang lalabas sa bibig nila kapag si Arjh ang makikinig. At dahil ako lang daw ang may kayang suwayin ito, they ended up electing me. Hello? May mga kaibigan kaya si Arjh. Iyon nga lang sa tingin niya ay ayaw din ng mga itong maging bise ni Arjh. Because he takes his tasks too seriously.
Napatigil siya sa paglalakad nang mag-vibrate ang cellphone. She took it out from her pocket and looked at the caller. Napangisi siya nang makita kung sino iyon. “Hello?”
“Eira! Kumusta ka na diyan? Hindi mo na ako tinawagan nung nakaraan ah!” pagmamaktol nito.
Natawa siya nang maisip na nagpa-pout na naman ito sa kabilang linya. “EJ… namiss kitang bruha ka.” Aniya sa kaibigan. Nag-migrate na kasi si EJ sa Canada noong junior nila. But they’ve remained best of friends and had constant communication. “Sorry na. Marami kasing pinagawa yung presidente namin dito.”
Tumawa ito. “Forgiven. So, kamusta na si Arjh sungit? Grabe ha? Natatagalan mo talaga? Haha!”
“Oo naman. Nag-e-enjoy nalang din ako. Think positive the!”
“Think positive. Ilang beses mo na bang sinasabi sakin iyan? Wala pa rin bang progress?”
Napabuntong hininga nalang siya. “Wala pa rin eh.” Napatigil siya papasok ng student council’s office nang makita si Arjh na nakapikit habang nakaupo’t nakasandal sa swivel chair nito. He looked calm. Ang sarap niya talagang tingnan kapag tulog. Mukhang anghel.
“Eira? Eira! Yohoo? Nandiyan ka pa ba?”
Naisara niya nang malakas ang pinto nang maalalang kausap niya pa pala ang kaibigan. Hindi sinasadyang nagising niya tuloy si Arjh. Kaagad siyang umiwas ng tingin dito. “O-Oo, nandito pa ako. Tumawag ka nalang ulit ha, EJ? Red alert.” Mahinang bulong niya.
“Ooh! Okay! Kaya mo ‘yan! Bye, bye girl! Take care! Alam kasi nito ang ibig sabihin kapag sinabi niyang ‘red alert’—na patungkol kay Arjh.
“Bye! Ingat ka diyan.” Ibinaba niya ang tawag saka naglakad papunta sa mesa at tumingin kay Arjh na matamang nakatingin lang sa kanya with his poker face on.
“You should mind the environment around you.” Sabi nito sa malamig na tono na kinasanayan niya na.
Umupo siya sa upuan at inayos ang mga kailangang gawin. “Hindi ko naman kasi alam na tulugan na pala ang SC office ngayon.” Pang-iinis niya dito. Kahit hindi niya ito tingnan ay ramdam niya ang maitim na aura mula dito. Napangiti siya nang palihim. Minsan ang sarap din kasing inisin si Arjh. Minsan nananalo siya pero kadalasan ay natatalo siya. Nailing nalang siya at nagulat pa nang biglang may ibinagsak ito sa mesa niya. “What the? Ano ito?”
He smirked, “I didn’t know you’re blind now.”
Sinamaan niya ito ng tingin. Lechugas naman oh! “Wag kang pilosopo! Ba’t mo ‘ko binibigyan ng ganiton karaming trabaho?”
“Are you questioning my leadership now?”
Argh! Nakakainis! Padabog na binuklas niya ang mga files. “Umalis ka sa harap ko. Letche—flan?”
“I do not tolerate anyone saying bad words especially an officer like you. Are we clear on that note, Eira?”
Napayuko siya, “Sorry, hindi na mauulit.” Deep inside ay kinikilig siya kahit na napagsabihan. Eh kasi naman, minsan lang banggitin ni Arjh ang pangalan niya. Ang sarap kayang pakinggan kapag galing dito. Sadista na ba siya sa lagay na ‘yon? Hahaha!
Tumalikod na ito at bumalik sa sariling station. “We will have a meeting together with the faculty and headmaster at nine. Be sure to inform Cailey. The three of us are required to attend.” Saad nito bago isinubsob ang sarili sa school wroks.
She heaved a sigh as she focused her attention to her tasks at hand.
Pumasok sila ng klase pero hanggang eight-thirty lang din dahil may meeting pa silang dadaluhan. Agad na nilapitan niya si Cailey pagkapasok niya sa classroom for their first class. “Cailey, may meeting tayo with the faculty at nine, okay? We’re already excused from the seat-in activity.”
Tumango naman ito, “T-Tayong tatlo lang ba n-ni… Pres?” she asked stammering.
Ngumiti siya dito. The same old timid Cailey. “Yes.” Si Cailey kasi ang secretary nila sa SC o student council. Ito yung tipo ng babae na sobrang mahiyain. Naaalala niya tuloy yung dating siya dito. She actually treats her as a friend. Pero dahil sa sobrang busy niya sa pag-aaral para mapantayan si Arjh ay minsan niya lang itong makausap. Them being officers was a way for them to develop a closer friendship. Iyon nga lang talagang mahiyain ito. “Wag kang kabahan kapag kausap mo ako. I’m your friend kaya chill ka lang, okay?”
Halatang medyo nagulat ito sa pahayag niya. “K— Kai-Kaibigan?” naluluhang tanong nito.
Nataranta siya nang makitang maiiyak na ito. “T—Teka, wag kang umiyak. A-Ayaw mo ba?” Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.
“Salamat. Ang saya ko.”
Napangiti nalang siya at pinakalma ito. Alam niya ang nararamdaman nito. Ganoon din ang naramdaman niya nang maging kaibigan niya si EJ, sobrang saya. “You are welcome.”
Um-attend sila ng meeting na medyo natagalan dahil sa dami ng lined up activities lalo na at bago lang nagsimula ang pasukan. May mga pinag-usapan ding proposal for school improvements and all. At isa sa mga proposed projects ang nakakuha ng kanyang atensyon.
“Why don’t we demolish the old library building para mapatayuan ng bagong building or magamit man natin ang area for future activities?” usal ng isa sa mga guro. Napatango naman ang iba.
Nagtaas siya ng kamay para makuha ang atensyon nila.
“Yes, Ms. Chen?”
“Can we not demolish the old library?” tanong niyang ikinatingin ng lahat.
Pinagsiklop ni Mr. Lopez ang kamay. “Why not?”
“Uhm, kasi po, the old building serves as the students place for peace and quiet. Tahimik po kasi doon dahil sa lokasyon kesa sa student’s lounge kaya may mga estudyante na gustong doon mag-stay on their free periods. It’s like a hidden sanctuary being in the middle of the school forest.”
“We can build a new building for that purpose kung iyon ang gusto ng mga students natin, which would be a lot more accommodating. Why should we keep the old building instead?”
Naman, kasi! “Sayang naman po. We can still preserve the old library. It would be an additional asset of our school. Bilang parte ng school history. That building has also served generations of students. Maganda kung mapapanatili natin ito. Maganda ang architecture structure ng library, yung mga ginamit na bricks ay mula pa sa panahon ng mga Espanyol. I have seen a lot of very old universities who were able to preserve their heritages, bakit hindi natin subukan?” nakita niyang tumango ang ilang membro at pinag-usapan ng maigi ang suhestiyon niya.
Tumayo si Mr. Lopez, ang headmaster ng school. “Ms. Chen? I’ll give you a week and a half to submit to me your report as to why we should consider your opinion and not demolish the old library. Do anything you would want to do. You can conduct a survey from the students but only within the timeframe I’ve given you. Pass it to me in my office on Thursday noon.” Bumaling ito kay Arjhun. “Make sure you read the proposal before it’ll be submitted, to lessen any possible mistakes. Is that clear?”
Tumango si Arjhun dito. “Yes, sir.”
“Good. Are you okay with that, Eira?”
“Yes, sir! Maraming Salamat po!” saad niya at yumuko. She’ll do anything to save that library. Masyadong mahalaga sa kanya ang lugar na iyon.
The meeting was then adjourned after a few discussions. Kasabay niyang lumabas si Cailey ng conference room.
“V—VP…” pagsisimula nito pero pinigilan niya.
“Call me Eira. Masyadong pormal ang VP lalo na at kaibigan kita.” Saad niya habang naglalakad sila pabalik ng classroom.
Tumango ito, “K-Kung okay lang sa’yo, itatanong ko lang kung… kung bakit ganoon nalang ka impportante sa’yo ang lumang aklatan?
She stopped on her track and smiled at her, “Kasi… may napakagandang ala-ala ang building na iyon sakin. It’s where it all started.”
“Ang alin?”
She grinned at her, “Sorry, pero sakin na muna ‘yon, ha? It’s a secret.”
“O—Okay. S—”
“Eira.”
Sabay pa silang napalingon sa tumawag sa kanya. Si Arjh na nakakunot ang noo at naglalakad palapit sa kanila.
“Uhm, m-mauuna na ako sa klase, E-Eira.” Paalam ni Cailey na nagmamadaling umalis. Natakot siguro kay Arjh.
“Bakit?” tanong niya nang makalapit ito.
“What was that? Iin the conference room?”
She shrugged her shoulders, “I want that old building in its place, untouched. May mali ba sa sinabi ko kanina?”
Nakapamulsa ito at nakatiim bagang parin. “You knew there are a lot of better options for that place. there’s a little chance that you could win the head’s approval.”
Naiinis na tiningala niya ito. Kung hindi mahalaga ang building na iyon dito, pwes sa kanya, oo. “Stop. Hindi mon a problema iyon. Ako naman ang mag-iisip kung paano gumawa ng paraan para mapapayag sila. Pirma at approval mo lang ang kailangan ko. You don’t have to associate yourself with the business I made myself.” Aniyang nakipagtagisan ng tingin dito. Ramdam pa niyang pinagtitinginan na sila ng ilang estudyanteng malapit sa kanila.
“It is my business. You are under my wing, Eira.” Nilagpasan siya nito at nagsimulang maglakad. “You want it or not, you, are my business.”
Napatanga lang siya habang nakasunod ang tingin dito. Ni hindi siya natinag nang mawala ito sa paningin niya at nanatiling nakatayo lang doon. Imbis na mainis at magalit dito at biglang naglaho lahat ng iyon. Shet naman kasi si Arjh! Kinilig siya bigla. Bakit naman kasi ganoon ang pagkakasabi nito.
‘You want it or not, you, are my business.’
Taena! May progress na ata sa ginagawa niya. Waaaah! Shet! “Yes!” sigaw niya. Bigla naman siyang namula nang maalalang nasa hallway pa siya at pinagtitinginan ng mga estudyante. “S—Sorry.” Saka siya nagmamadaling umalis at bumalik sa klase.
Nakakahiya ka, Eira Chen! Kutos niya sa sarili.