Chapter Seventeen

3263 Words
Chapter Seventeen                        Runaway     “HINDI PA BA TALAGA AKO PWEDENG HUMARAP SA SALAMIN?” tanong ni Eira sa babaeng nagmake-up sakanya na si Ate Jenn. Yung isang babaeng kasama naman nito ay si Kaitlin, isang stylist. At yung bakla naman ay si Olie na hair stylist. Kabilin-bilinan din kasi ni Chantal sa tatlo na hindi niya pwedeng makita ang sarili niya kung hindi pa tapos lahat. Inaayusan pa kasi siya ni Olie for his final touches daw. Alas-sais na nang gabi pero nasa bahay pa din siya. Alas sais y media ang start ng programa kaya panay na ang sabi niya sa mga ito na aalis na kailangan niya ng matapos at aalis na siya. Ngumiti si Ate Jenn, “Just a little while.” pahayag nito. “Kaya ko na. Ako na diyan!” pigil niya kay Kaitlin nang isuot nito sakanya ang baby blue heels niya. “No need.” at naisuot na nito ang heels sakanya. Both women stared at her and smiled contentedly. “Sinasabi ko na nga ba, just a little polish and you would look more beautiful.” “Salamat.” “I’m done!” Olie squealed at tumabi na rin sa dalawang babaeng nakatingin sakanya na parang isang obra maestro ng mga ito. “Perfect!” Inalalayan siyang tumayo ng mga ito, “Now close your eyes, girl! Dali!” Excited na pahayag nito Olie. Sinunod niya nalang ito kasi nagmamadali na din talaga siyang makaalis. “At the count of three, buksan mo yung eyes mo. One... Two... Three!” Eira felt silent the moment her eyes stared at her reflection at the full length mirror. Manghang hinawakan niya ang buhok, ang suot na damit at ang mukha niya. Is that really her? Sobrang ganda niya naman ata. Her hair was braided to the side with a few loose hair strands as a style. She’s wearing a sleeveless, upper body hugging, with lace and see through dress. It’s a pale blue dress up to her knees. “B-But, isn’t this a little too much?” Umiling ang tatlo, “You are gorgeous, doll.” pahayag ni Olie at saka siya hinawakan ng mga ito sa balikat at sabay alalay papunta sa sala nila kung saan naghihintay sina Chantal at Tita Merdel. Tumatalon talon pa si Chantal while squealing nang makita ang ayos niya. “I knew it! Bagay talaga sa’yo. Diba, Tita?” Tumango si Tita at ngumiti, “You look gorgeous, hija.” She thanked them pati na rin ang tatlong nag-ayos sakanya. “Tara, ihahatid na kita.” “Uuwi na din po kami, Tita. Ililibre ko pa silang tatlo eh.” nakangising turan ni Chantal sa kanyang tiyahin. “Dito nalang kayo maghapunan para may kasabay na din ako.” yaya ni Tita sa kanila. “Naku, wag na po. Nakakaabala na kami. Salamat na lang, Tita.” tanggi ni Chantal. “I insist. Ihahatid ko lang si Eira and I will be back. Malapit lang naman yung school eh. Dito lang kayo ha? I’ll be back.” Pumasok na sila ng tiyahin sa sasakyan. Naisara niya na ang pinto nang may sabihin si Chantal sakanya. “Tell me how my brother would react, every little detail of it.” she said, grinning from ear to ear. She frowned. “Anong ibig mong sabihin?” takang tanong niya dito. Hindi niya kasi ito ma-gets. “You’ll see, Ate. Bye! Have fun at the party! Bantayan mo na din si Micco ah? Hahaha!” kumaway na ito habang papalayo ang sasakyan. Napailing naman siya sa sinabi nito. Chantal, that schemer. Mukhang naisahan na naman siya nang babaeng iyon. Mabilis nilang narating ng tiyahin ang school dahil sa malapit lang iyon sa bahay. She went out of the car, “Salamat, Tita.” “Anong oras kita susunduin?” “Around twelve nalang po siguro, Tita. I’ll just text you kapag napaaga kami. Pero kung makatulog ka na, sasakay nalang po ako ng taxi.” Baka mapagod ito kakahintay sa kanya sa bahay. Umiling lang ito, “Susunduin kita mamaya. Mahirap na at delikado na ngayon lalo na kapag gabi.” Tumango nalang siya dito. “Have fun Cinderella!” biro pa nito. Hinintay niya lang na makaalis ang tiyahin saka siya pumasok sa loob ng campus. Nakita niya kaagad si Cailey na kasama si Vin sa harap ng main building. Mukhang nagiging possessive itong si Vin ah. Sino ba nama ang hindi? Sa ganda ba naman ng nobya nito. Nakasuot si Cailey ng dark blue na dress na hangang paa ang haba. A touch of blue kasi ang color for the seniors, red naman sa juniors. Bagay na bagay dito ang suot nitong gown. Long gown din sana dapat ang susuotin niya kung hindi lang nagpumilit si Chantal sa suot niya ngayon. But still, she finds the dress she was wearing very beautiful. “VP! Kanina pa kita hinahanap.” bungad ni Cailey nang makalapit siya sa kanila. “Sorry. Okay na ba ang lahat?” tukoy niya sa pagbibigay ng corsage sa mga students. Yung sa mga babae na nakatali sa kaliwang kamay at sa lalaki ay naka-pin sa suot nila sa kaliwang dibdib. May mga nakatagong numbers kasi sa bawat isang corsage which will be revealed later on. Each person having the same number will then be paired. “Yeah. Here’s yours.” iniabot nito sakanya ang corsage at itinali niya iyon sa kamay. “Salamat.” “Can we get out of here?” halata ang inis sa boses ni Vin. Mukhang selos na selos na nga ang lalaki. “Bago pa may lumapit na kung sino. Ang hirap magbantay ng dalawang prinsesa na nag-iisa.” reklamo nito at possessive na hinawakan si Cailey sa bewang. “I told you we should’ve ditched the occasion.” bulong ni Vin pero narinig niya naman. Siniko naman ito nang namumulang si Cailey. Natatawang tinalikuran niya ang magkasintahan, “Come on now, love birds.” nauna siyang maglakad sa dalawa at nakasunod naman ang mga ito sakanya. “He will surely be damned!” narinig niyang may sinabi si Vin kay Cailey. Hindi niya lang alam kung anong pinag-uusapan nung dalawa dahil hindi niya naman masyadong klaro yung sinabi ni Vin. “Can’t wait for later.” natatawang dagdag pa nito. “Tigilan mo na yan.” saway ng nobya dito. Isang nakangiting Zeke ang katabi ni Eira sa upuan sa may assigned table nila. Ito ang partner niya for the prom night. Supposed to be, dapat junior ang partner niya. Unfortunately, absent ang partner niya pati na rin ang partner sana ni Zeke. Wala din si Micco pero ang partner nitong babae ay na-i-pair na sa ibang senior student kaya sa huli ay sila ni Zeke ang mag-partner. “Ain’t I lucky tonight?” saad ni Zeke. “Kahit hindi si Raz ang partner ko swerte ko naman at ikaw pala. Hahaha.” Napapailing nalang siya sa lalaki. “Kapag ikaw narinig non, paniguradong hiwalay na naman kayo.” biro niya dito. He just grinned at looked at Razel’s location, “Mahal ko iyon.” At alam na alam niya iton. She gave him a smile. “I know you do, Zeke.” He smiled back, his eyes shining brightly. Halata ang pagmamahal na meron eto kay Raz. “Nakita mo na si Arjh?” tanong niya dito. Hindi pa kasi dumadating si Arjh. Ang sabi kasi may kinailangan itong asikasuhin kaya mahuhuli daw ito ng dating. The program has already started pero wala pa rin ito doon. Sumasayaw na ang first batch ng mga estudyante ng cotillion. Second batch pa sila pati na si Arjh. Umiling lang siya kay Zeke bilang sagot. Kung hindi pa dadating si Arjh, ibang student sa first batch ang magiging partner ng partner nito. Hindi niya napansing nakatulala na pala siya. Natauhan lang siya nang makita ang nakalahad na kamay ni Zeke sa harapan niya. She looked at him, confused. Ngumisi lang ito at inabot ang kamay niya saka ipinatong sa braso nito kaya napatayo siya pasunod dito. “Don’t think too much, Ei. Napapatulala ka nalang eh.” Nahihiyang humingi siya ng tawad dito. He laughed, “No worries, VP. Tara na at sasayaw pa tayo.” “Alalayan mo ako ha? Hindi ako masyadong marunong eh.” sabi niya dito nang makapwesto na sila sa gitna. Tumawa ito kaya natawa na din siya, “Akong bahala sa’yo.” pag-a-assure nito at nagsimula na silang sumayaw sabay sa tugtog. KANINA PA sila nakaupo doon sa mesa nila. Tapos na silang kumain at kasalukuyang binabasa naman ni Cailey ang will na ihahabilin ng seniors sa Juniors. Napapansin niyang parang hindi mapakali si Zeke sa inuupuan nito. Ang likot-likot nito na parang makati ang pwet na ewan. “Zeke, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa huli. Baki naman gusto nitong magbanyo. Kasi nga diba? Malikot ito sa inuupuan. “H-Ha? O-okay naman a-ako.” pilit itong ngumiti pero halatang may kaba pa rin. She frowned at him, “Bakit ka malikot diyan? Gusto mo bang magbanyo? You can go. I will be just fine here. Huwag mong pigilan iyan dahil masama ang magpigil.” “Hindi!” “Then what?” Mukhang magsisinungaling pa ito kaya inunahan niya na kaagad. “Don’t even lie. Bakit nga?” Napakamot ito sa ulo at huminga nang malalim. “K-Kasi si... si Arjh eh. Ang samang makatingin.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at mabilis na nilingon ang direksyong tinititigan ni Zeke. She frowned when she noticed that there was no sign of Arjh on that direction. Kahit saan siya tumingin eh wala talaga. “Wala naman eh.” Nilingon niya ito ulit. “I swear siya yung nakita ko kanina doon.” Hindi na siya nagkomento at ipinagpatuloy nalang ang pakikinig. Ayaw ba nito na makita niya ito? She shook her head. Baka may pinuntahan lang. Natapos na ang pagbabasa ni Cailey, naipasa na din ang key of responsibility. Ngayon naman ay simula na ng giving of awards. Pumalakpak siya nang tawagin ang pangalan ni Cailey na isa sa pinagpipilian for Best Dressed female category. Namula pa ito at nahihiyang tumayo at pumunta sa gitna. Hanggang tatlo lang ang limit na pasok each category. “At ang huling pasok ay si... Ms. Eira Chen from the seniors!” pahayag ng MC na ikinagulat niya. Tinatawanan pa siya ni Zeke dahil sa nabilaukan siya. Sumubo kasi siya ng macaroon nang tawagin ang pangalan niya. She immediately composed herself and stood up. Tumayo pa si Zeke at inalalayan siya kaya umingay tuloy lalo ang mga estudyante. Inihatid ba naman kasi siya hanggang gitna sabay yumuko yuko pa ito. Natawa tuloy ang lahat. “See these ladies right here. Gorgeous right? Ngayon naman for our male category...” Tinawag ang pangalan ni Zeke, Vin at Corby. Napapailing nalang siya nang tawagin ang tatlo habang tumitili pa ang iba. “Lakas ng hatak niyo huh?” bulong niya kay Zeke na siyang katabi niya. He chuckled, “Naman!” “Ang hangin!” “Best dressed male category goes to... Mr. Corby Blue Montes!” naghiyawan naman sa loob ng venue. “And for our female, we have Miss... Miss Cailey Oleen Natividad!” Napapalakpak siya at nakangisi ng malaki. She kissed Cailey on the cheeks and congratulated them both. Mabilis na umalalay naman sakanya pabalik ang nagpapaka-gentleman na partner niya. “You’re getting the hang of it. Baka naman pagselosan na ako ni Razel niyan.” biro niya kay Zeke nang ipaghila siya nito ng upuan. “Hindi iyon. Kung ibang babae siguro pwede pa. Alam naman namin na patay na patay ka kay Arjh eh.” he said grinning. She immediately turned her head away para hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya. Kung anu-ano ba naman kasi ang sinasabi. She glared at him when he started laughing. “Kaasar ka!” Tumatawa parin ito hanggang sa makabalik sila sa inuupuan. The giving of the awards continued. And as expected, sa lahat ng awards for male category eh isa o dalawa sa tatlong pinagpipilian ay kabarkada ni Arjh. Sila na ang gwapo, mayaman, matalino at may fans club. At heto sila ulit ni Zeke, nakataayo sa gitna ng bulwagan. Isa din kasi sila sa pares na pagpipilian para sa Pair of the Night category. Todo ngiti pa itong katabi niya. “And for the Pair of the Night goes to... Ms. Eira Chen and Mr. Zeke Ishmael!” Naghiyawan at palakpakan pa nang tawagin ang pangalan nilang dalawa ni Zeke. Ngumiti nalang din siya at nagpasalamat sa pagkapanalo. Isinuot sakanila ang sash at binigyan sila ng maliit na glass trophy tapos may ilang picture taking pa. Naupo naman sila nang matapos ang awarding nila at hinintay ang panghuling award na Prom King and Queen. Tumayo siya sa upuan na ipinagtaka ni Zeke. “Oh, grabeng confidence naman iyan, VP! Sure ka na talagang ikaw ang isa sa pipiliin para maging Prom Queen ah! —Aray naman!” daing nito nang batukan niya. “Sira ka talaga! Kailangan kong magbanyo ano!” Kahit kailan talaga itong si Zeke. Tumayo kasi siya habang nagsasalita ang host para e-announce ang mga nominado sa Prom Queen. He grinned, “Di mo naman kasi sinabi agad eh. Hatid na kita—” Pinigilan niya ito nang akmang tatayo. “Dito ka lang at baka tawagin ka pa.” “Ahy, oo nga pala! Prom King ako. Sige, ingat ka VP!” Lakas talaga ng confidence! Naiiling na umalis siya doon. Palabas na ng comfort room si Eira nang madinig ang sinabi nang host. “And our Prom King is… Mr. Zeke Ishamael!” Natawa si Eira nang margining ang pangalang inanunsiyo. Nanalo nga talaga si Zeke bilang Prom King. Iba talaga ang charm ng lalaking iyon. Sino naman kaya ang Prom Queen nito? “Hi,” tawag niya sa ilang juniors na nakasalubong niya pabalik. “Umm. Sino ang nanalong Prom Queen?” “Ahh, iyong girlfriend po ni Zeke. Razel ata ang pangalan.” Wow ha? Sinusuwerte talaga itong si Zeke. “Sige, salamat.” Lumakad na siya ulit. But instead of heading back to their table, she turned her way to the school garden. Hindi niya pa din naman kasi trip magsasayaw doon eh. Isa pa, paniguradong magsosolo lang siya doon dahil wala naman siyang partner. Siguradong magkasama na si Zeke at Razel ngayon. Napangiti siya nang makitang walang tao sa paligid. Naupo siya sa gilid nang malaking fountain na nasa gitna nang garden at masayang pinanood ang agos ng tubig at pabago-bagong ilaw. She dipped her hands in the cold water at sobrang sarap non sa pakiramdam. Mabilis na inalis niya ang suot na sapatos at inilagay iyon sa may gilid saka niya inilublob ang paa sa tubig. “Haaaay!” Napapikit siya at napangiti habang pinapakiramdaman ang nakakarelax na tubig. Medyo napagod ang paa niya sa suot na high heels. Naisipan niyang tumayo at pumunta sa may gitnang bahagi ng fountain. Kung may makakakita lang sakanya ngayon ay baka kung ano pa ang sabihin. Walang basagan ng trip eh. Mabuti nalang at above the knee ang suot niyang dress. Hanggang tuhod kasi ang lalim doon. Narinig niya namang nagsimula ng tumutog sa loob. Malamang simula na ng sayawan. Muntik pa siyang mapatili nang maramdaman ang paglapat ng isang damit sa braso niya. “Arjh!” bulalas niya nang malingunan ito. He looked quite serious habang inaayos ang coat nitong ipinatong sakanya. Napalunok siya nang makita ang kabuuan ng ayos nito. He had his hair cut short, which suited him so well. Napakarefreshing nitong tingnan. Namula siya nang pasadahan nito nang tingin. He ‘tsk-ed!’. “I told her not to and yet she did. She’ll surely get it this time.” He murmured. “Ano?” He shook his head lightly, “It doesn’t mean that there’s no sign of ‘Keep off the... fountain’, means you’re allowed to step in the fountain, Ms. Chen.” She rolled her eyes at his remark and pouted. “Hindi lang naman ako ang nakatayo dito eh. May karamay ako kapag nagkataon, Mr. Delos Reyes.” He stared at her rebuffing and slowly, a grin appeared on his lips. Nahawa tuloy siya at napangiti na din. He held her hand at inalalayan siya pabalik at paupo sa gilid. “I haven’t had my dinner yet. Samahan mo ako.” saad nito. Kaya pala may plato doon with foods. “Oo na po.”   KANINA PA tapos si Arjh kumain. Nagkukwentuhan lang sila at gumagawa nang kung anu-ano para maaliw. Nakababad na ulit ang paa nila sa fountain. He folded his pants up to his knees pero nababasa na ito nang konti. Nagtaka pa siya nang tumayo ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. “Come on. I have something for you.” She held his hand and stood up. Hinila siya nito malapit sa gitna. “Ano yung ipapakita mo sakin?” Ngumiti ito at hinila siya palapit dito as his hands settled on her waist, pulling her closer. “Close your eyes.” he encouraged kaya napapikit nalang din siya. “Listen. Listen very well.” Matapos sabihin iyon, naramdaman niya nalang na inilagay nito ang kamay niya sa magkabilang balikat nito. He even guided her head to his chest and all she could hear was his loud heartbeat. “This is the final and last dance for tonight. May you find your own partners.” Dinig niyang saad ng MC mula sa gymnasium. Napangiti si Eira nang marinig ang tugtog na iyon. The song is one of her favorites. Mahilig siya sa the Corrs at ang ‘Runaway’ ang isa sa mga paborito niya mula sa grupo. They swayed along with the music, right there on the fountain, with their own world. “Say it’s true, there’s nothing like me and you.” Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses na iyon. Her eyes wide and mouth hanging open. Arjhun just sang. And his voice is not the same as before! Kung dati ay wala sa tono ngayon eh ang ganda ng boses nito. Paano nangyari iyon? He smiled as he tucked some hair strands behind her ear. “I’m not alone, tell me you feel it too. And I would run away. I would run away, yeah, yeah. I would run away. I would run away with you. Cause I am falling in love with you…” pagsabay ni Arjh sa kanta. Napalunok siya. The intensity of his eyes staring at her and the lyrics of the song he is singing is just too much for her. “No never I’m never gonna stop. Falling in love with you…” He held her closer again and continued singing. Hanggang sa matapos ang kantang iyon ay nanatili si Eira na nakasandal sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay maiiyak siya sa ginawa nito. Alam niyang hindi pa sinasabi ni Arjh na mahal siya nito but his actions speak way more than he could tell. At sa ngayon, sapat na sa kanya iyon. Alam niya ang pagkatao ni Arjh at hindi ito ganoon ka vocal. It will take him some time. But she will always be there until he can finally meet her. “By the way,” he whispered. “Hmm?” “You look beautiful.” She blushed and giggled at what he said. “Thank you.” Him singing for her and being her first and last dance just made her prom memorable enough.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD