Chapter Sixteen Prom It Is
HINDI MAGAWANG LUMINGON AT MAGSALITA NI EIRA SA SINABING IYON NI CHANTAL. Paano nalaman ni Chantal ang tungkol sa bagay na yon? She heard her footsteps, at ilang segundo lang ay nasa harap niya na ito. She was not pleased and her eyes were wary.
“You are not even denying it?” may halong tampo at galit sa boses nito.
She heaved a deep sigh. Eto yong kinakatakutan niya, ang paano sila harapin at reaksyon sa sasabihin niya. “Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?” mahinahong tanong niya dito.
“I overheard the other day. Nagkataong napadaan ako sa registrar’s office. Hanggang kailan mo itatago sa amin, Ate? Wala kaming kaalam alam na aalis ka na!” Huminga ito ng malalim. “Paano na ang kapatid ko? Paano na si Kuya Arjh?”
She bit her lip and lowered her head sadly. “H-Hindi ko alam.”
“WHAT? Wala ka bang balak sabihin sa kanya o sa amin ang tungkol dito?”
“No! Sasabihin ko naman sa inyo, humahanap lang ako ng tiyempo at tamang panahon.”
Her figure quite changed. Naging matigas ang anyo nito. Chantal looked every bit like her brother. “So ibig sabihin ay buo na nga ang desisyon mo? You will leave no matter what. At ano ang sasabihin mo kay Kuya? Hindi mo ba alam na masasaktan siya sa gagawin mo?” She said as a matter of fact. “Kung aalis ka lang din naman, sana hindi mo nalang minahal ang kapatid ko. You will break his heart when you leave. Pinaasa mo lang ang Kuya ko.”
Eira tried to blink back the tears welling up from the corner of her eyes. Masakit ang mga sinabi ni Chantal, pero naiintindihan niya kung bakit ito nagiging ganoon. She just loves her brother so much. “I don’t have a choice, Chantal.”
She smirked coldly. Looking at her now, she is definitely Arjhun’s sister. The resemblance with the way they talk, pati na rin sa dating na meron sila at sa aura na ipinapakita nito nang oras na iyon. They both speak with power and authority. “You had a choice, Ate. To tell us or not. But you chose the latter.” Tumalikod ito. “I will give you the chance of telling my brother about it. Hindi ko sasabihin sa kanya because you will tell him.” Iyon lang ang huling sinabi nito bago umalis palayo.
Tuluyan na siyang napaiyak nang mawala ito sa paningin niya. “If only it was that easy.” She murmured to herself.
EIRA BLINKED A FEW TIMES and stared at the grim faced teacher standing in front of her. “Ms. Chen, I don’t appreciate students who do not listen with my lesson.”
Napayuko siya sa sinabi nito. Hindi niya napansin na tinatawag na pala siya nito. Napatulala kasi siya nang maalala ang naging pag-uusap nila ni Chantal. “S-Sorry po, Ma’am. Hindi na po mauulit.” hinging paumanhin niya. She released a sigh of relief when she didn’t press the matter any further. Pilit na itinuon niya nalang ang atensiyon sa klase at nang hindi na mapagalitan.
It has been days since the incident between her and Chanta. At alam niyang may isang salita ito dahil pansin niya namang walang nababanggit ang mga kaibigan nila, kahit si Micco, tungkol sa pag-alis niya. Pero umiiwas na din siyang sumabay sa grupo hanggat hindi niya pa nasasabi sa mga ito ang nalalapit na pag-alis niya. She could always find excuses not to join them. Sana nga lang hindi nila nahahalata ng mga ito. Isang tao lang naman ang nakakabasa nang kung anong iniisip niya. She glanced at his side and found him staring at her. Agad na iniwas niya ang tingin dito.
When the bell rang ay mabilis na tumayo siya para hindi makausap si Arjh. Dahil sigurado siyang kakausapin siya nito. Unfortunately, nasa tabi niya na ito agad at nahawakan na nito ang kamay niya.
“We will talk.”
Nakarating sila sa may rooftop ng school building. Doon kasi siya hinila ni Arjh pagkatapos ng klase. Ang ipinagtataka niya lang kay Arjh ay nang makarating sila doon, pinaupo lang siya nito saka ito naglabas ng mga tupperware mula sa dala nitong paperbag na hindi niya napansin kanina. Napanganga siya nang makita ang laman non. Mga pagkain. Apat na klase ng sandwiches, may desserts na blue berry cheesecake, red velvet, at toblerone torque. Meron ding French macaroons at lemon juice with fresh lemons.
“Eat.” usal nito.
“A-Akala ko ba mag-uusap tayo?” takang tanong niya kay Arjh.
He stared and smiled slightly, “If you want to tell me what’s bothering you then I will listen. But I won’t force you to tell me. I know that if you’re willing to tell me what’s wrong then you would have done it the moment we stepped out of the classroom.”
She stared at him. She wasn’t expecting he would say that. Ang akala niya talaga ay kokomprontahin siya nito, pero hindi nito ginawa. Mali siya ng inakala.
“Eat up. It will help, whatever it is that makes you feel like that.” saad nito at itinapat sa bibig niya ang isang macaroon.
Nahihiyang kumagat siya sa pagkain. “Thank you, Arjh. For everything.” he just smiled in response.”
Kakain na sana sila ng sabay nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Corby kasunod ang barkada. “Uy chicken sandwich!” at bago pa sila makahuma ay nakakuha na ito ng pagkain sabay kagat nito non. Nakatanggap tuloy ito nang isang sapak mula kay Arjh. “Aray! Damot naman neto. Isa lang naman.” He pouted and moved behind her. “Eira oh! Ang dami naman niyan diba?”
“These are not for you. And move the hell away from her!” sinamaan ito ng tingin ni Arjh.
Pero imbis na matakot ay tumawa lang ito. Which is nakapagtataka. Dati isang tingin lang ni Arjh ay tumitiklop na agad ang mga ito. Sumunod pang umupo ibang barkada at kumuha sa pagkain. Pero gaya ni Corby ay tumawa lang din ang mga ito nang pagsabihan ni Arjh. Huh?
Tinapik ni Zeke si Arjh sabay sabing, “Sorry, pre, but we’ve seen and had worse. Ang hirap pala kapag yung kapatid mo ang mainit ang ulo, ano?”
“Batok gusto mo?”
Sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Chantal kasama si Micco. Itinaas lang ni Zeke ang kamay nito. Naupo naman ang dalawa kasama nila. Napatingin si Chantal sakanya at ngumiti. Hindi ngiting plastic pero yung ngiting totoo. She smiled lightly at her. Napabalik ang atensiyon nila nang magsalita si Arjh.
“Is that so?” saad nito.
Pansin niya ang paninigas ng mga lalaking kasama nila. She saw Zeke gulped and she heard Corby gasped and held his breath. Arjh’s features were relaxed but his eyes say the opposite. She’d never seen him like that kaya alam niyang galit na talaga ito. She even heard Chantal cursed and whispered to them. “This is your fault so deal with it.”
“Umm... A-Ahh. Hehehe. N-Nakalimutan kong may… may... may hihiramin pa pala ako kay J-Joel. Alis muna ako.” saad ni Corby na nagmamadaling tumayo.
Sumunod naman kaagad si Zeke, “A-Ako din pala. H-Hinahanap pala ako ni coach.”
“Pengeng isa—” napatigil si Corby sa pag-abot ng pagkain at mabilis na lumayo. “Busog na pala ako, bye!” at patakbo itong bumaba ng rooftop kasunod ang iba pa at naiwan silang tatlo doon ni Arjh at Chantal.
Tumingin si Arjh sakanya at lumamlam ang anyo nito. “I’ll be back. And eat up, okay?” Bumaling ito sa kapatid. “Keep her company for a while.”
Chantal nodded at him. “Take it easy on them, Kuya.” paalala ni Chantal sa kapatid. Hindi sumagot si Arjh at tuluyan ng bumaba.
Naiwan sila ni Chantal with an awkward silence between them. Hindi niya naman alam ang sasabihin kaya inabot niya nalang ang sandwich at tahimik na kumain.
“I’m sorry, Ate Ei.” saad ni Chantal. She held her by the arm, “I didn’t mean what I said. Dala lang iyon ng init ng ulo ko. I’m so sorry.” hinging paumanhin nito. “Alam ko kung gaano ka nahihirapan. Sorry talaga. I was being irrational.” Nakayukong saad nito.
She squeezed her hand and smiled. “It’s alright, Chantal. Naiintindihan ko. Sorry din at itinago ko sa inyo ang tungkol dito. Ang hirap kasi eh. Naduduwag akong harapin kayo.” naluluhang paliwanag niya dito.
She hugged her and patted her back. “Tahan na, Ate. Alam kong natatakot ka, pero karapatan din naming malaman ang pag-alis mo. Maiintindihan ka naman namin sa kung anong magiging desisyon mo. Para saan pa at naging kaibigan mo kami? Nandito lang kami. You can always rely on us. Always.”
Naiiyak na nginitian niya ito. Naipagpasalamat niya na nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap tungkol sa nangyari noong nakaraan. “Salamat.” She brushed her tears away, “Don’t worry. Sasabihin ko naman talaga sa inyo. Just give me enough time. Give me until prom. I’ll tell them after the celebration.”
She smiled though she can see worry in her eyes, “Andito lang ako, Ate. Susuportahan kita.”
****
“EIRA! PAKITINGNAN NGA kung sino yan.” saad ni Tita mula sa likod ng bahay nang may marinig na nag-doorbell.
Pababa pa lang kasi siya ng hagdan. Tinungo niya ang pinto at nagulat pa siya nang makita si Chantal na nakatayo sa labas ng gate at kumakaway nang makita siya.
“Hi, Ate Ei!” nakangising tawag nito.
Binuksan niya ito ng gate at agad naman itong yumapos sa braso niya. “Oh Chantal, ba’t ka nandito? At saka,” she glanced at her watch. “It’s only four PM. Dapat ay nasa school ka pa, right?” May pasok kasi ang sophies at freshmen maliban sa juniors at seniors dahil nang gabing iyon na ang prom. They were given the time to relax and prepare for the night. Kaya nakapagtatakang nandoon ito ngayon.
“I ditched school.” She said while shrugging her shoulders.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “You what?” hindi makapaniwalang tanong niya dito. Kapag nalaman ni Arjh ang ginawa nito ay paniguradong mapapagalitan ito ng kapatid nito.
“Come on! It’s no biggie.” No big deal? Anong nakain ng babaeng ito? “Besides, I have more important matters to attend to.”
“And that is?”
She grinned widely, “To make you prettier than you are right now for prom night!” she squeeled. Pumalakpak pa ito at sa gulat niya may lumabas na isang bakla at dalawang babae mula sa van. May mga dala itong nakahanger na damit, at malalaking cases na sa hula niya ay hair and make-up paraphernalia.
“Chantal, hindi ko na kailangan ang mag-ayos ng bongga! I also have my dress already at hindi ko na kailangan ng magarbo.” She said trying to reason out with her.
Umiling ito, “Na-uh! We will help you and that’s final.” Hinila na siya nito papasok ng bahay habang nakasunod sa kanila ang tatlo. Binati pa ni Chantal ang tiyahin na halatang nagulat at naguguluhan kaya nagpaliwanag ito dito.
She pushed her inside her room together with the three, habang yumakap na naman ito sa braso ni Tita Merdel. “Make her more gorgeous for tonight. I’ll leave her in your capable hands, Ate Jenn.” bilin nito sa babaeng matangkad at may kaputian.
“We won’t disappoint you, Chantal.”
She grinned again, “Enjoy, Ate Ei!” Bumaling ito kay Tita Merdel at inakay na ito pababa, “I brought your favorite pasta, Tita. I also made it myself from the recipe you gave the last time. Let’s eat it!”
Iyon lang ang huling narinig niya bago isara ng mga ito ang pinto at sinimulan siyang pag-ayusan.
Fine! Prom it is.