Chapter Fifteen

2628 Words
Chapter Fifteen                               Reality * She Knows     “AHY, SHOOT!” bulalas ni Eira nang mahulog ang dala niyang libro. Nagmamadali kasi siya sa paglalakad tapos marami pa siyang dala na projects at libro. “Naman!” pilit na inaabot niya ang nahulog na libro. “Here.” saad ni Rafael, isa sa mga kaklase niya. “Tulungan na kita, Ei.” volunteer nito at kinuha ang ilang gamil na dala niya. “Naku, salamat talaga, Raf.” nakangiting pahayag niya dito. Medyo nangangawit narin naman kasi ang braso niya dahil sa mabigat na dala. “Saan mo ‘to dadalhin?” tanong nito habang paakyat sila ng hagdanan. “Ahh, doon lang sa library. Isasauli ko na yang mga aklat eh.” Tumango-tango lang ito at tinulungan siyang maisauli ang mga libro sa library. “Salamat talaga, Raf.” “No problem, Ei. Dito ka pa?” Tumango siya, “Yep. May ibibigay pa ako kay Aya eh.” tukoy niya sa student library assistant. “Okay. Sige, mauuna na ko.” “Salamat ulit, Raf.” He nodded and went out of the library. Hinanap niya naman kaagad si Aya matapos maisauli ang mga hiniram niyang libro. Inabot niya dito ang mga bagong chart para sa lib. Nakasalubong niya kasi si Ma’am Avelida kanina at ipinapabigay nito sa kanya kay Ava ang listahan sa library. Nagkataon namang papunta siyang aklatan kaya okay dinala niya na. “Sige, Aya. Mauna na ako.” “Salamat ulit, Eira.” Lumabas na siya ng library at naglakad pabalik sa classroom. Nakasalubong niya pa si Chantal sa hallway na nginitian siya kaagad. “Hi, Ate Ei!” bati nito. “Hinahanap ka nga pala sa registrar’s office.” Napakunot noo naman niya sa sinabi nito. “Bakit daw?” She just shrugged, “Hindi sinabi eh. Punta ka nalang daw doon.” She nodded at her. “Okay. Thanks, Chantal.” She gave her thanks and went on her way. Dumaan muna siya sa classroom para kunin ang bag niya. Malapit na din naman kasing magbell para uwian. Baka matagalan pa siya sa registrar’s office kaya mas mabuti pang dalhin niya na ang mga gamit niya. Papalabas na siya ng classroom nang mahagip ng mata niya ang desk ni Arjh. Buong araw itong wala sa school dahil kinailangan ito sa kompanya nito. She hopes he’s okay though. Minsan kasi sinasagad ni Arjh ang sarili nito. Robot nga nawawalan ng enerhiya. Ito pa kaya na tao lang? Ite-text niya nalang mamaya. Lumakad na siya ulit pababa ng building. “Hello po, Ma’am. Hinahanap niyo daw po ako?” tanong niya sa registrar nila na si Mrs. Louela. Sumenyas ito na pumasok siya kaya pumunta siya sa may pinto. “Upo ka, hija.” saad nito nang makapasok siya. She smiled, “Actually, si Headmaster ang naghahanap sa’yo kanina. Kaso may nilakad siya at hindi niya nasabihan ang adviser mo.” Napakunot ang noo niya. Why is the Headmaster looking for her? Wala naman siyang maalala na unfinished task mula dito. “Tungkol saan daw po?” “Kailan daw ba ang alis mo?” tanong nito that had her frozen on her spot. “If there is no exact date yet, yung rough estimate nalang daw muna. So that your school papers will be processed at an earlier time. At ma-settle na ang mga kakailanganin mo pang gawin to complete the school year.” Hindi siya nakapagsalita. Pakiramdam niya din wala siyang narinig at naintindihan sa iba pang sinabi nito. She totally forgot about that topic. Nakalimutan niya, siguro. O pinipilit niya lang kalimutan. But the truth is, it’s just in her subconscious mind, at hindi kailan man iyon nawala. “Hija?” tawag ni Ma’am Louela with worry in her eyes. “Are you alright?” She blinked many times before she could compose herself. “Umm. O-opo.” Umayos siya ng upo. “K-Kausapin ko po ang mga magulang ko t-tungkol sa sinabi niyo po. Maraming salamat po, Ma’am.” Tumayo na siya at maayos na nagpaalam dito saka lumabas ng opisina. She heaved a sigh and walked towards the main gate para umuwi na. Ang akala niya dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan ay may mababago sa pag-alis niya. Iyon pala, she was still half asleep. And just now, she’s fully awake, with the reality that she is going to leave the country anytime sooner. Just by thinking about it makes her heart ache. Mahirap lang talagang iwanan ang lugar at mga taong naging mahalaga na sa kanya. Yung pakiramdam na kailangan niyang mamili. Dalawa lang naman ang klase ng tao, una, ang nang-iiwan at pangalawa ang naiwan. Sa bawat desisyong pinipili natin, mayroon at mayroon talagang masasaktan. Kahit sabihin mong mali o tama ang desisyong ginawa mo. Someone would still end up hurting.   KANINA pa siya nakauwi sa bahay ng tiyahin at nakahiga lang siya sa kama habang pinapaikot-ikot ang cellphone sa kamay. Naitanong niya na din sa tiyahin ang tungkol sa pag-alis niya. Ang sabi naman nito ay itanong niya sa ama kapag tumawag. “You should tell your friends in advance, hija. Para hindi sila magulat at mahirapan sa pag-alis mo. Para hindi ka din mahirapan.” those were Tita Merdel’s words that left her thinking. Hindi niya alam kung paano sabihin sa mga ito, kung kailan at saan. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Ni Arjh. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito o kung pipigilan ba siya nito. What will he feel? She sighed again. Ang hirap naman kasing basahin ni Arjh. Ang sabi nila madali lang daw basahin ang iniisip ng mga lalaki kesa sa mga babae. Mahirap kayang basahin ang tumatakbo sa isipan ni Arjh. Probably because he is a genius. Tama nga din naman iyon. Tumayo nalang siya at pumuwesto sa study table niya na katapat lang ng bintana sa kwarto. Nakapangalumbaba lang siya habang nag-ii-scroll ng kanta nang kumatok si Tita Merdel. “Pasok po.” Bumukas ang pinto at dumungaw ito. “Ei, pwede ka bang bumili ng softdrinks kina Manang Bebe?” Tumango siya at lumapit dito. Inabot nito ang pera at bote ng soft drink. “Wag kang magtagal at kakain na tayo.” paalala nito habang pababa sila ng hagdan. “Yes, Tita. Alis na po ako.” saka siya lumabas ng bahay. Malapit lang naman ang tindahan ni Manang Bebe doon. Mga anim na bahay lang ang layo sa kanila. Kakilala naman nila ang mga naninirahan doon, maski tambay ay kilala nila. Hindi naman ito nambabastos o kung ano kaya okay lang na lumabas siya kahit gabi sa area. “Magandang gabi po, Nang. Pabili po ng softdrinks.” sabay abot niya sa bote at bayad. Iniabot naman nito ang binili niya. “Salamat po.” Ngumiti ang matanda. “Salamat din, hija. Balik ka ulit.” She smiled back and nodded. Habang pauwi sa daan ay nilalaro niya lang ang latang nakita niya kanina. Sinisipa niya iyon hanggang sa makarating sa bahay. “Oops!” bulalas niya nang mapalakas ang sipa niya kaya napalayo iyon. Napakunot noo siya nang makitang may nakaparadang kotse, may nakasandal na lalaki pero nakatalikod sa direksyon niya kaya hindi niya makilala. She stared at his direction. Parang nakita niya na ang sasakyan na iyon. Mukhang napansin nung lalaki na may nakatingin sa direksyon nito kaya lumingon ito. Her mouth fell wide open when he saw his face. Arjh. He smiled slightly kaya nakabawi siya at nginitian ito pabalik saka naglakad palapit dito. “Umm. Hi!” bati niya dito. “Hi.” mahinang usal nito na para bang pagod na pagod. Napaangat tuloy siya ng tingin dito. “Ba’t ka andito? Dapat dumiretso ka na ng uwi.” Pansin niya kasing nakasuot ito ng suit and tie at halatang galing lang sa trabaho. Hawak ang softdrinks sa isang kamay, she reached for his knotted brows with her free hand. Hinimas niya ang kunot nitong noo and smiled when he relaxed a bit. “Ayan. Huwag mong ikunot ang noo mo. Madali kang magkakawrinkles niyan.” Ngumiti lang ito. Yung ngiti nitong nagpapakitang gumaan ang loob nito. Namula nalang siya nang lumapit ito sakanya at yakapin siya nang mahigpit. “I missed you.” he whispered that had her racing a heartbeat. She buried her face on the crook of his neck and secretly inhaled his masculine-mint scent. “I missed you, too.” sagot niya pabalik, not denying how she truly felt. Lumayo siya nang kaunti saka ito tinitigan sa mata. “Kailangan mo ng magpahinga kaya mabuti pang umuwi ka na muna. And I’ll see you at school tomorrow.” Bumitaw ito ng yakap at may inabot. Saka niya lang napansin ang paper bags na ngayon ay hawak nito. Nakapatong kasi iyon sa ibabaw ng sasakyan kaya hindi niya napansin. “Let’s have dinner.” She smiled genuinely at him. “Sumabay ka na sa amin ni Tita. Kakain palang kami. Tara!” saka niya ito hinila. Nagtaka pa siya nang lumingon ito pabalik sa sakyanan. Saka niya lang napansin na kasama pala nito ang pinagkakatiwalaan nitong assistant. “You may leave. I’ll text you when I need to come home—” “Sama na po kayo sa amin sa loob. Kumain na din po kayo. Tara!” putol niya sa sinasabi ni Arjh. He was hesitant at first saka nilingon si Arjh. Nang tumango si Arjh ay bumaling ito ulit sakanya. He smiled and nodded, “Thank you for inviting me in, Ms. Chen.” “Eira nalang po. Masyadong pormal ang Ms. Chen. Tara na sa loob at ng makakain na tayo.” nginitian niya ang mga ito at nagpatiunang pumasok ng bahay. Nagulat pa si Tita noong una pero ngumiti din agad at kumuha ng dagdag na pinggan at kutsara. Buti nalang din at may dalang pagkain sina Arjh kaya hindi na kinailangang magluto ulit.     Their dinner went well. Nagkwentuhan at nanuod pa sila sa sala before she decided to tell Arjh to go home. Pansin niya kasing namumungay na ang mga mata nito. He was sleepy. And he looks so tired too. Ayaw pa ngang umuwi dahil alas otso palang daw ng gabi at maaga pa. Pinilit niya lang kaya pumayag din. “Salamat sa hapunan.” she smiled at him. He smiled back at hinawi ang buhok niya sabay ipit sa tenga. “No, thank you.” He said and kissed her on her forehead. Napapikit nalang siya nang maramdaman ang paglapat ng labi nito sa noo niya. She found his gesture very sweet. “Sige na. Ingat.” binalingan niya ang kasama nito. “Ingat po kayo sa daan.” “I’ll see you at school tomorrow. Good night, Eira.” he kissed her on her cheeks saka sumakay ng sasakyan. Ibinaba nito ang bintana nang makapasok na. “Good night, Arjh.” “Dream of me, Eira. Good night.” saka umandar ang sasakyan palayo. Nakatitig lang siya sa papalayong sasakyan. Nang mapatingin siya sa plate number ay may naalala siya kaagad. Kaya pala pamilyar ang sasakyan na iyon. She’s seen that car once. Noong nag-away sila ni Arjh dahil sa old library building. That car, was the car that was parked in front of their old house when she decided to sleep there during their fight. Nakita niya kasi ang plate number ng sasakyan na iyon. At hindi siya nagkakamaling ang sasakyan ni Arjh ngayon at ang sasakyan na nakita niya noon ay iisa. Did he have her followed that time? Kaya ba alam nito kung nasaan ang bahay nila dati? Nakausap niya siguro si Nay Lydia at nagkaideyang pumupunta sila doon tuwing pasko kaya nailagay nito ang mga teddy bear doon sa kwarto niya. Napapailing nalang siya. Her imaginations are getting the best of her. She went in with a smile plastered on her face.   KINABUKASAN AY kinausap ni Tita ang head tungkol sa sitwasyon niya. Humingi siya ng pahintulot na ang tiyahin nalang ang kumausap at pumayag naman ito. Nagiging busy na din naman kasi siya dahil sa nalalapit na prom. Next week na iyon. Eh kakagaling lang nila sa isang Semi-final exams week. Kaya naman busy-busyhan ang mga estudyante doon. She also decided na ipaalam na sa mga kaibigan niya next week ang tungkol sa pag-alis. Nilapitan niya si Corby nang makita ito kasama si Zeke, Razel at Micco sa canteen. “Hi! Nakagawa na kayo ng steps para sa cotillion dance?” Siyempre ang dance club ang naatasan tungkol sa sayaw para sa prom. Kailangan nilang turuan ang senior at junior students. Yung klase nga ay hanggang four ng hapon lang para mabigyan din ng panahon at oras sa pagpraktis ng sayaw. “Oh, VP!” he smiled, “Tapos na yung dance steps. Wag ka ng mag-alala.” he smiled. She smiled back. “Naku, mabuti naman. Siyanga pala, ang seniors muna ang tuturuan niyo ngayong hapon. Bukas naman yung juniors.” Yung sa prom kasi, hindi nila alam kung sino ang makakapartner nila sa sayaw para daw may thrill. Before the program pa malalaman ang partner nila for the night. “Okay!” “Sige, mauna na ako sa inyo.” paalam niya sa kanila. “Kumain ka muna, Ei.” yaya ni Razel. Umiling lang siya dito. “May gagawin pa ako. Salamat nalang.” Nagpaalam siya ulit sa kanila bago lumakad palayo. She was on her way to the Botanical Garden of the school when she noticed Chantal, sitting alone under the tree. May kakailanganin kasi siyang halaman for her report and she needed to ask the botanist a few things kaya pupunta siya doon. Walang masyadong dumadaan sa lugar doon kaya tahimik at masarap tambayan. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit naroon si Chantal. Naalala niyang hindi ito kasama ni Micco kanina. She thought she just had classes or errands to do. Maingat na lumapit siya dito. She bet she didn’t notice her dahil hindi naman ito lumingon at mukhang malalim ang iniisip. She cleared her throat kaya napaangat ito ng tingin. Nagulat pa ito nang makita siya saka nakabawi at nag-iwasng tingin. “Do you mind?” She asked her. Umiling lamang ito kaya naupo siya sa tabi nito at sumandal sa puno. “Mukhang malalim ang iniisip mo ah. May problema ba?” Ilang minuto pa bago ito sumagot, “Wala naman, Ate. Gusto ko lang ng tahimik sa ngayon.” She looked at her. Ramdam niyang may hindi ito sinasabi kaya sinubukan niyang magtanong ulit. “Si Micco ba?” Ngumiti ito at umiling. “No. Wala naman kaming problema. We’re doing okay. I just needed to rest, that’s all.” Tumango siya ditto at hindi na nagpumilit. She breathed in hard and smiled before standing up. “Basta ba eh, kung may problema ka wag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin, okay? You know you can always count on me.” She stared at her for a while before nodding. “Sige, alis na ako.” kumaway siya dito saka tumalikod. Nakalayo na siya ng konti nang tawagin siya nito. “Bakit?” “Nandito lang din ako, Ate Ei. Kung may problema ka at kailangan mo ng mapaglabasan. Kung kinikilig ka sa kapatid ko. Kung naiiyak ka. Kung naghahanap ka ng mapagsasabihang miss mo na ang pamilya mo. Kung kailangan mo ng makikinig sa’yo sa mga bagay na hirap mong sabihin sa iba. I am just around, Ate.” She stiffened at what she said. Is it just her imagination or may gustong iparating si Chantal? P-Probably just her magination. Tumango siya at naglakad ulit. Pero hindi paman siya tuluyang nakakalayo ay may sinabi ito na nagpatigil sakanya. “You are leaving him. You’re leaving my brother.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD