Chapter Fourteen New Year’s abs
MAALIWALAS NA UMAGA PARA SA SIMULA NG PASUKAN SA BAGONG TAON! Inayos ni Eira ang dala niyang sandwich para sa snacks niya mamaya saka ipinasok sa bag. Nginitian niya ang tiyahin humalik sa pisngi nito. “Alis na po ako, Tita. Bye!” paalam niya.
“Ingat ka sa daan, okay?” bilin nito.
She nodded and waved at her saka lumabas ng bahay. She looked up and closed her eyes, feeling the rays of the sunlight caressing her skin. Dumilat siya at ngumiti. What a great morning to start the day. Lumabas na siya ng gate ngunit napatigil din nang makita kung sino ang lalaking nakasandal sa concrete wall sa labas ng gate nila. “A-Arjh?” hindi makapaniwalang saad niya.
Umalis ito sa pagkakasandal, lumapit sakanya at inabot ang kamay niya. He laced his fingers on hers and smiled. “Morning.” Bati nito saka siya hinila at sabay na naglakad papuntang school.
Baka naman nananaginip pa siya? Pakikurot nga siya! Tulala parin siya habang nakatitig kay Arjh at sa magkahawak nilang mga kamay. HHWW lang ang peg?
“B-Bakit. Anong ginagawa mo?” mahinang tanong niya nang makabawi sa gulat.
He glanced at her habang patuloy lang sa paglalakad. “I am picking you up.” Ano daw? “Besides, you prefer walking than riding the car while going to school, right?” pahayag nito na ikinagulat niya ulit.
Paano nito nalaman iyon? Ibig sabihin ba eh napapansin na siya nito dati pa? Napangisi nalang siya. Shet naman! Kinikilig tuloy siya.
Nang matanaw niya na ang school eh napasimangot nalang siya. Tapos na yung pantasya niya since nasa school na sila eh. Napatingin siya sa magkahawak na kamay nila. Nang malapit na sila sa malaking gate ng school ay siya na ang kusang bumitaw at humila sa kamay niya. Alam niya naman na hindi showy si Arjh kaya mabuting siya na iyong mauna—
Nanlaki ang mga matang nilingon niya ito. Bigla kasi nitong hinila pabalik ang kamay niya kaya HHWW ulit sila habang papasok ng campus. Maaga pa pero may mga estudyante na sa loob. Lahat sila napapatingin sa direksyon nila ni Arjh kaya nahihiyang napayuko nalang siya. Nagtaka siya nang maramdamang tumigil si Arjh.
Naka-poker face na naman ang mukha nito. “Ikinakahiya mo ba ako?” mahinang tanong nito.
Mabilis na umiling siya dito. “H-Hindi sa ganon. Umm. Hindi lang ako sanay.” nakaiwas ang tinging sagot niya dito. Tumango ito at lumakad na ulit. Saka niya lang napansin ang ilang students na nakanganga sa kanila. Oo nga pala. Nagtagalog si Arjh. Ngayon lang siguro narinig ng mga ito na magtagalog si Arjh. Paano ba naman kasi, kung naka-english eh ang cool at sexy ng boses niya. Kung inaakala nilang kapag nagtagalog ay waley na, diyan sila nagkakamali. Mas-appealing nga kapag nagtagalog si Arjh eh.
May dadagdag na naman sa fan girls ng lalaking ito. Napailing nalang siya at pasimpleng nagtago sa likod nito ngunit hinila lang siya nito papunta sa tabi nito. “Stay on my side.”
Namula naman siya sa sinabi nito. Para naman kasing double meaning ang sinabi nito sakanya.
NAGING OKAY naman so far ang pagbabalik klase ngayong taon. Wala pa naman masyadong ginagawang lessons. Puro kwentuhan pa muna sa nakaraang Christmas vacation. Plus, the usual new year’s resolution. Ewan niya kung ano ang new year’s resolution ng mga kaklase niya. Mukhang ganoon parin naman sila tulad ng dati eh, maingay parin. Haha!
“Hi, Ate Ei!” bati ni Chantal na sumabay sa kanyang maglakad.
“Oh, hello Chantal.” Nakangiting bati niya dito. She had that wide grin on her face. “Bakit?” takang tanong niya dito.
She shrugged and clanged her arms on her. “Kayo ha? Kaya pala maagang umalis ng bahay si Kuya. Tapos nabalitaan ko nalang… may paholding hands pa kayong nalalaman. Ayiiiee!” pang-aasar nito sabay taas baba ng kilay.
Sinasabi niya na nga ba at mabilis kumalat ang balita. Nag-iwas nalang siya ng tingin. Wala naman na siyang sasabihin kasi naman totoo talaga iyong sinabi nito. She just heard her laugh while they continued to walk in the hallway. Even the students were looking at them. Probably with the incident that morning. Naman eh!
“Ei!” Tawag nila Razel na nasa may garden at kumakaway sa kanila. “Dito!”
Agad naman silang lumapit ni Chantal sa mga ito na kasama pala si Cailey. Pagkaupo palang nila sa concrete bench ay inulan na siya kaagad ng tukso ng mga ito. “Girls, tama na.” nahihiyang saad niya. At ang ginawa nila eh mas tinawanan pa siya. Maliban nalang pala kay Cailey na nakangiti lang sakanya. Mabuti na din pala yung tahimik na tao. Hindi kasi nang-aasar.
“By the way, VP.” tawag pansin ni Cailey kay tiningnan niya. “Ano kasi… Umm.” may inilapag ito sa concrete table. “Kailangan sana kitang ma—mainterview para sa school paper. Y-Yung kanina kasi ang hottest topic kaya kailangang e-feature ng paper for this week.” Okay. Binabawi niya na ang sinabi niya kay Cailey kanina. Naman eh!
Nakalimutan niyang parte pala si Cailey ng school paper nila. Paano niya malulusutan iyon? Baka pwedeng mapakiusapan itong si Cailey. Di bale mamaya kakausapin niya si—
“Paken tape!” sigaw ni Razel na ikinalingon nilang lahat dito. Her eyes were wide looking shocked. Pero agad din iyong naningkit and the next thing they knew ay nanggalaiti na ito sa galit. “I will kill him! How dare him walk around the campus shirtless?”
Ano daw? Nagkatinginan silang tatlo. Bago paman nila malingon ang tinitingnan ni Razel ay may narinig silang sigawan ng mga babae. Sabay silang napalingon sa nagtitilian. And they just realized kung ano ang sinasabi ni Razel. Walking along the hallway to the garden, towards them, were no other than the campus crushes, sina Micco, Vin, Corby, Zeke, and Arjh.
Pakiramdam niya tuloy nag slow motion ang lahat. Mula sa paglalakad nila at kahit sa pagngiti lang nila. As hard as it is, she tore her sight away from them. Ang hirap nga naman nilang lubayan ng tingin. And she guessed she wasn’t the only one star strucked at that moment. Pati na din kasi ang tatlo niya pang kasama na babae ay nakatulala.
“Hey.” bati ni Vin na ang atensiyon ay na kay Cailey agad. Namula naman si Cai nang halikan ito ni Vin sa pisngi. Those two are so sweet.
“Lunch mo babe, oh.” sabay tabi ni Micco kay Chantal at yakap sa bewang nito.
“Bakit ang gwapo mo? Madami na tuloy nagkakagusto sa’yo. Kainis!” nakasimangot na tanong ni Chantal na ikinatawa nila doon.
Nilambing naman ito agad ni Micco. “Hayaan mo, babe. I’ll ask my parents as to why I am handsome—Aww! Joke lang naman.” sinapok kasi ito ni Chantal. “Ikaw lang naman yung sakin eh.”
“Dapat lang noh!” nakaingos na saad ni Chantal.
“Swee—”
“Break na tayo! Kaya wag mo akong matawag tawag na ‘Sweet’ diyan.” bulalas ni Razel na ikinalaki ng mata ni Zeke dahil sa gulat. Sila naman ay natawa lang sa dalawa. Sanay na kasi sila. Ilang beses na ba kasing naghiwalay ang dalawa dahil sa dami ng babaeng lumalapit kay Zeke. Hindi naman kasi maipagkakailang dumaan sa pagiging playboy si Zeke.
Napatawa siya nang hampasin ni Razel si Zeke nang tumabi ito. Napatingin tuloy sila sakanya. No, scratch that, sa kanila pala. Tumabi kasi sakanya si Arjh. “W-What?” Ngumisi lang ang mga ito saka bumalik na ulit sa dati. Si Zeke naman patuloy lang sa pagsuyo kay Razel habang topless parin.
“Stop staring at him.” bulong ni Arjh. Nakakatuwa kasi sila kaya di niya mapigilang huwag silang tingnan. Umiwas nalang siya ng tingin. “Zeke, put your damn shirt on or I’ll give you a slip to the detention room.” utos ni Arjh dito.
“Ipinaparada kasi iyang katawan. Bwiset!” bubulong bulong ni Razel na medyo narinig nilang lahat.
Ngumisi ng malaki si Zeke at niyakap ito tapos hinawakan ang kamay ni Razel at ipinatong sa abs nito. “Sweet, kahit makita man nila ang katawan at abs ko, you’re the only one who has the access to touch them.”
Parang kamatis naman ang mukha ni Razel sa sobrang pula dahil sa ginawa ni Zeke. Mabilis na nahila nito ang kamay, “P-pwede ba!” nauutal na saad nito. “At saka, magbihis ka na nga!”
Ngumisi si Zeke habang isinusuot ang puting sando. “Kakagaling ko lang kasi sa laro. At isa pa, para namang hindi mo pa nakita itong abs ko. Napatanga pa nga kayo nung bagong taon eh.” saad ni Zeke sabay taas baba ng kilay nito habang ramdam niya naman ang pamumula ng mukha nang maalala ang sinabi ni Zeke.
New Year’s Eve throwback
Eira had a huge smile on her face as she woke up. Naalala niya kasi ang nangyari kagabi as they celebrated New Year. Siyempre katulad noong pasko naka-video call sila ni Tita Merdel sa family niya sa Canada at sabay nilang sinalubong ang bagong taon. At siyempre si Arjh tumawag naman para batiin siya, which was more than enough. Bumaba na siya at nagtungo sa kusina. Nakita niyang may nakahandang pagkain. Pero ang ikinagulat niya ay ang makita si Corby na kumakain sa hapag kainan nila. Why was he there? “Paanong?” takang tanong niya at nilingon ang katabi nitong si Phoebe na nakangiti lang.
“Your aunt let us in. Pagpasensiyahan mo na si Corby. Ang PG niya kasi. Ayaw talagang paawat.” Hinging paumanhin nito.
“Umm.” iyon lang ang nasabi niya hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nandoon ang mga ito.
Ngumiti si Phoebe, “Your aunt is at your garden. You should probably just talk to her.”
Tinanguan niya ito at mabilis na lumabas ng bahay. Pero mas nagulat siya pagkarating niya sa garden nang makita ang grupo ni Arjh doon. Naroon sina Vin at Cailey; Micco at Chantal, Zeke and Razel; at siyempre si Arjh na kausap ang Tita niya. “W-Why are you all here?” takang tanong niya nang makalapit sa tiyahin sabay mano dito.
Her aunt smiled, “Good morning, Ei. Kumain ka na muna ng breakfast and then pack a few of your things. Ipinagpaalam ka na ng mga kaibigan mo. Dalawang araw lang naman kayo. Sige na at malayo pa ang biyahe.”
“Po?” was all she could say.
Yumakap sakanya si Chantal na halatang masaya. “We are going to Micco’s place, or I’d rather say his uncle’s place for a sleep over. Maganda daw ang lugar na iyon, Ate. Sama ka na, please! It will be worth it. Please? Pretty please?” anito with her puppy eyes look.
Nginitian niya ito, “Pinagpaalam niyo na naman ako, diba? Ano pa ang magagawa ko?” biro niya dito.
She clapped her hands and pulled her back to the house. “Tara Ate Cai and Ate Raz. Let’s feed her tapos tutulong na tayo sa pag-impake.” pahayag nito. Wala na siyang nagawa kundi hayaan nalang ang mga ito.
HALOS LAHAT sila maliban kay Arjh at Micco ay nakatulala at nakanganga habang nakatinging sa malaking bahay na nasa gitna ng mga puno.
“T-That… That’s your uncle’s house?” bulalas ni Chantal na nakaturo sa bahay.
Natawa si Micco saka tumango. “Yeah. That’s his tree house. Modern tree house to be exact.”
“Tree house?” sabay nilang tanong. “Cool.”
“Tol, penge nga number ng Tito mo. Pipilitin ko sina Mom na bilhin ‘to. Damn, this is awesome!” pahayag ni Zeke na amazed na amazed sa bahay.
Sino nga ba naman ang hindi? The house is elevated and is supported by concrete pillars. Halos kapantay na ng bahay sa taas ang mga punong nakapalibot dito. Hindi lang iyon, makikita doon sa baba ang magandang architecture sa itaas. His uncle is amazing!
“Let’s go guys. Akyat na tayo para makapagpahinga kayo.” yaya ni Micco.
“Wow! Ang ganda!” nakangiting sigaw ni Chantal nang nasa taas na sila.
The place has the best definition of wonder and beauty. Talaga naman kasing maganda doon. She can’t express what she’s feeling at the moment dahil sa sobrang ganda ng view at lugar. Overlooking lang.
“Bilis! Kunan niyo kami ng picture! Kaming mga babae. Dali na!” hila ni Chantal sa kanila at iniabot kay Micco ang DSLR. “Yung background ah, kunin mo din.”
Ilang shots pa ang ginawa nila doon. You can’t just get enough of the place. Parang na love at first sight siya sa lugar na iyon. She heard Arjh growled kaya napalingon siya dito.
“Let’s go home. Now.” malamig na saad nito.
Kumunot naman ang noo niya. “But we just arrived.”
“I don’t give a damn.”
Binatukan ito ni Chantal, “We are not going home just yet, KUYA. Right?” may diing pahayag nito. Hindi naman umimik si Arjh at tinalikuran na sila.
“What happened to him?” takang tanong niya. Bigla nalang tumawa ang mga ito nang mawala na sa paningin nila si Arjh. “Bakit? Anong nakakatawa?”
“Kasi naman Ei, nasabi mo kasing na-love at first sight ka.” natatawang sabi ni Razel.
Naibulalas niya pala iyon? OMG! Pero ano naman kung sinabi niya iyon? Naramdaman niya ang paghila sa kanya ng kung sino.
“Magpapahinga na muna kami.” ani ni Chantal at umakyat na sila sa kwartong ookupahin nila. “Pagpasensyahan mo na si Kuya, Ate Ei. Masyado lang talaga iyong... possessive.” nakangising turan nito saka binuksan ang kwarto nilang mga babae. Mabilis na ibinaba ni Chantal ang mga dalang gamit at humiga sa kama. “Hinihila ako ng antok sa lambot ng kamang ito. Matutulog muna ako.” iyon nga at pumikit ito agad.
Inayos niya muna ang gamit niya saka humiga gaya nito. Napansin niya din naman na napapikit na ang ilang kasamahan niya. Medyo malayo din naman kasi ang biyahe kaya siguro napagod ang mga ito. Itutulog niya na din muna ito.
Nagising siya nang marinig ang tumatawa. She slowly opened her eyes and sat up.
“Naku, nagising ka ba namin, Ei? Pasensiya ka na ha?” hinging paumanhin ni Phoebe.
Umiling siya dito at ngumiti. “Ayos lang.”
Sabay silang napatigil nang marinig ang tunog na iyon, saka sila tumawa ng malakas. Pareho kasing kumulo ang tiyan nilang lima. Hindi naman halatang gutom sila, diba? Hahaha. She glanced at her watch. “Kaya naman pala, it’s almost one-thirty PM.”
“Bumaba na tayo. I guess we still have to cook.” Cailey.
Tumango naman silang lahat at sabay na bumaba papuntang kusina para magluto ng tanghalian. Napatigil sila sa pagpasok nang makita ang mga nagluluto doon. The boys were cooking for lunch—topless. Oo, wala silang suot na t-shirt. Si Micco at Vin pala ay may apron habang si Corby at Zeke na nag-aayos sa mesa ay walang apron kaya kitang kita yung abs. Si Arjh naman, nakasuot lang ng itim na sando.
“Oh, gising na pala sila eh.” lumapit si Zeke kay Razel sabay pulupot ng kamay sa bewang nito. “Gigisingin palang sana namin kayo. Tara, let’s eat.”
“M-Magbihis ka nga muna.” nauutal na saad ni Raz. Ang awkward nga naman kasi nakatopless sila.
Nagpout si Zeke, “What? You don’t like my abs?”
“Zeke!”
“Nah! Mamaya na ako magbibihis.” matigas na saad ni Zeke.
Razel breathed in deeply. “Zeke, nakakahiya sa mga kasama natin.”
Ngumisi lang ito with that smug look on his face. “I think you’re mistaken, sweet. May iba silang tinitingnan.” napatingin si Zeke sakanya. “Si VP lang ang nakatingin sa atin.”
Namula naman siya kaya agad niyang iniwas ang tingin sa labas. Naman! Hindi niya naman iyon sinasadya eh.
“Oh, tol, saan ka pupunta?” tanong ni Corby.
Lumingon siya at nakita si Arjh na kumukuha ng pagkain at inilagay iyon sa tray. Napatahimik naman agad si Corby nang sinamaan ito ng tingin ni Arjh. Dala ang tray gamit ang isang kamay ay lumapit ito sakanya at hinila siya gamit ang kabilang kamay nito. Tahimik lang siyang sumunod dito. Mukha kasing wala ito sa mood.
Pumasok sila sa isang kwarto na sa hula niya ay ang kwartong gamit ng mga lalaki. “Umm. P-Pwede naman tayong sumabay sa kanila.”
He glared at her before arranging the food on the center table. “If they’re not getting changed then I won’t eat with them.”
“Kasi naka-topless sila tapos nakasando ka lang?” tinampal niya ang bibig nang masabi niya iyon. Her and her big mouth. Napalunok siya nang lumingon sakanya si Arjh at dahan dahang lumapit sa kinatatayuan niya.
He caressed her face and smirked, “They can go shirtless all they want for their girls and make them blush. I can make you blush effortlessly.” Then a satisfied smile was plastered on his face. “Let’s eat.”
He is right. Kahit simpleng titig lang naman ni Arjh ay kaya na siya nitong pakiligin.
“Siyanga pala—oh my goodness! I’m sorry. I’m so sorry. Hindi ko sinasadya.” hinging paumanhin niya habang pinupunasan ang suot ni Arjh. Nakatayo kasi siya sa may terrace at umiinom ng juice at nang lingunin niya ito ay bumangga siya sa katawan nito kaya nabasa ito ng juice.
He held her hand, “It’s okay. It was my fault anyways.” Lumayo lang ito ng konti. And the next thing he did got her eyes widening and her mouth hanging open.
He took off his damn top. Kaya naman kita na yung abs niya. Damn! Bakit ang ganda ng katawan nito?
“Like what you see eh?” he asked smirking.
Mabilis na tinalikuran niya ito. Waaah! She acted like some freaking p*****t! Oh my gee! She stiffened when she felt his bare chest from her back. Is he seducing her? If he is, then he isn’t failing at all. Napayuko siya nang may ilagay ito sa kamay niya.
“Before you go out, change into these clothes. Bakat na iyong bra mo.” iyon lang at hinalikan siya nito sa pisngi. “I’ll wait outside.” he whispered.
Pagkarinig niya sa pagsara ng pinto ay agad niya iyong tinakbo at ini-lock. Mabilis na lumapit siya sa salamin at mas lalong namula nang makita ang ayos niya. Bakat na bakat nga yong bra niya. Natapunan din pala siya nung juice, hindi niya lang napansin. Nakakahiya!
Inalis niya ang suot na damit at ipinalit ang tshirt ni Arjh. Medyo maluwang lang ng konti. Napatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin pero iba naman ang nakikita niya. She shook her head and closed her eyes, trying to forget those thoughts.
Bwesit na abs yon! Nagpapadumi sa isipan niya. Argh! Kasalanan ni Arjh ito eh. Maghubad ba naman sa harap niya. Tsk!