CLEO
*
*
" Nawawala ang Kapatid niyang dalaga. Walang clue na mahanap walang tawag huling kuha ng CCTV palabas ng school kamasa ang mga Kaklase sumakay ng FX Yon ang huling kuha ng CCTV footage. " Wika ni Teddy
Tiningnan ko mabuti ang FX
" Limang college student ang nawawala kasama ang Kapatid ni Kyle. " Tanong ko
" Nakabalik na ang ibang nawala Kapatid lang si Kyle ang sadya nila." paliwanag ni Teddy
" Nag-iisang Kapatid ni Kyle ang nawawala." Wika ko
" Ito naman ang listahan ng mga taong nakabangga ni Kyle at kanyang Ama. " Wika ni Teddy
" Huwag na kayo makialam sa problema namin ni Kyle. Kayang-kaya ko na Taposin ang problemang to. " Wika ko
" Sige Boss. Aalis na ako mag-iingat ka baka mabinat ka wala pang isang taon simula ng manganak ka." Tugon ni Teddy lumabas sa camper van
" Ang totoo kaya Ayaw mong makialam ako dahil nasasabik ka din makipag laban. mas mahirap na kalaban mas nagbibigay ng buhay sa natutulog na halimaw sa loob mo. Wag ako Cleo." nakangisi na wika ni Teddy
" LoL." Tugon ko natawa nalang ako kasi yon naman talaga ang katutuhanan
Namimiss ko din ang makipag laban. Yong tipong maghahanap ako sa kalaban isa-isang pinapatay. Pagkatapos nito isusunod ko ang mga banta sa buhay ko nagtatangka umagaw sa pinaghirapan kong negosyo. Akala kasi nila kasali ako sa Mafia organization kaya umaasa sila pagnapatay nila ako mapupunta sakanila ang ari-arian ko.
Nagmaniho ako papunta sa bahay ng mga magulang ni Kyle.
Hating gabi nakaparada ako sa tabing kalsada sa ilalim ng puno. Nakaramdam ako ng antok kaya nahiga ako sa single bed sa loob ng Camper Van ko. Kanina pa din kumikirot ang boobies ko puno na ng gatas. Kaya nag mano-mano ako sa pagpisil ng Dede ko para mawala ang kirot. Napagtanto ko na kailangan pala mawala muna ang gatas ng boobies ko para makakilos ako.
Kinabukasan pinagpatuloy ko ang pagmamaniho. Sa totoo lang nahihirapan ako nagmaniho dahil narin sa punong-puno ang boobies ko. Uncomfortable talaga lalo na ang biglang hinto ang pagpadede ko.
Ang dapat na byahe na 8 hour's pabalik sa manila naging 15 hours Pagdating sa manila agad ko hinanap ang address ng bahay nila Kyle umabot pa ng isang araw bago ko tuloyan nahanap.
Nag check-in ako sa Hotel nagtaxi nalang ako papunta sa bahay nina Kyle, Nakasuot ako ng Sumbrero at 6 pocket cargo pants at t-shirt naka jacket din ako
Kumatok ako sa pinto naghintay limang minuto bago bumukas ang pinto
Pagbukas ng pinto bumungad saakin si Kyle natigilan siya nagkatitigan kami ng ilang minuto
" Bakit nandito ka? Makakaalis kana Kusa ako Uuwi pag okay na ang problema ng pamilya ko." Walang Emosyon wika niya
Pilit ako na ngumiti bago nagsalita
" Pamilya mo? Nasa ibang bansa ang kambal. Kasama ng parents ko. Nag-aalala ako sayo kaya sinundan kita. Wala kang paalam na umalis hindi ka rin tumawag. Pamilya! Okay naintindihan ko na. Sige Aalis na ako. Hindi pala pamilya ang turin mo saamin ng mga anak mo. Mag-iingat ka." Mahinahon na wika ko
Tumalikod na ako nagmamadali ako sa paglalakad. Naghintay ako na habulin niya ako na tawagin niya ako magpaliwanag sa nangyayari pero Nakarating na ako sa sakayan ng jeep walang Kyle na sumunod.
Nakatayo ako sa tabing kalsada parang tanga na umiiyak. Paulit-ulit ko hinahampas ang dibdib ko Hindi ako makahinga. Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa paghihiwalay namin ni Gideon
May huminto na Taxi sa harapan ko nagmamadali ako na sumakay. Nagpahatid ako sa hotel na tinutuloyan ko.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nakalimutan ko ang kirot ng boobies ko.
Kinabukasan sunod-sunod na tawag mula kay Kyle ang natanggap ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya hindi ko rin binasa ang Text message niya.
Nagkulong lang ako sa Hotel room wala akong ginawa kundi ang uminum at matulog. Hanggang sa umabot ng Two Week's namalayan ko nalang wala na akong gatas.
Nag-ayos ako ng aking sarili muli ko sinuri ang kuha ng CCTV footage ang huling kuha ng FX na tumangay sa Kapatid ni Kyle.
Bago ako bumyahe nag withdraw ako ng pera. Gagamitin ko ang pera para matunton ang kinaroroonan ng FX. Gusto ko malaman kung anong Grupo ang kumuha sa Kapatid ni Kyle.
Habang papalabas ako napansin ko sa tabing kalsada dating partner ni Kyle
Huminto ako sa tabing kalsada, Dinungaw ko ang ulo ko tinawag ang police na may Hawak na plastic cup
" Oh Miss Shoun? Kumusta galing kanaba sa bahay nila Sir Kyle?" tanong ng police
" Oo last two weeks. May itatanong lang ako may alam kaba sa kung bakit nawala ang kapatid ni Kyle?" Tanong ko
" Wala akong masasabi baka madamay pa ang pamilya ko. bagong panganak pa naman misis ko. " Wika niya
Tumango lang ako may dinukot ito na papel sa bulsa nagsulat at inabot saakin
" Yan lang ang maitutulong ko pero malaking tulong yan. Dating naipakulong ni Sargent ang taong yan. Malaki ang impluwensya sa Gobyerno kaya napawalang sala ngayon gumaganti. " seryoso na wika ng kausap ko
" Salamat." Tugon ko
Nagmaniho na ako palayo nilagay ko sa bulsa ko ang papel. napag-isipan ko na maghanap ng restaurant na kakainan.
Pinadara ko ang sasakyan ko sa parking lot ng isang Mall pumasok ako at maghanap ng Restaurant habang naghihintay ng order binasa ko ang nakasulat sa Papel
" Paco Dewit." Sambit ko
Napatingin ako sa pagkain na lumapag sa table ko.
Kumain muna ako habang iniisip kung saan ko ba narinig ang pangalan na yon.
" Puntahan ko kaya si Kenzo?" Sambit ko
Umiling ako napagpasyahan ko na aalamin ko ang tungkol sa taong nakasulat sa papel na bigay ng police
Pagkatapos kumain bumalik ako sa Camper Van ko nasa parking lot parin ako ng Mall
Binuksan ko ang Laptop ko nag search ako ng palangan na Paco Dewit.
" Business man. Nasangkot sa iba't ibang illegal na negosyo ang pangalan ng nasabing Business man Ilang beses narin nabilinggo Pero paulit-ulit din napapawalang sala. At sinasabi na paninira lang ang lahat. Gawa ng kalaban na kompanya. "
Pagkatapos ko magbasa ng information tungkol sa pagkatao ni Dewit nagsend ako ng Email kay Teddy napagpasyahan ko din na bumalik sa resort kung saan balak ko pumunta sa Isla na bigay Saakin ni Daddy
May email din ako na natanggap galing kay Kyle
" Nasaan ka? Mag-usap tayo. Alam ko may pagkakamali ako pero buhay ng Kapatid ko ang nakasalalay dito. "
Basa ko sa email ni Kyle sinagot ko ang email niya.
" Huwag mona ngayon Kyle. Hindi Pamilya ang pagtingin mo saakin Hindi Asawa ang trato mo saakin. inakala ko na okay na tayo dahil legal na tayong mag-asawa. Sa panahon nakasama kita. Pinaramdam mo saakin na mahalaga ako sayo. Inalagaan mo ako Hindi ka nagkulang. Kaya ang biglang pag-alis mo na walang paalam at ang pagtataboy mo saakin na parang ibang tao ako. Sobrang sakit ang naidulot non saakin. Okay lang ako don't worry ibabalik ko sayo ng buhay ang Pinakamamahal mong Kapatid. Marahil hindi pa ito ang panahon para saatin dalawa. Huwag muna alalahanin ang Kapatid mo. Pangako ibabalik ko siya sayo ng buhay."
Pagkatapos ko esend ang email ko nag logout ako.
Nagmaniho ako pabalik sa resort sa pagkakataon nato. Pilit ko itinuon ang pansin ko sa paghahanap sa Kapatid ni Kyle
Pagdating sa bahay agad ako naghanda ng mga gamit ko sa pag-alis. Si Beck naman nagluto ng pagkain na nababaunin ko.
" Sasamahan kita." Wika ni Beck
" No Need! That's my Secret place I want To relax." Tugon ko
Pagkalipas ng ilang sandali nasa gitna na ako ng Laot ako ang nagmamaniho ng Yacht. Nakakatakot ang katahimikan. Kahit na gabi na nagpatuloy ako sa papunta sa isla plano ko pag-aralan muna ang kalaban bago ako kumilos.
Pagdating sa Isla agad ko inayos ang Yacht. Agad ako pumasok sa bahay na napangiti ako dalawang palapag ang bahay dito. Nagawa ko pang ikutin ang kabuohan ng bahay may Gym may stock din sa Ref at mukhang Bagong lagay lang.
Natulog muna ako gabi na ng nagising ako kaya nagluto ako ng haponan
Umabot ng dalawang linggo ang pahihintay ko sa email ni Teddy. P
Ka-video call ko lagi si Mommy at Daddy
" Two Months nalang First birthday na ng kambal. Pangako Uuwi kami bago sumapit ang birthday party ng Kambal. Sa Resort nalang gaganapin maganda ang lugar pwede magpalipas ng gabi sa tabing dagat. Mga kamag-anakan lang naman ang dadalo." nakangiti na wika ni Mommy
Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ang Email ni Kyle nakablock kasi siya sa phone ko kaya email lang niya ako nakukuntak
Umiling ako binasa ko ang email ni Teddy.
" Paco Dewit 55 years old. " Basa ako sa Impormasyon na senend ni Teddy
Pagkatapos ko malaman ang lahat ng address ng secret hideout ni Paco nagmamadali ako sa pagbihis
Lumipas ang mahabang oras sakay ako ng Camper Van ko Bumyahe ako. Papunta sa pinaka malapit na hideout ni Paco.
Pagdating sa lugar naghanap ako ng Hotel doon ko pinadara ang sasakyan ko nagbook lang ako ng MC taxi papunta sa squatter area.
Akmang papasok na ako sa maliit na Iskinita may humila saakin. Mabilis ko binunot ang knife sa hita ko agad ko sinunggaban ang humila saakin agad naman nahawakan ang braso ko. Nagulat ako napagtanto ko kung sino ang humila saakin
" L-Love! Ikaw nga. " Hindi makapaniwala na bulalas niya sabay Yakap saakin ng mahigpit
" I Know I Made mistake. Sorry Sobrang nag-aalala ako sa Kapatid ko. Nag-iisang Kapatid ko lang si Kaitlyn. She's My Baby sister. Sorry talaga nakalimutan ko na may pamilya na pala ako. Huwag mo ako iiwan pakiusap! Para na akong nababaliw hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Kaya pinili ko hanapin ang kinaroroonan ng Kapatid ko. " Pagsusumamo na Paliwanag ni Kyle
" Naintindihan kita. Kaya nga sinundan kita. Mahal ko din ang Kapatid ko kaya nga nandito ako para tulongan ka hanapin ang Kapatid mo. Mahahanap natin sya." Mahinahon na wika ko
" Oh Thanks God! Akala ko wala na akong babalikan." Naluluha na wika niya Ramdam ko ang takot sakanya takot na mawala kami mag-iina ng tuloyan.
" Mamaya na tayo mag-usap. Ano ang nalaman mo sa lugar nato?" Tanong ko
" Hindi ko mapasok ilang linggo ko nang pinag-aaralan ang lugar. Ito lang ang alam kong kuta ni Mr Dewit. Pero kahit anong gawin ko wala sa loob ang Kapatid ko. " Paliwanag ni Kyle
" Dito ka lang huwag kang susunod saakin. Papasukin ko ang lugar. " Wika ko
" Pero bak---
" Ssssh. Magtiwala ka saakin hindi naman ako makikipag laban sakanila. Mabuti pa tumawag ka sa pinaka malapit na police station total police ka naman. Para mabawasan ang kuta nila. Ubusin natin ang lahat ng Hideout ni Paco. Sige na tumawag kana." Mariing Tugon ko
Tumalikod na ako naglakad papasok sa Iskinita. Kakaibang saya ang nararamdaman ko. Nagkaayos kami ni Kyle. Para din akong nababaliw ng sinabi niyang Umuwi na ako at uuwi nalang siya pagkatapos ng problema ng kanyang pamilya.
Sobrang sakit non para saakin naisip ko Hindi pala niya kami pamilya.
" Tama lang na kahit na napagsalitaan niya ako ng hindi maganda pinili ko parin unawain siya. Nagpalipas lang ako ng sama ng Loob.
" I think i falling in love with him." Sambit ko