Cleo
*
*
Ssssh." Bulong ni Kyle
Nakahiga kami sa kama nag-uusap si Aunt Violet at Mommy Tig-isa sila karga sa kambal Habang pinapadede sa peddling bottle
" Ang tagal kitang Pinagselosan. Madalas kasi palihim kayo nagkikita ni Brandon kaya inakala ko mahal mo pa ang Asawa ko ." Mahinahon na wika ni Aunt Violet
" First love ko ang Asawa mo, At Mananatili siya sa puso ko, Sa tuwing nagkikita kami dahil yon sa nanbabae ang Asawa mo. Pinapatay ko ang bawat babae na nagiging babae ng Asawa mo. Wala kang kaalam-alam sa mga kalokohan ng Asawa mo. Ang tatlong Shoun Womanizer ang mga yan. Pati si Ben at Brayden kahit ngayon kumukuha parin sila ng babae palihim nga lang. Marami kang hindi alam sa mga yan. Nakasama ko sila simula ng magkaisip ako kaya kilala ko ang bawat kalokohan nila. Lahat ng babaeng lumalapit sakanilang tatlo tinatakot ko pag padala ng kalaban pinapatay ko. " Mahabang paliwanag ni Mommy
" Nakakatakot pala ang mommy mo. Isa siyang angel na galing sa Impyerno." Bulong ni Kyle
" Tahimik nakikinig ako. " Saway ko
" Kilan nangyari ang sinasabi ni Brayden?" Tanong ni Aunt Violet
" 20 years Ago nasa ibang bansa ka may dinalohan kang party ng kaibigan mo. Iniwan mo si Brandon na mataas ang lagnat. Kaya hindi siya nakalaban sa mga naiwan mong kalaban na gustong pumatay sayo. Sana Ngayon matanda na kayo Pagtuunan mo ng pansin ang Asawa mo. Alalahanin mo Kayong dalawa lang mag magkasama hanggang sa huling sandali ng buhay nyo. Ang mga anak nyo mag-aasawa din nila bubuo ng sariling pamilya. Kayong dalawa lang ang maiiwan magkasama. " Pangaral ni Mommy kay Aunt Violet
" Salamat. Akala ko Ikaw ang Karibal ko Ikaw pala ang dahilan kung bakit nanatili saakin si Brandon. Napag-alaman ko na matagal nang sumuko si Brandon saakin pero nand'yan ka para ipalala sakanya kung gaano niya ako kahamal. Salamat Zoey." Naiiyak na wika ni Aunt Violet
" Tapos na kayo magdrama baka pwede ko na makuha ang mga anak ko." Tanong ni Kyle
Nagkunwari ako na natutolog nahawa na sa pagiging siraulo si Kyle. Nagdradrama pa nga ang dalawa sumabat na
" Naku itong bata na to nakakainis na. Oh sya lalabas na kami." Inis na wika ni Mommy Dahan-dahan nila inilapag sa Crib ang kambal
Napangiti si Kyle nilock ang pinto lumapit sa Crib inayos ang pagkakahiga sa kambal nakangiti siya habang Pinagmamasdan ang mga anak
" Kamukha ko siya Love. " Nakangiti na wika ni Kyle
" Yup! Kamukha mo sila at magkamukha ang kambal. Mahihirapan ang ibang tao kilalanin kung sino Nate at sino si Nico." Nakangiti na wika ko
" Pag malakas kana Love Travel tayo malapit na ma approved ang Resignation ko. " Nakangiti na wika ni Kyle
" Yup! Travel tayo Abroad pupuntahan natin ang mga magagandang Lugar kasama ang kambal. " nakangiti na Tugon ko
" So Cute! Mini me." Nakangiti na wika ni Kyle
Tumayo si Kyle lumapit saakin dinampian niya ako ng halik sa labi
" Kalimutan mo ang nakaraan, Kami na ang buhay mo kami ang pamilya mo. Tanggap kita kahit na saang Angkan kapa nagmula. Sa maikling panahon na nakilala ko ang mga pamilya mo tinanggap nila ako ng buong-buo kahit na mahirap ako. Kaya dapat lang na tanggapin din kita ng buong-buo." Nakangiti na wika ni Kyle
Nakangiti na tumango ako nakahiga padin ako sa kama ayaw nila ako pakilosin.
" Naiihi ako." Wika ko
Kinuha ni Kyle ang nakasabit na dextrose inalalayan ako papunta sa banyo. Masasabi ko na tama lang na pinaalam ko kay Kyle ang pagbubuntis ko. Hindi niya ako pinabayaan alagang-alaga niya ako.
Lumipas ang mga araw at buwan
Hindi ako nakaranas ng Postpartum depression. Dahil natin sa pag-aalaga ni Kyle at ng magulang ko. Hindi nila ako pinabayaan hanggang sa umabot ng anim na buwan ang baby ko.
" Are you sure kaya nyo na alagaan ang Kambal?" Tanong ni Mommy
" Don't Worry Mommy Hindi ko po pababayaan ang Anak at Mga Apo nyo." nakangiti na wika ni Kyle
Kumaway kami sa mga magulang ko nagmaniho si Daddy palayo.
Tig-isa kami ng karga ni Kyle saakin si Nico kay Kyle naman si Nate.
" Kayang kaya natin!" Tanong ko
" Bakit naman kasi ang laki ng bahay mo?" Tanong ni Kyle
Akmang sasagot ako pero sunod-sunod ang tunog ng cellphone ni Kyle
" What? Sige-sige papunta na ako." Wika ni Kyle sa kausap sa phone
Naglakad si Kyle pabalik sa loob ng bahay nakasunod lang ako inilapag niya si Nate sa crib. Nagbihis ng jeans at Polo shirts seryoso ang mukha niya naghintay ako na magsalita siya pero wala lang siya imik
" Saan ka pupunta? Okay ka lang ba? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ko
Pinagmamasdan ko si Kyle naglakad palabas ng Kwarto. Wala akong sagot na nakuha
Napatingin ako kay Nate na umiiyak kaya tumayo ako. Kahit na hirap na hirap binuhat ko si Nate buhat ko ang kambal sa magkabilang braso ko. Ang bigat nila nangalay agad braso ko.
" Maaaaa.." Sabay na tawag ng kambal
Napanganga ako hindi ako makapaniwala na tinawag akong mama ng Anak ko. Kadalasan kasi puro Dada lang at ungol ang lumalabas sa bibig nila pero ngayon Tinawag nila akong ma
" Ma Maaaaaa " Ulit ng kambal hindi ko namalayan umaagos na ang luha ko pinaghahalikan ako ng kambal
Dahan-dahan ako naupo sa sahig inilapag ko ang kambal agad na gumapang ang kambal. Pinunasan ko ang pisngi ko na basa ng luha.
Nakangiti na pinanood ko ang kambal na nagtatanawan para bang nagkakaintindihan sila. Pagsapit ng 10 AM pinatulog ko sila nilapag ko sa Crib Nagmamadali ako sa pagkilos nagluto ako ng Pagkain ko habang nakasalang ang labahan sa washing machine.
Pagkatapos ko kumain naligo na ako Iniwan ko ang nilabhan ko na banlawan pa. Nakabihis na ako naglinis ako ng Kwarto at mga fedding bottle ng kambal pagkatapos ko e sterilizer ang bote saka naman umiyak si Nate agad ko kinuha pinadede ko.
Pagkatapos dumide saka naman nagising si Nico Agad ko inilapag si Nate sa sahig binigyan ko ang laruan binuksan ko ang TV nanood si Nate ng cartoon's si Nico naman ang pinadede ko.
Kinagabihan Habang natutulog ang kambal binanlawan ko ang mga damit na nasa loob pa ng washing machine. Pagkatapos ko isalang sa dryer Agad ko sinalang ulit sa isa pang Dryer para itutupi ko nalang
11pm na ako natapos magtupi ng mga nilabhan ko naglinis naman ako ng bahay sa laki ng bahay 1AM na ako natapos pagod na pagod na ako.
Nakatulog ako katabi ang kambal nagising na naman ako ng 3AM naglalaro na ang kambal.
Sa sobrang alaba ko nakalimutan ko si Kyle Na Hindi pala umuwi at hindi rin tumawag
Nakatulog ang kambal ng 7 AM kaya sinabayan ko ng tulog. Nagising kami ng 11 AM agad ko pinadede at pinaliguan ang kambal pinaglaro ko sila Sa loob ng Crib habang naglalaro sila nanonood sila ng Cartoon's sinamantala ko na naglalaro ang kambal Nagluto lang ako ng Noodles kumain ng tinapay habang nagsasaing ng kanin.
Hindi pa ako nakakapag luto ng Ulam bumalik na ako sa kwarto ng Kambal naglalaro parin sila binigyan ko sila ng Dede humiga sila at dumide nanonood parin sila ng Cartoon's hanggang sa makatulog sila.
Simantala ko na tulog sila nagprito ako ng isda at kumain ako habang kumakain ako saka ko naalala si Kyle kaya nagmamadali ako sa pagkain.
Pagkatapos ko maligo tinawagan ko si Kyle agad naman niya sinagot
" Not Now Cleo I'm Busy. " Tugon niya sabay patay ng tawag
Parang may tumarak sa dibdib ko hindi siya nagpaalam na umalis Hindi rin umuwi. Gustong-gusto ko tawagan ang mga kaibigan ko para patulong sa pag-aalaga ng kambal kaso si Teddy abala sa pagtugis sa mga kalaban ko. Si Cosmo at Beck ganon din. Si Shine Nasa Honeymoon pa nakakahiya kung tatawagan ko.
Wala akong nagawa kundi ang matigaya sa pag-aalaga sa kambal nagpapadeliver nalang ako ng mga kailangan namin. Hindi na ako tumawag kay Kyle sa loob ng isang buwan walang tawag galing kay Kyle. Hindi rin siya umuwi kaya wala akong alam kung saan siya pumupunta. sa Loob ng isang buwan ang Timbang ko na 60kilos umabot ng 50 kilos nalang ganon kabilis ang pamamayat ko.
Kaya naman sa gabi nagluluto na ako ng pagkain ko. Tapos naglalaba na ako ng gabi at naglilinis na ng bahay. Saka lang ako natutulog sa Umaga pagtulog ang kambal. Hanggang sa dumating ang Tatlong buwan walang Kyle na bumalik hindi ko na siya makontak
Tinawagan ko si Mommy sinabi ko ang nangyari agad lumipas lang ang Isang araw dumating si mommy at Daddy.
" Mag-usap kayo ng Daddy mo. Huwag mo alalahanin ang mga anak mo Malakas pa ako kaya ko alagaan ang mga Apo ko. " Seryoso na wika ni Mommy naglakad siya papunta sa kwarto ng mga bata
Nakaupo kami ni Daddy sa private office ko.
" Hindi maganda ang kutob ko Cleo. Sa maikling panahon na nakasama ko si Kyle nakilala ko na siya. Hindi siya aalis ng walang mabigat na dahilan. Kaysa layasan mo siya bakit hindi mo nalang tulongan ang Asawa mo sa problema niya. Kami na ang bahala sa kambal Makakakilos ka ng walang inaalala, Kailangan magtulongan kayo sa hirap at ginhawa. Mabuting tao si Kyle nakikita ko kung gaano ka niya kahamahal. Anak huwag mo sukuan ang Asawa mo." Mahinahon na pangaral ni Daddy
Niyakap ko si Daddy nagpasalamat ako dahil nandiyan lagi ang mga magulang ko sa tuwing kailangan ko ng tulong.
" Don't worry nakakabili naman ng breastmilk. Unang Apo namin ang kambal kaya hindi namin sila pababayaan. Lagi mong tandaan susubukin ng Tadhana ang tibay ng pagmamahalan nyo Kaya Huwag kang susuko. Huwag ka din maghahabol. " Mahinahon na wika ni Daddy
" Tatandaan ko po ang lahat ng sinasabi nyo. Mag-iipon muna ako ng breastmilk bago ako aalis, Bigla kasi umalis si Kyle hindi na bumalik hindi sumasagot sa tawag ko. Nag-aalala na ako Dad." Tugon ko
" Kung nakontak mo pa siya ibig sabihin buhay pa siya kaya may pag-asa kapa. " Nakangiti na wika ni Daddy
Tulad ng Napag-usapan namin nag-ipon ako ng breastmilk ko.
Wala akong sinayang na oras hinanda ko ang Mga gamit ko Camper van ang ginamit ko. Kahit saan ako makarating komportable ako makakatulog ako ng maayos
" Sabi mo hinding-hindi mo ako iiwan. Nangako ka saakin kailangan mo tuparin yon. Aalamin ko kung ano ang problema mo bakit mo kami iniwan ng mga anak mo. Sino ang tumawag bakit bigla mo kami iniwan. Nahirapan ako mag-alaga sa kambal may mga araw na wala akong pahinga. Kailangan ka ng kambal Hindi ako papayag na Iwanan mo kami. Ngayon pa na unti-unti na akong papamahal sayo. Hindi na ako papayag na mabigo sa pangalawang pagkakataon. " kausap ko sa sarili ko habang nagmamaniho
" Teddy puntahan mo ako. Send ko sayo ang Address maghihintay ako. Kailangan kita may problema ako." Bungad na utos ko kay Teddy
" Sige papunta sana ako sa bahay mo kaso tumawag ka Sige pupuntahan kita ngayon din. " Tugon ni Teddy sa kabilang linya
Sinunod ko tawagan si Beck
" May property ako na binabantayan. maganda ang lugar pwede patayuan ng bahay saka natin ibinta. Malaking pera ang kailangan pero malaking pera naman kikitain natin. " Masaya na Bungad ni Beck
" Sa resort ka umuwi walang tao don. Out of town kami ang kambal dala ni mommy. Sabihin mo nalang kung saang lugar para mabisita ko bago mo bilhin. Walang problema sa pera basta 20% ng kikitain sayo mapupunta. Sige na nagmamaniho ako." Mahabang tugon ko
" Engat boss. " Tugon ni Beck
" Alam ko hindi mo ako Iiwan lalo pa may mga anak tayo. May problema ka lang kaya natiis mo kami ng mga anak mo." Sambit ko