Chapter 20 Twin Baby Boy

1999 Words
Cleo * * " Nakikiramdam ako panay na ang hilab ng Tiyan ko. Napapangiwi narin ako. Nandito kami sa Private resort na pag-aari ko Ito na ang bahay ko. Nagustohan din ni Kyle ang lugar nag-eenjoy sya dito malapit sa dagat at may mga bahay kubo sa tabing dagat. Nandito narin sina Mommy at Daddy madalas magpapalaot si Daddy at Kyle nagustohan din ng mga magulang ko si Kyle. Pinaperma kami ni Daddy ng marriage contract. Kaya wala na akong nagawa Mag-asawa na kami ni Kyle " Love okay ka lang ba?" Tanong ni Kyle " Manganganak na ata ako." Tugon ko " Mommy! Daddy manganganak na si Cleo."Sigaw ni Kyle Tumakbo palabas si Daddy hinanda ang Sasakyan tumayo ako nagmamadali si Mommy sa pagkuha ng Susi ng sasakyan " Huwag mo Asahan ang dalawang yan. Sigurado iiwan tayo ng mga gagong yan, Aba ng manganganak ako sainyo iniwan ako ng daddy mo sa tabing kalsada. Nagtaxi ako papunta sa hospital." Naiiling na kwento ni Mommy Natawa ako nagkwento na saakin ni Mommy ang kaganapan na yon. Pero hanggang ngayon naiinis parin si Mommy sa tuwing naaalala niya ang pangyayari na yon Napalingon ako kay Kyle nadulas siya sa hagdan dahilan para gumulong siya napalingon ako sa pinto tumatakbo si Daddy inalalayan si Kyle " Daddy! Si Cleo manganganak na." Wika ni Kyle inalalayan ako ni Mommy palabas ng Bahay " Kaya mo paba?" Tanong ni Mommy " Sakit! Wooh." Tugon ko Sobrang sakit sa tuwing humihilab ang Tiyan ko. " Tiisin mo naku pumutok na panubigan mo. Tara sa loob ako nalang magpapaanak sayo. May gamit naman diyan." Nababahala na wika ni Mommy " Boss Mapanganganak kana? " tanong ni Teddy " Bubuhatin na kita." Wika ni Cosmo sabay buhat saakin " Putanginang mo! Ibaba mo ang Asawa ko pasasabugin ko yang putanginang Ulo mo ." Galit na sigaw ni Kyle " Tanginang yan. Manganganak kana lahat nagseselos pa ang gago. Baliw ba yang Asawa mo?" Inis na tanong ni Cosmo Bumunot ng baril si Kyle napipilitan na binaba ako ni Cosmo. " Naku nakapangasawa ka ng possessive. Sobra-sobra naman kaseloso Asawa mo Cleo." Napapailing na wika ni Mommy Binuhat ako ni Kyle Sinamaan ng tingin si Cosmo " She's fvckin mine! Kaya pala nawawala Asawa ko balak mo nakawin." Galit na Wika ni Kyle " Wooh Lalabas na ang bata tangna Kyle ipasok mo ako sa loob. " Galit na utos ko " Sorry Love. Tara tutulongan kita umiri." Nataranta na tugon ni Kyle tumakbo siya papasok buhat buhat ako Pagdating sa loob ng Kwarto ibinaba ako sa Operating table May Kwarto kasi dito na kompleto gamit madalas kasi sugatan na umuuwi si Teddy kaya madalas dito ko siya ginagamot kaya napagpasyahan ko bumili ng medical equipment, Hospital ko nalang kinukuha ng dextrose at iba pang mga gamot. " Hello shine pumunta ka dito sa resort's Magdala kayo n-- Hindi ko na narinig ang ibang inuutos ni Mommy kay Shine sa phone pinasok na ako ni Kyle " Ipahiga mo diyan. Suriin ko muna blood pressure nya." Utos ni Daddy kay Kyle " Tika lang Dad Doctor ka rin ba?" Tanong ni Kyle kay Daddy habang dahan-dahan ako inhihiga sa operating table " Doctor kami mag-asawa at Nurse naman ang kakambal ni Cleo. Doctor pala kaming magkakapatid. " paliwanag ni Daddy " Astig." Tugon naman ni Kyle Tanginang yan. Lalabas na lang baby ko Nagkwentohan pa ang dalawa. Kinuha ni Daddy ang blood pressure ko sinulat sa papel. Pumasok si mommy nakasuot na siya ng puting kasuotan na uniform ng doctor lumapit si Daddy kay mommy sinuotan ng Gloves. Nilock ni Kyle ang pinto baka daw masilipan ako " Daddy huwag kang sisilip. Kahit ikaw ang Daddy ni Cleo ihahagis kita palabas ng bintana." Pagbabanta ni Kyle " Hahaha pambihira ka Kyle. Oh Sige na malala kana. " Natatawa na wika ni Daddy habang nilalagyan ako ng dextrose Hinawakan ni Kyle ang kaliwang kamay ko Naghanda si Daddy ng mga gamit ni Baby " Sige Iri anak nakikita ko na ang Ulo." Mahinahon na utos ni Mommy Hindi pa ako nakakairi lumabas na ang bata. Hindi ko napansin ang sakit ng paglabas ng baby ko o kung ano ang sakit na nararamdaman ko napatingin ako kay Kyle bigla niya sinuntok si Daddy sa pagsilip sa ibaba ko " Talagang sinusubukan mo ako. Ako ang Ama ng Asawa mo." Galit na bulyaw ni Daddy " Wala akong pakialam kung ikaw ang Ama. Sinabi ko sayo huwag mo sisilipan Asawa ko. Makikita mo naman anak namin. Huwag kang bastos Daddy." Galit na tugon ni Kyle " Lalaki, " Wika ni Mommy Umiri ako agad binigay ni Mommy ang baby ko kay Daddy namula na naman ang mukha ni Kyle ng ibitin ng patiwarik ang baby pinalo sa pwet ubod ng labas ni Kyle pinalo sa pwet si Daddy mabilis niya kinuha ang bata na malakas sa pag-iyak " Talagang! Naku may saltik talaga ang Gagong to. Mas malala pa to sa mga anak ko. Nagagawa ako saktan ng Pasaway na to." Galit na bulalas ni Daddy " Ssssh! Hush now! Nandito na si Daddy. Daddy paano tanggalin ang bituka ni Baby? " Baliwala na tanong ni Kyle kay Daddy Sa gulo ni Daddy at Kyle hindi ko naramdaman ang sakit ng Tiyan ko Hindi ako nahirapan ilabas ang kambal. " Akin na ang Apo ko paliguan ko pa yan. Marami pa akong gagawin sa Anak mo. Kaya Umayos ka Kyle pag ako naasar sayo ipapakasal ko si Cleo sa Kaibigan mo." Galit na banta ni Daddy kay Kyle " Daddy naman! Halika tulongan kita magpaligo kay Baby." Parang bata na tugon ni Kyle " May saltik talaga ang gago to." Naiinis na wika ni Daddy " AAAAAAAAHhh." Malakas na Iri ko kasabay ng pag-iri ko ang paglabas ni baby ko. Nakarinig ako ng pagduwal ni Kyle napatingin ako sa Asawa ko nakasilip siya sa ibaba ko nanlalaki ang mga mata namulta siya " Twin baby boy." Masaya wika ni Mommy Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nawalan na ako ng malay Nagising ako sa iyak ng kambal hindi pa ako nakakadikat ng mata may dumampi na sa labi ko " Love! Nagluto ako ng tinulang manok. Kumain ka muna alam ko napagod ka at walang lakas. Don't worry alagaan kita." Malambing na wika ni Kyle Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko masayang mukha ni Kyle ang bumungad saakin napalingon ako sa nagkakagulo Namula ang mukha ko sa galit Nagsisiksikan kasi ang mga kamag-anakan ko sa kwarto pinagkagulohan nila ang kambal " Magsasagawa tayo ng malaking party para sa kambal. May Panibagong kambal sa pamilya natin. " Masaya na wika ni Uncle Ben " Lahat ba sila kamag-anak mo?" Tanong ni Kyle " Ang Apat sa sulok na nag-uusap anak sila ni Uncle Brandon ang tomboy na yon ang Nanay nila. " Wika ko isa-isa ko pinakilala ang mga kamag-anakan ko " Kain ka ng marami para bumalik ang lakas mo. Mukhang hindi pa natin masusulo ang kambal. " Mahinahon na wika ni Kyle Matiyaga niya ako sinubuan " Pasensyahan mo na sila, Talagang ganyan sila kagulo. At isa pa normal lang saamin ang magbugbugan. Huwag mo nalang sila Pansinin kung magpa-ulan sila ng bala sa isat-isa. Umilag ka nalang. " Napapailing na wika ko " Oo nha eh, Isa-isa ba naman nila ako hinamon kanina. Mabuti nalang nakaya ko sila labanan Sabi mano-mano lang pero si Daddy pinaulanan niya ako ng bala kaya pala inaya nila ako papunta sa gitna ng kakahuyan." Parang bata na sumbong ni Kyle Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sumbong ni Kyle " Kayong lahat! Tumahimik kayo! Ikaw Daddy gusto mo bang patayin ang Asawa ko? Bakit mo pinaulanan ng bala si Kyle? At Kayong lahat bakit nakipaglaban kayo kay Kyle? Tangna ang dami nyo? Vaughn, Skyler, storm , Brittany. Ikaw din Kenzo, Alazne, Stone. Kayong Cuizon Lumayas kayo. Tahimik ang buhay ko Hindi ako Nakikialam sainyo. Sa Oras na saktan nyo ang Asawa ko. Humanda kayo ako ang papatay sainyo. Ang katigasan ng ulo nyo huwag nyo pairalin saakin puputulan ko kayo ng sungay. Hindi lahat ng makikilala nyo hahamonin nyo ng p*****n. Maghintay kayo na lumakas ako, Ibibigay ko sainyo ang gusto nyo. " Galit na wika ko Nakayuko silang lahat napakamot sila sa ulo " Ate sorry na! Katuwaan lang." Magkakasabay na tugon nila " Hindi kayo welcome dito. Tahimik ang buhay ko. Kaya nga ako lumayo sainyo simula ng highschool ako. Dahil ayaw ko ng gulo, Kayong lahat ang dami nyong kaaway nadadamay ako. Tahimik na nga buhay ko lumapit pa kayo saakin." Puno ng galit na wika ko " Love! Tama na yan. Nakalimutan mo ata na police ako kayang-kaya ko sila labanan." Pagpapakalma saakin ni Kyle Nanlalaki ang mga mata ng mga pinsan ko " Tika nga iho police kamo?" tanong ni Uncle Ben natigilan siya sa pag-abot ng box kay Kyle " Yeah! SPO3 Kyle Taraki. " Nakangisi na Sabat ni Daddy " Oy may gagawin pa pala ako." halos magkakasabay na tugon ng mga pinsan ko " Hahaha! Mga anak ko takot sa police." Natatawa na wika ni Auntie Violet " Ito iho regalo ko sayo welcome to our family. " Nakangiti na wika ni Uncle Ben " Salamat po." Magalang na Tugon ni Kyle " I'm Uncle Brandon, Welcome to our family. Don't Worry sa lahat ng Shoun Si Cleo ang pinaka mabait sakanila. Mature mag-isip at sanay sa hirap. Kaya huwag mo alalahanin ang layo ng istodo nyo sa buhay. Ang mahalaga mahal mo ang pamangkin ko." Nakangiti na wika ni Uncle Brandon hinaplos pa nito ang Ulo ko habang ibaabot kay Kyle ang black box " Mas kilala mo pa anak ng Kapatid mo kaysa mga anak mo." Sabat ni Aunt Violet ngumisi si Mommy " Aminin man sa hindi si Mommy ang first love ni Uncle Brandon. Hindi lang niya maamin. First love nila ang isat-isa Kaya nga may pakialam parin sila sa isat-isa.. Tulad namin ni Gideon Mananatiling maganda ang samahan namin. Mananatili kaming magkaibigan pero hanggang doon lang yon. Kaya grabe ang selos ni aunt violet kay Mommy " Madalas ako dumalaw kay Cleo ng nanirahan siya sa probinsya kasama ang tatlong binata. Nag-aalala ako babae siya at anak siya ng Kapatid ko. " Paliwanag ni Uncle Brandon Tumahimik si Aunt Violet lumabas siya ng Silid " Wala akong ginagawa matagal na kaming wala. Last na pagkikita namin n--- " Nang Natamaan ng bala si Brandon malapit sa puso sa ibang Bansa si Violet. Agaw buhay siya mabuti nalang tinawagan niya si Zoey. Kung hindi baka namatay na si Bunso. Alam ko ang bawat galaw ng Asawa ko at never niya ako niloko. Lahat kayo tinawagan ni Brandon si Zoey lang ang sumagot. Nasa ibang bansa ako ng panahon na yon. Kaya laking pasasalamat ko kay Zoey." Seryoso na wika ni Daddy " Tika anong Meron. kwentohan mo naman ako. May relasyon ba dati ang tito mo at Mommy mo?" Pabulong na tanong ni Kyle " Dating mag-asawa ang dalawa. First love ang bawat isa." Tipid na tugon ko Nanlaki ang mga mata ni Kyle " Naku habang buhay na selosan yan. Kahit na wala kayong ginagawa hindi mawawala sa isipan ng Asawa nyo na dating kayong may relasyon. Ako nga pangalan pa lang ng ex ni Cleo Gusto ko na pumatay. Kahit na ako ang nakakuha ng Virginity ni Cleo insecure parin ako sa Ex Niya." Naiiling na Paliwanag ni Kyle Binatukan siya ni Daddy " Arayyy! " Daing ni Kyle " Ginatungan mo pa. Mahal ako ng Asawa ko gago. Ang nakaraan Mananatiling magandang alaala. Ang mahalaga ako ang kasama niya hanggang ngayon at hindi ako niloko. Ikaw sakit ka sa ulo ko. Mas malala pa Saltik mo kaysa mga anak ko. " Paninirmon ni Daddy kay Kyle Nagtawanan sa loob ng Kwarto " Naku malala to! Isip bata ang Biyanan ko." wika ni Kyle Dahilan para batukan na naman siya ni Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD