Cleo
*
*
" Nakatulala ako habang paulit-ulit na lumulunok ng sariling laway.
" Cleo! May problema kaba?" Tanong ni Kyle
Hating gabi na pero natatakam ako sa himog na bayabas. Tumutulo pa ang laway ko habang iniisip ang bayabas
" Gusto ko kumakain ng bayabas." Tugon ko
" Gabi na wala nang nagtitinda ngayon bukas nalang ng Umaga." Inaantok na tugon ni Kyle muli siyang nahiga
Namula ang mukha ko sa galit dinampot ko ang lampshade hinagis ko sapol sa Ulo si Kyle
" Sabing gusto ko ng hinog na bayabas Gusto ko nakawin mo ang bayabas sa baryo ang malapit sa basketball court. " Galit Utos ko
Nabalikwas ng bangon si Kyle natamaan siya sa Ulo ng lampshade bahagyang dumugo ang Noo niya
" What the Heck? Police ako tapos pagnanakawin mo ako? Nasisiraan kanaba ng Ulo? " Galit na bulyaw ni Kyle
" Matulog kana magpapangin lang ako sa labas. " Mahinahon na wika ko dinampot ko ang cellphone at susi ng raptor pati ang handbag ko na lagi kong dala.
" Saan ka pupunta?" Tarantang Tanong ni Kyle
" Lalayasan kita. Putangina wala kang silbi pagnakaw nalang ng bayabas hindi mo pa magawa. " pagalit na tugon ko
" Oh Fvck! Nakalimutan ko naglilihi pala siya. pambihira police ako tapos gusto niya magnakaw ako?" Napapakamot sa batok na bulalas ni Kyle
Palabas na ako ng Kwarto ng pigilan niya ako binuhat ako at pinahiga sa kama
" Hey! Sorry na Gagawin ko na. Sandali lang matulog ka nalang muna gigisingin kita Pagdating ko." Pagpapakalma ni Kyle
" Nakawin mo Kyle, Huwag kang uuwi dito hanggat hindi mo ninanakaw ang bayabas isang peraso lang Gusto ko. Yon Hinog ang kulay yellow green. " Masungit na utos ko
" Oo na! Nanakawin ko na, Aalis na ako huwag ka Aalis. Buntis ka baka mapano ka sa labas. At isa pa huwag mo ako lalayasan mahihirapan ako hanapin ka lalo pa na wala akong alam sa pagkatao mo. " Mahinahon na pakiusap niya
Tumango lang ako mabilis niya dinampian ng halik ang labi ko. Naglakad palabas ng Kwarto Ilan sandali lang narinig ko ang papalayo na motor
Isang linggo na ako dito Masasabi ko na sa mahigit isang buwan na pagsasama namin ni Kyle mabait at maalagaan si Kyle. Malambing siya Paggising niya naglilinis na ng bahay at nagluluto ng almusal bago Papasok sa Trabaho.
Hindi naman ganon kadali Kalimutan si Gideon. Pero wala akong sama ng loob kay Gideon maayos ang paghihiwalay namin.
" Tangna paano ba turuan ang puso na mahalin ang isang tao? Siguro matutunan ko din mahalin si Kyle. Kailangan ko lang pahalagahan ang bawat sandali na kasama ko siya. Pero kung dumating ang araw na siya na ang kusang lumayo saakin Hinding-hindi na ako magpapakita sakanya. Mamumuhay nalang ako na malayo sa lahat hanggang sa tuloyan ko nang makalimutan ang lahat ng tungkol kay Kyle at Gideon. "
Kinabukasan na ako nagising nakasimangot si Kyle. Habang masamang nakatitig saakin
" Bakit?" Nagtataka na tanong ko
" Kainin mo na ang bayabas mo." Pagalit na Utos nito
" Itapon mo." Baliwala na tugon ko
Namumula sa galit si Kyle pero Nagpipigil lang siya. Pinagpatuloy ko ang paglantak sa Nilagang Kamoteng baging. Matamis ang kamote kaya sarap na sarap ako.
" Malapit kana malate. " Wika ko
Tumakbo siya naupo lang ako sa upuan sa labas ng bahay habang nilalantakan ang kamote
Tinatamad na sinagot ko ang tawag ni Teddy
" Boss. Ano ang gagawin natin kay Mr Nervine? Bungad na tanong ni Teddy
" Hindi natin pwede ibinta ang Condominium ko. Gagawin lang nila laboratoryo ng drugs. Patayin mo nalang pasabugin mo ang sasakyan. Total wala naman silbi sa lipunan ang matandang yan. Pinatay ang salitang Asawa at mga anak dahil sa lulong sa druga. Hindi makulong dahil babayaran ang mga kapulisan. Ubusin mo ang tauhan at lahat ng mga business nila legal at illegal. Ang perang makukuha mo edonate mo sa bahay ampunan at sa mga charities na may mga sakit. " Mahabang paliwanag ko
" Good! Sige medyo matagal-tagal na trabaho to. " Tugon ni Teddy
Binaba ko ang phone ko napakunot noo ako nakatayo si Kyle sa tabi ko nakikinig
" Totoong bang may pinapatay ka?" Tanong ni KYLE
" Yup! Wala ka nang pakialam don Kyle. Hindi ako Nakikialam sa personal na buhay mo kaya huwag mo pakialaman ang mga ginagawa ko. " Walang Emosyon tugon ko
" Normal nalang ba sayo ang pumatay?" Tanong ni Kyle nanlulumo ang kanyang mga mata
" Yup! Angkan kami ng mga mamatay tao. Kaya kong sumayaw sa bala ganon magaling makipag laban ang Angkan namin. " Nakangisi na wika ko
" Police ako! Bawat tao may karapat--
" Huwag mo ako pangaralan Kyle. Sige sasabihin ko sayo Ang Lolo ko dating Mafia Boss, Ang Angkan ko nabibilang sa Mafia organization. Marami ang kabilang sa Mafia organization. Pero hindi ako kabilang sa organization na yon. Wala akong kinalaman sakanila. Pinsan ko Mafia boss, Asawa ng Pinsan ko Mafia Boss. Lumaki ako na normal saamin ang pumatay ng tao. Masama akong tao Kyle. Mamahalin mo parin ba ako?" Mahabang paliwanag ko
Wala sa sarili na naglakad si Kyle palapit sa big bike.
Pinagmamasdan ko si Kyle habang papalayo.
" Kailangan mo malaman kung sino ako Kyle bago ka tuloyan mahulog saakin. Ayaw kong masira ang buhay mo. Kailangan ko malaman kung matatanggap mo ang isang katulad ko. " Malungkot na sambit ko
Tumayo ako nagwalis ako sa paligid ng bahay.
Maghapon akong mag-isa sa bahay. Katawagan ko lang si Mommy at Daddy. Sumapit ang gabi hindi umuwi si Kyle naghihintay ako ng isang linggo walang Kyle na dumating.
Sakto isang linggo nagpasya ako na Umalis nalang. Balak ko manatili sa Isla na pamana saakin ni Daddy.
Naglalagay ako ng mga damit ko sa malita nang bumukas ang pinto. Niluwa si Kyle Napatingin siya sa malita na sinasara ko na
" Magsama tayo Alang-alang sa bata. Aayusin ko ang kabilang kwarto, Kalilimutan ko ang nalaman ko. Paglabas ng bata saka natin pagpasyahan ang gagawin natin. Inaalam ko ang katutuhanan sa likod ng pagkatao mo. Hindi pa sapat ang mga nalaman ko kaya Mananatili ka dito hanggang sa makapanganak ka." Walang Emosyon wika ni Kyle
Naglakad siya palapit saakin binuhat niya ang malita. Binalik niya sa cabinet ang laman niyon.
Sa kanyang pagbabalik nag-iba na ang pakikitungo niya saakin. Wala nang Emosyon kasing lamig na siya ng Yelo
" Kumain kana tapos na ako kumain." Walang Emosyon tugon ko
Hindi umimik sa Kyle pinagpatuloy niya ang pagbibihis, Lumabas ako ng bahay nagtimpla ako ng hot chocolate naupo ako sa upuan sa labas ng bahay.
" Akala ko makakaalis na ako. Bakit umuwi agad siya? Papatayin ba niya ako pagkatapos ko manganak o ikukulong niya ako?" Tanong ko saakin sarili
" Matulog kana may pupuntahan lang ako. " Walang Emosyon Utos ni Kyle sumampa sa big bike pinaharorot paalis
Pinagpatuloy ko ang paghigop ng hot chocolate. Bigla ako natakam sa milk tea kaya pumasok ako sa bahay nagbihis ako ng sweatpants at Sweatshirt sakay ng raptor nagmaniho ako. Pagdating sa baryo naghanap ako ng Milk tea pero sarado na. Napapakamot sa Ulo na pinaadara ko ang sasakyan ko sa tabing kalsada.
Nagulat ako ng may kumatok sa salamin ng sasakyan ko. Napamulat ako napatingin ako sa kumatok. Muli ako pumikit Sumandal ako sa Upuan si Kyle na naman.
" Saan kaya ako makakabili ng Milk tea. I want strawberry Milk tea. " Malungkot na sambit ko
Naiinis na nagmulat ako binuhay ko ang makina ng sasakyan lumakas ang katok.
Pinaharorot ko palayo ang sasakyan, Nasipat ko sa side mirror nakasunod saakin si Kyle. Nagmaniho ako palabas ng baryo, Bigla ako napaprino hunarang si Kyle sa harapan. Alam ko galit na siya
Galit din ako na lumabas ng Sasakyan
" Lalayasan mo ako? Ilalayo mo saakin ang anak ko?" Galit na bulyaw ni Kyle
" Bibili lang ako ng strawberry milk tea! Bakit kaba nagagalit? " Galit na tugon ko
" Bakit hindi mo sinabi? " Kalmado na tanong niya
" It's been 3 months mula ng magkakilala tayo. Mukhang kailangan natin maghiwalay. " Kalmado na wika ko
" Umuwi kana, Ibibili kita ng strawberry milk tea. " Mahinahon na utos niya saakin
Tumango nalang ako pumasok ulit ako sa sasakyan Kalmado na nagmaniho ako pabalik. Pagdating sa bahay naupo ako sa sofa habang nagbabasa ng email sa laptop.
May sukat na limang iktarya ang resort. Napakalaki pala Sa labas ng resort may kakahuyan. Isang private resort sa tagong Lugar sa liblib na baryo. May maliliit na bahay kubo sa tabing dagat. May mga puno ng niyog at kakahuyan sa paligid ng resort. Kaunting renovation nalang pwede na tirhan
Napangiti ako may bagong Property ako na pag-aari. Doon ko ilalagay ang car collection ko. At iba pang mamahalin na gamit. Tamang-tama may chopper na regalo si Daddy at may Yacht na bigay si Mommy. Excited na ako lumipat don. May bahay na ako na malayo sa kabahayan. Tahimik at mukhang magiging masaya kung doon ako manganganak.
Narinig ko ang paparating na motor kaya nagmamadali ako sa paghiga sa upuan nagkunwari ako natutulog.
Ilang sandali lang narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto.
" Na naman? Tulog ka naman? " Bulalas ni Kyle
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko
" Bakit? Bakit? Alam ko isa din mamatay tao si Gideon. Ilan beses ko siya nakatagpo sa gitna ng labanan. Pero ikaw mas Malala ka kabilang ka sa Angkan ng Underground organization. Ang organization na binubuo ng iba't ibang bansa kabilang ang mga mayayaman. Sa dinami dami ng babae talagang sa criminal pa ako napunta. Kung minamalas ka nga naman. Ano ang gagawin ko ngayon?"
Pabulong na wika ni Kyle habang hinaplos ang pisngi ko
Bigla ko minulat ang mga mata ko nagulat si Kyle
" Malinis na ang pangalan ni Gideon, Nilinis ko na wala nang bakas ng masama niyang gawain. Tama ka malas ka sa dinami-dami ng babae sa katulad ko pa Ikaw napunta. Don't worry Simula ngayon malaya ka. Hindi kita pipigilan Hindi na ako maghahangad na bumuo ng pamilya kasama ka. Magkaiba tayo Kyle criminal ako police ka. Bukas na bukas babalik na ako sa dati kong buhay. Tatawagan nalang kita ipapaalam ko kung saan ako nakatira. Para naman malaya kang dalawin ako. Isa ka nga palang Police malaking kahihiyan sa Angkan mo ang katulad ko. " Walang Emosyon Tugon ko bigla siya napatayo ng tuwid Hindi makaimik
Dinampot ko ang milk tea inumpisahan kong higupin.
" H-hindi naman kita pinapalayas. " Pautal na wika niya bakas ang lungkot at pagkalito sa kanyang boses
" Aabutin pa ng Limang buwan ang pananatili dito. Hindi pa tapos ang bahay ko." Wika ko
Ang tinutukoy ko ang private resort na pinapa renovate ko. Gagawin kong Bahay wala akong maayos na tirahan kaya ang private resort ang magiging bahay ko at ang Isla ang magiging secret place ko.
" Nagugulohan ako. " Pag-iiba ni Kyle sa usapan
" Sa loob ng limang buwan kilalanin mo ako. Kilalanin mo ang buong pagkatao ko. Kilalanin mo ang babaeng magiging ina ng mga anak mo. Pag Hindi mo tanggap ang buong pagkatao ko Kalimutan mo ako. Don't worry hindi ko ipagkakait ang sayo ang kambal. Malaya kang dalawin ang mga magiging anak natin. " Seryoso na wika ko
" Bigyan mo ako ng isang taon! Para nakilala ka ng lubusan. Pagkalipas ng isang taon sa Oras na hindi ko parin matanggap ang katutuhanan na criminal ka. Kusa akong aalis sa bahay na to. Wala kang maririnig na masamang Salita." Seryoso na tugon ni Kyle
" Hey kambal mukhang si Mommy lang ang mag-aalaga sainyo paglabas nyo." Kausap ko sa Tiyan ko hinahaplos ko ang impis na Tiyan ko
" Ulitin mo nga? Kamba ba ang sinabi mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Kyle
" Tsk! Maghanap ka ng kausap mo gago. " Galit na bulyaw ko
" Hey! Kambal ba ang sinabi mo?" Tanong ni Kyle
" Tsk." Irap ko