Cleo
*
*
" Hinaplos ko ang may kalakihan na Tiyan ko. Pitong buwan na ang pinagbubuntis ko hirap pala magbuntis nakaranas ako ng muscle cramps. tatlong araw sumakit binti ko. ngayon madalas ako nakaranas ng muscle cramps. Matakaw narin ako sa pagkian inalagaan naman ako ni Kyle pero naging malamig ang pakikitungo niya saakin. Mag-isa din ako sa kwarto simula ng malaman niya ang tungkol sa pagkatao ko nag-iba na ang pakikitungo niya saakin. Pagnandito siya sa bahay nakatutok lang siya sa computer nagkukulong sa kwarto niya. Paggising papasok sa Trabaho Pagdating nagkukulong sa kwarto.
Sa Limang buwan namin pagsasama unti-unti na ako nasasanay na kasama siya. Naaalala ko parin si Gideon pero hindi na ako nasasaktan o kaya nalulungkot. Araw-araw excited ako sa paglabas ng kambal ko, twin's baby boy ang pinagbubuntis ko. Sinabi ko kay Kyle na kambal ang pinagbubuntis ko nakita ko naman na masaya siya pero Hindi ko sinabi na lalaki ang pinagbubuntis ko.
" Kumain kanaba?" Tanong ni Kyle
Napaangat ako ng tingin
" Ano nakain mo? Bakit sa loob ng apat na buwan ngayon mo lang ata ako kinausap. " Pang-aasar ko
Naupo siya sa harapan ko seryoso na tumitig saakin.
" Kulang ang information na nakuha ko tungkol sa pagkatao mo. Gusto ko makilala ng Lubusan ang Ina ng mga anak ko. " Seryoso na Paliwanag ni Kyle
" Maghintay ka ng makapanganak ako. Six month pagkatapos ko manganak ipapakilala kita sa Mga magulang ko. Dadalhin kita sa Underground market. Ipapakilala ko sayo ang mga taong dapat mo iwasan at huwag kalabanin. Marami kang hindi nalalaman, Alam ko matino kang pulis malinis ang pangalan mo. Pero Kyle mapanganib ang mundong ginagalawan natin. May mga bagay na hindi kayang pakialaman ng Gobyerno. Organization na matagal nang umiiral Hindi pa pinapanganak ang mga magulang mo nandiyan na sila. Unti-unting binago ni Lolo ang organization dito sa pilipinas. Unti-unting inubos ang mga elligal na gawain. Pero ibang usapan sa underground plaza or mas Kilalang black market. Nandoon na lahat ng elligal na gawain. Lawakan mo ang iyong pag-unawa, May mga bagay na hindi na dapat pakialaman." Mahabang paliwanag ko
" Sinisikap ko naman unawain sinisikap ko tanggapin ka ng buong-buo pero Bigla nag-iba ang pagtingin ko sayo. Sa isang iglap nagbago ang pananaw ko sa buhay." Seryoso na tugon niya
Hindi ako sumagot napagtanto ko na isang pagkakamali ang nagawa ko. Isang pagkakamali na nagbunga ng kambal.
" Kalimutan mo nalang ang mga nalaman mo. Baka Ikapahamak mo pa. " Seryoso na tugon ko
Napagtanto ko na baka gumawa siya ng Ikapapahamak niya sa oras na malaman niya ang ibang Sekreto ng mga kilalang tao na kabilang sa Sekretong organization.
Tumayo ako naglakad ako palapit sa pinto huminto ako sa pinto ng bahay.
" Nakikita mo paba ang sarili mo na kasama ako sa hinaharap? Kaya mo bang tanggapin na Isa akong criminal? " Tanong ko
Pinagpatuloy ko ang paglalakad palabas Hindi ko hinintay ang kasagutan niya, 9pm na ng gabi ngayon pero hindi ako inaantok.
Nakatanaw ako sa malayo malalim ang iniisip
" Kaya ko kaya maging Ama at Ina sa kambal? Kaya ko bang maging mabuting Ina? Isang gabing pagkakamali na panghabang buhay na biyaya. Tama ba ang ginagawa ko? Nakikisama ako kay Kyle kahit na walang pagmamahal sa pagitan namin."
Napatingin ako sa tabi ko naupo si Kyle. Tumingin siya saakin dahan-dahan na hinawakan ang kamay ko
" Do you still love him?" Tanong ni Kyle
" No! I Don't love him anymore. " Mabilis na tugon ko
Dahil sa maikling panahon alam ko sa sarili ko natanggap ko na. Hindi na kami magkakabikan ni Gideon Mananatili siya sa nakaraan ko. Sa ngayon gusto ko lang subukan makisama sa Ama ng mga anak ko. Hindi pa ako susuko dahil hindi pa naman ako nasasaktan. Alam ko pareho namin pinag-aaralan ang pag-uugali ng bawat isa. Okay pa naman ako
" Do love me?" Muling tanong ni Kyle
" I Like you! You're great personality, But I don't Love you. I don't wanna lie to you. But I like you and I miss your lips. " Seryoso na tugon ko
" It's okay! At least you like me, Sapat na ang narinig ko para tanggapin ka sa buhay ko. Dinadala mo ang mga anak ko sapat na para subukan kong tanggapin ka ng buong-buo. Pero pangako mo ititigil muna ang papatay ng tao. Itigil mo na ang pagpatay Cleo alang-alang saakin. Police ako kung ipagpapatuloy mo ang ginagawa mo madudungisan mo ang pangalan ko. Malinis at marangal akong police Cleo. Kontento ako sa sahod ko at sa Trabaho ko. Kaya isa lang ang hinihiling ko sayo huwag kanang papatay." Mahinahon at seryoso na pakiusap ni Cleo
" Hindi mo ako naintindihan. Kahit na manatili ako sa sempling pamumuhay may nagtatangka parin sa buhay ko dahil galing ako sa Angkan na maraming kaaway. Palagi ako nadadamay at palaging nasa panganib ang buhay ko. " Paliwanag ko
" Promise me Cleo! Promise me, Cleo. You won't take anyone's life. Please." Pakiusap niya
" No! Paano kung pagtangkaan ang buhay ko hahayaan ko lang na patayin nila ako? " Galit na tanong ko
" Nandito ako! ipagtatanggol kita. Proprotiktahan kita Pangako hindi kita pababayaan. " Mariing Tugon niya
Huminga ako ng malalim tumingin ako sa malayo
" You won't take anyone's life." Pakiusap niya
Napipilitan na tumango ako susubukan ko magbago. Iiwas ako sa gulo susubukan ko na huwag ilagay sa kamay ko ang batas.
Niyakap ako ni Kyle mababakas sa kanyang mukha ang labis na saya.
" Hinding-hindi kita iiwan kahit na Anong mangyari. Sisikapin natin maging masaya sa araw-araw kasama ang kambal. Aalagaan ko kayo at mamahalin ng higit pa sa buhay ko. " Masaya na wika ni Kyle
Nakatitig siya habang sinasabi ang salitang yon.
" Iiwan din nya ako sa Oras na hindi ako tumupad sa pangako ko. Hayst naku naman Another broken promise. Wala talagang forever." Piping sambit ko
" Sa Oras na Iwanan mo ako o magkahiwalay tayo Asahan mo hindi kita kilala at wala kang karapatan diktahan ako. Susundin kita sa ngayon dahil sa nasa poder mo ako. Sige Kyle protiktahan mo ako. Simula ngayon ikaw na ang bahala saakin. Marami ang nagtatangka sa buhay ko dahil maraming maghahangad sa Ulo ko Kapalit ng Ulo ng kakambal ko. " Seryoso na Sabi ko
" Pangako proprotiktahan kita." Nakangiti na Tugon niya
" Paano ko ba mabibihag ng puso ni Kyle. Yong tipong sa sobrang pagmamahal niya saakin wala siyang pakialam kahit na gaano pa ako kasama. Yong tatanggapin nya ako ng buong-buo." Katanungan sa isipan ko
" Six months nalang matatapos na ang Napag-usapan natin. " Halos pabulong na sambit ko
Hinawakan niya ang kamay ko hinalikan niya ito bago nagsalita
" Sinisikap ko naman maging mabuti sayo. Nagtratrabaho ako para sayo para sa magiging mga anak natin. Gusto ko ng masayang pamilya." Mahinahon na wika niya
" Pag walang pagmamahal walang kasiyahan Kyle. Hindi ibig sabihin na magkakaroon tayo ng anak eh katapusan na ng buhay mo. Sakaling dumating ang panahon na Hindi na natin kayang pakisamahan ang isat-isa. Uuwi na ako sa bahay ko isasama ko ang kambal. Malaya kang dalawin sila kahit Anong Oras. Pwede kang magpalipas ng gabi sa bahay ko. Ipagpatuloy mo ang mga pangarap mo sa buhay." Mahinahon na Paliwanag ko
" Gusto ko sana work abroad magpatayo ng malaking bahay para sainyo ng magiging anak natin." Tugon ni Kyle sa mahinang boses nakatitig siya sa malayo
" Kyle, Maghihintay ako, Tuparin mo ang mga pangarap mo sa buhay. Maghihintay ako sayo kahit na gaano pa katagal. Tandaan mo ikaw ang huling lalaki na dadaan sa buhay ko. Gawin mo para sa sarili mo hindi para saamin ng mga anak mo. Hindi pa lumalabas ang mga anak natin Ngunit may naghihintay na magandang kinabukasan para sakanila. Hindi mo naman talaga kailangan yumaman. Alam mo kung ano ang problema mo? Pride! Hindi mo matanggap na mas mayaman ako sayo. Tanggapin mo ang katutuhanan Kyle magiging masaya tayo. Tanggapin mo ako ng buong-buo Pangako Mananatili ako sa tabi mo ng panghabang buhay." Mahabang paliwanag ko sa mahinahon na boses
Tumayo ako inalalayan ako ni Kyle papasok sa kwarto ko.
Naupo ako sa gilid ng kama binuksan ko ang bottle water na nakapatong sa sides table ng kama.
" May kailangan ka?" Tanong ko nakatayo lang kasi si Kyle sa harapan ko panay ang kamot sa batok habang nakatitig saakin
" Can i hug you? " Nahihiya na tanong niya
" No! Makakalabas kana. Apat na buwan mo akong Hindi pinansin. Gustong-gusto na kita layasan Nagpipigil lang ako. Bakit Hindi mo ako pinapansin ng apat na buwan? Para kang hangin na dumadaan lang sa harapan ko. Binaba ko ang sarili ko para sayo. Para maabot mo ako upang hindi ka manliit sa sarili mo. Sumama ako sayo ng walang pag-aalinlangan. Pero sadyang hindi mo ako matanggap ng buong-buo. Hanggang Ina lang ako ng mga anak mo. " Puno ng hinahakit na Sumbat ko dito
" I try t---
" It's okay! Sino ba naman ang matutuwa sa itchura ko. Mataba na ako. Hindi na kaaakit-akit bumalik lang ang katawan ko sa dati Who you ka saakin." Masungit na tugon ko Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya
" Hindi naman madaling tanggapin na isang kang mamatay tao At isa akong police! Pinaghirapan ko kung ano ang narating ko ngayon. Nahihirapan din ako hindi ko alam ang gagawin ko. Nagtratrabaho ako ng maayos para sa magiging anak natin. I like you but your a criminal I'm a policeman. It's hard to accept." Mariing wika ni Kyle
" Goodnight." Tipid na tugon ko
Alam ko mahihirapan talaga siya tanggapin ang isang katulad ko. Isa siyang police at isa akong mamatay tao. Nasa dugo ko na yon Wala akong magagawa kundi ang lumaban kung hindi ako lalaban mamatay ako ng maaga.
Naglakad siya palabas agad ko nilock ang pinto pagkalabas niya.
Pero lumipas lang ang Ilang minuto narinig ko n ang galit niyang boses
" Can you open this fvckin door?" Tanong ni Kyle sa labas ng pinto ng kwarto ko
" Simula ngayon hindi na ako magpapanggap na mabait mahinhin sa harapan mo. Ipapakilala ko sayo kung sino ako. Mahirap magpanggap kahit na Anong pagpapakabait ko masama parin ako sa paningin mo. Pwes manigas ka! Gusto mo ako pwes pagtiyagaan mo ang ugali ko." Galit na sigaw ko
Nahiga ako sa kama napaisip ako ng kalokohan
Agad ako nagpanggap na kausap si Gideon nilakasan ko ang boses ko
" Hello! Gideon! Kilan ka babalik ng pinas? Talaga Sige-sige basta pag--
Hindi ko natapos ang sasabihin ko biglang nasira ang pinto bumagsak ito Luma na ang pinto dahil sa matagal na ang bahay na to luma narin ang mga cabinet at ibang kagamitan. Nanlilisik ang mga mata ni Kyle na pumasok sa kwarto,
Agad niya hinablot ang cellphone ko agad na tiningnan kung may sino kausap ko.
" Sa susunod nagbibilang na ako ng lalaki. Maghahanap ako ng lalaking kaya ako tanggapin ng buong-buo kahit na masama pa ugali ko kahit na mamatay tao ako. " Patuya na wika ko
" You're fvckin Mine Cloe." Galit na bulyaw niya
" Hindi! Hinding-hindi ako mapapasayo. Hindi mo nga tanggap ang pagkatao ko tapos sasabihin mo yan! Walang silbi ang pagsasama natin. Nang dahil lang sa bata kaya tayo nagsasama. Kung tutuusin hindi naman kita kailangan kaya ko bigyan ng magandang buhay ang mga anak ko. " Pagalit na tugon ko
Bigla niya kinabig ang batok ko mariing sinakop ang labi ko.
" I Don't fvckin care kung masamang babae. Gusto kita tatanggapin kita ng buong-buo. Saakin ka lang Cleo kahit saan ka magpunta hahanapin kita. You're fvckin mine. " Nagpipigil sa galit na wika niya
" You're right! I Am yours. At huwag kang magkakamali na saktan ako Iwanan ako, Hindi ako magdalawang isip na ipagpalit ka. " Seryoso na tugon ko
Natigilan si Kyle napagtanto na naisahan ko siya. Napagtanto niya na pinapaselos ko lang siya. Wala naman ako kausap kanina