Chapter 28: Clinton Martinez

2012 Words
SA ilalim ng malamig na panahon, nakaupo sa sofa sina Mr. Fred at Clinton habang pinapagitnaan ng dalawang mainit na kape sa kanilang harapan, nakapatong sa mesa na gawa sa salamin. Kasing init ng apoy na nagmumula sa furnace ang kanilang pag-uusapan sa loob ng meeting room.             “Ang huli ko pong punta rito ay no’ng namatay ang anak n’yo,” nakangiting sabi ni Clinton na agad din naglaho nang mapansin niyang nag-iba ang aura ng mukha ni Mr. Fred. “Ah, bakit n’yo po pala ako inimbitahan dito? Is there something you want me to investigate, Mr. Thornhill?” Pag-iiba niya ng usapan.             “I heard from my connections, outside this wondrous place, dumadami na ang kaso ng mga estudyanteng nagre-rebelde sa Riverhills’ High School. . . simula no’ng namatay si Jason. Tama ba ako, Under-Chief . . . Clinton? Clinton, right?” madiin na pagkasasabi ni Mr. Fred.             Nakaramdam ng panliliit sa sarili si Clinton dahil sa sinabi ni Mr. Fred. Why is almost everyone likes to call him Under-Chief? Ano naman kung nasa mababa pa ang kaniyang ranggo, eh, police pa rin naman siya? Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong sa sarili. Kaya ba siya inimbitahan dito para maliitin, o marahil sa nasabi niya kanina?             “Clinton? Am I right, right?” Parang wala lang kay Mr. Fred ang sinabi niya kanina.             “Siguro ay wala talagang nais ipahiwatig si Mr. Fred sa sinabi niya kanina.” Iyon na lang ang sinabi ni Clinton sa sarili. He should maintain his calming state. Afterall, he needs money from his job.             “Yes, Mr. Fred, tama po kayo.” sabi ni Clinton, saka ngumiti ng awkward.             “You know, Clinton . . .” Inilapit ni Mr. Fred ang sarili sa mesa habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Clinton. “Matalino kang bata. Lumaki ka sa siyudad at maraming oportunidad na naghihintay sa ‘yo roon, pero ang hindi ko lang maintindihan . . . bakit ka nandito sa Riverhills?” Kinuha niya ang tasa ng kape at tumayo. “A small town with less opportunity, less exposure, and less action. Why here?” Nakaharap siya sa furnace habang kinukutaw ang kape.             “My father always thought me when I was a kid, reach for my dreams no matter what happened. That is why I’m here. Doing my job with my heart and loyalty to the law.” Ipinagmamalaking tugon ni Clinton habang nakatingin kay Mr. Fred na nakatalikod.             Humarap si Mr. Fred. “Alam kong sasagutin mo ako ng mga pang mahihirap at sentimental na kuwento mo, kung paano mo natagumpay ang mga pangarap mo sa buhay . . . kung paano ka naging isang police sa kabila ng lahat ng mga paghihirap na iyong naranasan sa buhay. What else?”             Hindi mapigilan ni Clinton ang sarili, napatayo siya na punong-puno ng init at panggigil sa kaniyang kaloob-looban. Sa buong buhay niya, wala siyang ibang narinig mula sa mga taong gusto siyang apihin at hilahin pababa, ang maliitin siya ng paulit-ulit.             “Kung pinapunta n’yo lang po pala ako rito para maliitin . . .” Inilapit ni Clinton ang sariling mukha sa mukha ni Mr. Fred. “Maraming salamat na lang po sa kape n’yo.” Nag-iwan siya ng nanlilisik na tingin bago tumalikod.             Aktong aalis palabas ng kuwarto si Clinton ng muli siyang tinawag ni Mr. Fred. Tumigil siya at buong tapang na hinarap ito.             “Kung hindi pa po kayo tapos sa panliliit n’yo sa akin . . . Wala po akong oras para ro’n. Kaya aalis na po ako.” Tumalikod si Clinton.             Hindi pa siya nakakahakbang ay napatigil siya sa kaniyang kinatatayuan. “Martinez!”             Marahang napaharap si Clinton habang suot ang nagtatakang mukha.             “I know . . . You must be thinking kung paano ko nalaman ang family name mo. Well, in fact, madali lang.” nang-aasar na wika ni Mr. Fred.             “Ano po ba talaga ang pakay ninyo sa akin?”             “Ako?” Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay sabay napahawak sa kaniyang dibdib. “May pakay sa ‘yo? Mali ang tanong mo, hijo.” Lumapit siya kay Clinton. “Ang tanong . . . Anong kailangan mo sa akin.”             Hindi mapagtanto ni Clinton kung anong ibig sabihin ni Mr. Fred at ano ba talaga ang gusto nito sa kaniya. He’s playing read-my-mind.             “You’re pure and innocent child. It’s quite obvious that your parents taught you well. But unfortunately, you have your pride that makes you invulnerable from self-harm and to other people.”             “Puwede po bang diretsuhin ninyo ako? Kailangan na po ako sa office. Tapos na ang breaktime ko.”             “Speaking of kailangan, I’m sure na mas kailangan ka ngayon ng mga magulang mo, am I right?”             “Anong pong kinalalaman ng mga magulang ko rito?” Lumapit si Clinton habang nakakuyom ang mga kamao. Isang hakbang na lang at magkadidikit na ang kanilang mga katawan.             “Alam kong may sakit ang mga magulang mo. Don’t bother asking me how I found out about it. The only thing that is important right now ay ang madala sila sa magagaling na mga doktor and fully equipped hospital.”             “Paano nalaman ni Mr. Fred ang mga impormasyong iyon? Nag-imbestiga ba siya tungkol sa akin? Sa pamilya ko? Ano ba kasing plano ng taong ito? Bakit ako?” Maraming katanungang bumabagabag sa isipan ni Clinton, subalit hindi niya ito pinapahalata. “Out of respect, sir, I think it’s none of your business anymore.”             “Not unless, if I am the one who can help you with your problem. Strong, brave, and . . .” Tumalikod palayo si Mr. Fred at inilagay ang tasa ng kape sa mesa. “I’m sure you love your parents so much that would be the reason you can’t refuse my offer.”             Nanatiling nakatayo si Clinton habang sandaling tumungo sa office table si Mr. Fred at pagbalik niya sa harap ni Clinton ay may dala na itong isang itim na briefcase.             “Tanggapin mo ito at gamitin mo sa pagpapagamot ng mga magulang mo.” wika ni Mr. Fred sabay inabot ang hawak na briefcase kay Clinton.             Tumagal ng isang minuto bago napagdesisyonan ni Clinton na tanggapin ito. “Ano naman ang kapalit nito?” Matalas ang paningin ni Clinton. Nagdududa.             “Walang kapalit ang pagtulong ko sa ‘yo at sa mga magulang mo . . . sa ngayon. Isipin mo na lang na isa itong blessing in disguise, maliban sa kilala mo talaga ako. Tulong na mula sa bukal na kalooban. Naniniwala ako na gagantihan mo rin ang pagtulong ko sa ‘yo kung sakali ako na naman ang hihingi nang tulong sa ‘yo.”             Balak man na isauli ni Clinton ay hindi niya magawa. Nagtatalo ang kaniyang puso at isipan. Konsensya at pagmamahal. Iniisip ang bukas at ang kasalukuyan. Pagtatantya kung alin ang mas matimbang.             “Tatanawin ko po ito bilang isang malaking utang na loob. Makakaasa po kayo na kayo’y aking tutulungan sa araw na kakailanganin ninyo ang tulong ko.”             Ngumisi lang si Mr. Fred. Sa sandaling tinanggap ni Clinton ang briefcase, alam na niya na siya ay nagtagumpay sa kaniyang unang hakbang patungo sa malaki niyang intensyon. Pagkatapos ay agad din na nagpaalam si Clinton na siya ay aalis na.             “For you to succeed, you have to do everything for it. Even if you can ruin other people’s lives.”             Paglabas ni Clinton ay siya ring pagpasok ng butler ng pamilyang Thornhill.             “Excuse me, sire!”             “Yes? Please speak.”             “Tumawag po ang inyong kapatid, si Mrs. Smith. Hinahanap po niya kayo.”             “Thank you, Robert.”             Naunang lumabas ng silid si Mr. Fred bago sumunod si Robert, at sinara nito ang pinto.   Pagbaba ni Mr. Fred sa salas ay agad niyang sinagot ang telepono. “Smith,” walang ganang tugon ni Mr. Fred.             “I have a first name, Freddie.” mariin na wika ng kapatid mula sa kabilang linya.             “I don’t care. Anong kailangan mo at napatawag ka?”             “Hindi mo lang ba ako babatiin o kukumustahin man lang?” matamis nitong sabi.             “I don’t have time for–”             “Tsk. Anyway, uuwi ako ng Riverhills sa susunod na raw, specifically d’yan sa bahay.”             “Okay.”             “Okay? Lagot ka talaga sa akin pag-uwi! Hindi mo nga ipinaalam na patay na pala ang ana–”             Hindi na tinapos ni Mr. Fred ang tawag at agad niya itong ibinalik sa lalagyan.             “Robert!”             Agad na lumapit ang butler. “Yes, sire?”             “Paki handa ng mga bakanteng kuwarto. Uuwi siya rito.” Umalis si Mr. Fred pagkatapos niya itong sabihin.             Pero bago pa man ito makalayo ay nagsalita si Robert. “Kasama po ba ang mga anak ni Mrs. Smith?”             Bahagya at kalahating nilingon ni Mr. Fred si Robert. “Oo.” At agad din nagpatuloy paalis.             Hindi man halata sa kulubot na mukha ni Robert, sobrang saya niya marahil ay uuwi ang kapatid ni Mr. Fred at ang mga pamangkin nito.       MULA sa salas ay tinungo ni Mrs. Smith ang kuwarto ng kaniyang mga anak sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.             Nakabukas ang pinto nang pumasok si Mrs. Smith sa kuwarto ng kaniyang bunsong anak. “Chasley?”             Agad na lumingon si Chasley nang tawagin siya ng kaniyang ina sabay tanggal ng suot na headset. “Yes, mom?”             “Are you ready to go?”             Tumango lang si Chasley habang nakangiti.             “Good. Now, call your brother and tell him that we’re leaving.”             “Okay, mom,” tugon ni Chasley sabay kuha ng kaniyang itim na maleta.             “I will wait in the car. Bilisan n’yo, huh.”             Ngumisi lang si Chasley at kasunod na lumabas pag-alis ng kaniyang ina. Pagkatapos ay agad na dumiretso sa kuwarto ng kaniyang kuya. Kumatok siya ng dalawang beses bago siya pinagbuksan ng pinto.             “What?”             “Mommy told me that we’re leaving now. She’s waiting in the car.”             “Okay.” maikling sagot ng kaniyang kapatid, at kinuha nito ang sariling kulay abo na maleta. Palabas na sana ito ng makalimutan ang kaniyang fur jacket.             “Kuya Chester, you forgot you jacket. Wear that already, it’s so cold outside.”             “I know.” supladong tugon ni Chester.             “I know. Tsk.” pangungutya ni Chasley nang dumaan sa harap niya si Chester, palabas ng kuwarto.             Be aware of what’s coming. Expect the unexpected.             Chasley opened the car’s back door. Ipinasok nila ang kanilang mga dalang malita, habang walang pakialam si Chester na nakikitang nahihirapan ang kaniyang kapatid.             “A little help here?” sabi ni Chasley habang nahihirapan na ipasok ang sariling malita, marahil sa bigat nito.             “Ano ba kasing inilagay mo diyan? It’s like you brought the whole world.”             “Can you just stop wasting your words, and help me here? You bitchmouth.”             “Hey, what did you say?” naiinis na sabi ni Chester.             “Boys, stop it already,” mahinang sabi ni Mrs. Smith. “Chester, you’re the older brother. You should be the one – Make it quick. Baka mahuli na tayo sa flight.”             “But, Chasley said I have a bitchmouth!”             “Do you’ll want me to leave you both here, huh?” Huling salitang sinabi ni Mrs. Smith, at ibinalik ang ulo sa loob ng sasakyan.             Hindi na nagsalita si Chester at tinulungan ang kapatid na ipasok ang malita nito. Pagkatapos nilang maipasok ay agad na tumakbo papasok ng sasakyan si Chasley at iniwan ang kapatid sa labas, sa likod ng sasakyan.             Hinabol ni Chester ang kapatid, pero huli na ng nakapasok na sa loob si Chasley, at ni locked and pinto. “Hey, Chasley, help me here! s**t!”             Natatawa lang si Chasley. Walang nagawa si Chester kundi ang bumalik sa likod ng sasakyan at ipasok ang kaniyang sariling malita.             “I hate that crazy kid.” Chester murmured himself while putting his thing inside the car.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD