Chapter 27: Evidence

2002 Words
VANNESSA is calmly sitting on a made of steel chair when her friends arrived. Nagmamadaling makarating sina Jefferson at Kristine sa Police Department dahil sa pag-aalala nila para sa kaibigan. Pagbukas nila ng pinto papasok sa loob ay agad na hinanap ng kanilang mga mata si Vanessa. Palabas ng Police Department si Clinton nang nagkasalubong sila.             “Um, excuse me, sir!” tawag ni Kristine kay Clinton.             Bahagyang ngumiti lang si Clinton sabay taas ng kaniyang mga kilay.             “Nandito po ba si Vanessa?”             Sandaling tahimik ang pumagitna sa kanila ng hindi nakasagot si Clinton.             “Hindi niya ‘ata kilala si Vanessa, Tine,” bulong ni Jefferson habang nakatayo sa likod ni Kristine.             “A-Ah, I’m sorry, sir. Isang estudyante po na babae, kasama ni Chief Copper. Nakita n’yo po ba siya rito?”             “Ah, ‘yon ba? Nandoon siya sa office ni Chief Copper.” Mas lalong ikinatuwa ng dalawa nang makumpirma nilang nandito nga ang kaibigan nila. “Maraming salamat po, sir!” nakangiting sabi ni Kristine, at biglang hinablot ni Jefferson ang kanang kamay nito habang mabilis na naglakad paalis sa kinaroroonan ni Clinton. Tumigil si Kristine sa paglalakad at hinablot niya ang kamay paalis sa kamay ni Jefferson. Tumigil din sa paglalakad si Jefferson at napatitig kay Kristine. “Ano ‘yon, Jeff? Bakit bigla mo na lang hinablot ang kamay ko?” Marahang natawa si Jefferson habang tinaasan lang siya ni Kristine ng kilay. “Hindi mo ba naramdaman o napansin man lang na nilalandi ka ng under-chief na ‘yon?” “Hello? Ano naman kung nilalandi niya ako?” “Kunwari pa siya na hindi niya kilala si Vanessa, eh, wala naman ibang babae–” Napansin ni Jefferson na walang pakialam si Kristine sa sinasabi niya. “Fine, I’m sorry. I was just trying to protect you from that guy. Galing sa city ‘yon at mas matanda ng ilang taon sa atin, kaya maraming the moves ‘yon na nalalaman para makuha ka.” “I appreciate your concern, Jeff, pero don’t you think that I can’t handle him?” “I know, kaya nga nagso-sorry ako.” Ngumisi si Kristine. “Tara na nga!” Dumiretso na sila sa Chief’s Office. Nang nasa tapat na sila ng pintuan, kumatok muna si Jefferson ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at unang pumasok si Kristine. Napatingin sina Chief Copper at Vanessa sa gawi ng mga ito. “Bhie? Jeff?” Hindi makapaniwalang sambit ni Vanessa nang makita niya ang kaniyang dalawang kaibigan. Bakas sa mukha ni Kristine ang pag-aalala para sa kaibigan. Agad siyang lumapit, samantalang tumayo naman si Vanessa para salubungin ang yakap nito. “Are you okay, bhie? What happened?” Habang yakap-yakap nila ang isa’t isa. “I’m fine.” Kumalas sila sa pagkakayakap. “Maybe there is just a misunderstanding. Tama ba ako?” kalmadong tugon ni Vanessa. “Jeff, wala ba kayong pasok ngayon? ‘Di ba, may examination kayo?” wika ni Chief Copper. “Alam n’yo palang may examination kami, eh, bakit n’yo pa rin dinakip si Vanessa?” Ramdam ng bawat isa na nasa loob ng office ang galit sa bawat salitang pinakawalan ni Jefferson. Hindi makasagot si Chief Copper, kaya inilihis nito ang tingin sa dalawang dalaga. “Jeff, it’s okay.” Vanessa is trying to calm her friend. “Parating na sila mommy at daddy dito. They can fix this. Trust me and . . . thank you for coming here. Sobrang thankful ko dahil hindi n’yo ko binalewala.” aniya, at marahang hinaplos ang balikat ni Kristine habang nakangiti. “Bhie, I’m sorry. Hindi namin kasama si Jake.” Mas naging malungkot ang boses ni Kristine nang sabihin niya ang mga salitang iyon. “No, bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan kung bakit wala siya rito. I’m sure na sinubukan n’yo siyang kausapin tungkol sa akin. But that’s not the problem right now.” Naguguluhan si Kristine kung bakit parang ayos lang kay Vanessa ang lahat ng nangyayari sa kaniya. “May hindi ba sinasabi si Vanessa sa amin?” katanungan sa isip niya. Hindi mapigilan ni Kristine na hindi magtanong sa kaibigan. “Bakit parang ayos lang sa ‘yo na wala siya rito?”             “Because I know na magiging okay lang ang lahat, kahit wala siya rito. In my case, I don’t need him to solve my problem. There’s nothing he can do about it.” Nakangiting tugon ni Vanessa.             “Can you at least tell us kung bakit ka dinakip ni Chief Copper?”             Napatingin si Vanessa kay Jefferson na nakatayo sa may pintuan. Ang mga tingin nito ay nagpapahiwatig na sumasang-ayon ito sa tanong ni Kristine. Sunod na lumingon si Vanessa sa kinatatayuan ni Chief Copper, it’s like she’s asking for permission to tell it to her friends.             “Chief Copper found two phones inside my locker . . . Owned by Jason Blake and Reymark.”             “S-Stop, bhie!” Hindi makapaniwala si Kristine sa sinasabi ni Vanessa sa kanila. Hindi niya kayang marinig ang posibleng magiging paratang para sa kaibigan. “Alam naming lahat na hindi mo kakayaning gawin ang bagay na ‘yon sa kanila.”             “Maybe for us. Pero may nakita silang ebidensya mula sa akin, sa locker ko. It’s the real evidence, physical evidence, sapat na ebidensya para ituro na ako ang salarin sa pagpa–”             “Okay, stop it, Nessa!” sigaw ni Jefferson. Bumakat ang mga ugat nito sa kaniyang leeg.             Lumapit siya sa kaniyang ama at tinukod ang mga kamay sa ibabaw ng mesa na pumapagitna sa kanilang dalawa. “Release her dad. Now!” He said like he has the full authorization in his voice.             Tinitigan siya ng kaniyang ama. “Gusto ko man katulad n’yo, but unfortunately, hindi ko maaaring pakawalan si Vanessa. May mga ebidensya kami laban sa kaniya at papatunayan ng kurte kung inosente nga siya.”             “But dad–”             “Unless you have someone in mind, or you can point out the real culprit . . . right . . . now.”             Napanghinaan ng loob sina Jefferson at Kristine sa sinabi ni Chief Copper. Para kay Kristine, wala siyang alam o tanda kung sino nga ang tunay na pumapatay, o may sala. Subalit para kay Jefferson, nagdadalawang-isip siya kung magsasabi ba siya ng pangalan para ituro kung ito nga ba talaga ang may sala o baka mas lalong gawing kumplikado ang mga bagay.             “My baby, Vanessa?” Biglang dumating ang mga magulang ni Vanessa. Agad na pumasok ang mga ito sa loob ng office at niyakap ni Shina ang anak. “Are you okay? God, what happened?” At kumalas ito sa pagkakayakap. Kasunod na niyakap ni Vanessa ang ama.             “Tine, please take my son outside.” wika ni Chief Copper.             Tiningnan ni Kristine si Vanessa.             “You can wait outside, bhie, pero may exam pa kayo afternoon. H’wag kayong mag-alala, nandito naman ang mga magulang ko. I’m sure they can handle this. I appreciate your concern and for visiting me here, I really am.”             “Okay. I love you, bhie.”             “I love you, too, bhie.”             “Tawagan mo kami agad kapag ayos na ang lahat. Okay?”             Nilapitan ni Kristine si Jefferson at kinuha ang kamay nito, palabas sa opisina. Sumunod naman ito at iniwanan ng masamang tingin ang ama.     PAGBALIK nina Jefferson at Kristine sa Riverhills High School, imbes na papunta sila sa kanilang silid, lumihis sa ibang daan si Jefferson.             “Jeff, saan ka pupunta?”             Lumingon naman si Jefferson habang nakakuyom ang mga kamao. “May kakausapin lang ako.” At agad na tumalikod. Nagpatuloy siya sa paglalakad palayo kay Kristine.             “Jeff, wait–” Susundan pa sana ni Kristine si Jefferson pero biglang tumunog ang kaniyang telepono. She set an alarm bago pa sila nakarating sa Police Department. Thirty minutes before the afternoon examination. Kaya mabilis siyang naglakad papasok sa kanilang silid-aralan para makapaghanda sa susunod nilang pagsusulit.             Dumiretso si Jefferson sa back door, palabas nito ay ang likuran ng school building. Mula rito ay tinahak niya ang daan papunta sa isang hindi na ginagamit na silid. Walang sino man ang pumupunta rito, maliban na lang sa katulad ni Jefferson na puno ng galit at poot sa kaniyang puso.             Nang nasa tapat na siya ng pintuan, binuksan niya ito ng buong lakas, dahilan upang magulantang ang sino mang nasa loob ng abandonadong silid. Pumasok siya rito at dumiretsong naglakad patungo sa isang pangkat ng mag-aaral na nakaupo sa mga lumang silya.             “Anong problema mo, Jeff?” Isang lalaki ang tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong si Jefferson.             Hindi ito sinagot ni Jefferson. Nilagpasan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makatapat na niya ang puntiryang tao.             “‘Di ba, sinabi ko na sa inyo? H’wag ninyong gagalawin ang mga kaibigan ko? Pero anong ginawa n’yo?”             “Hey, chill, Jeff!” kalmang wika ng isang babae, at saka tumayo ito mula sa pagkakaupo ng naka-de quatro. “We both know that she deserves it. Naghihintay lang tayo kung sino ang karapat-dapat na gumanap para sa role na hinahanap natin. Then, one of your friends’ interrupts . . . she came, and she got the crown.” masaya nitong sabi.             “I don’t care kung ano ang pinaplano n’yo! Just leave my friends alone.”             “Leave?” Pumuwesto ito sa sa gilid ni Jefferson kung nasaan ang tainga nito. “Well, it’s either you take the crown or . . . let her do her role. Simple. Right?” nakangiti nitong sabi.             Natameme si Jefferson. Nag-iisip siya kung alin sa dalawang pagpipilian ang mas matimbang. Pero kahit gaano pa niya ito isipin, pareho itong mas mabigat para sa kaniya at para kay Vanessa. Ito ba ang tamang oras para maging makasarili o tamang oras para magsakripisyo?       HABANG naghihintay si Kristine at ang iba pa niyang mga kaklase sa pagdating ng kanilang guro para sa afternoon examination nila, hindi maiwasan ni Kristine na mapa-isip kung saan nagpunta ang kaibigan.             Napatingin si Kristine sa orasan na nakasabit sa ibabaw ng white board sa harapan nila. “Five minutes before the examination. Saan ka ba kasi nagpunta, Jeff?” Nang pumasok bigla si Jefferson, nagtama ang kanilang mga mata na agad din nitong iniwas. Kahit nasa malayo ay ramdam ni Kristine ang mabigat nitong iniisip.             Lalapitan pa sana ni Kristine si Jefferson ng biglang pumasok ang adviser nila kasama ang iba nilang kaklase. Kabilang na rito sina Leticia at Angelo.             “Okay, class. Are you ready?”             “Yes, sir!” sabay na sagot ng mga kaklase ni Kristine, maliban na lang sa kaniya. Hindi niya maalis sa kaniyang isipan kung nagkataon lang ba na halos magkasabay sina Leticia, Angelo, at Jefferson sa pagpasok.             “Posible kayang magkasama sila bago pumasok dito?” Tanong ni Kristine sa kaniyang sarili. Tiningnan niya si Jefferson na nakatingin lang ng malayo sa hangin bago nag-umpisa ang kanilang pagsusulit.             Pero napagdesisyonan ni Kristine na ibaling ang atensyon sa sandaling mag-uumpisa na ang kanilang pagsusulit. Ito ang mas importante para sa kaniya ngayon, dahil gagawin niya ang lahat upang makapasa. Sa paraang ito, ay baka makatulong siya sa kaibigan na nasa Police Department ngayon. Nagbabasakali siyang sasaya si Vanessa kapag nalaman nitong nakapasa siya sa examination nila.             “Okay, everyone. Just like what we did kaninang umaga. Put your bags in front and make sure na pencil lang ang makikita ko sa ibabaw ng inyong mga mesa. Understand?” sabi ni Mr. Santos.             “Yes, sir.”             “Good. Now, put your bags in front. Quickly.”             Agad na kumilos ang lahat. Habang pabalik si Kristine sa kaniyang upuan, nakasalubong niya si Jefferson. “Jeff, mag-focus ka sa exam. ‘Wag mo muna isipin ang nangyari kay Vanessa, o ano man ang nakakapagpabagabag ngayon ng iyong isipan. Kaya natin ‘to.”             Tumango lang si Jefferson, saka siya nagpatuloy sa harapan upang ilagay ang kaniyang bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD