Chapter26: The End of Me

2014 Words
IT is a beautiful morning for Vanessa to see her family being complete, eating delicious food at the dining table. Wala na siyang mahihiling pa para sa pamilya niya, kung may gusto man siyang hilingin sa maykapal, iyon ay ang sana hindi nawala si Reymark at Jason. Sana hindi nagdadalamhati ngayon ang pamilyang Thornhill at Lapeña. No one deserves to die at such a young age.             Tumigil sa pagkain si Shina. “Vanessa, bakit hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain?” nagtatakang nitong sabi.             “H-Huh, uh, eh, ano po kasi . . . Wala po, ma!” wala sa sariling sagot ni Vanessa.             “Honey, you can tell us anything. What is it?” Tumigil din sa pagkain si Rolly. “May problema ba sa school mo? Do you want to transfer? Or what?”             Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Vanessa. “It’s not that po.”             “Then what is it?” Hinawakan ni Shina ang kamay ni Vanessa sa ibabaw ng mesa. “Hindi ko po kasi maiwasang mapaisip tungkol sa mga kaklase ko. Si Reymark, ang dating best frined ko. Si Jason, ang masungit kong klasmeyt. Naging parte sila ng buhay ko at . . . I’m sorry po.”             “Shh, it’s okay, baby.” Hinawakan ni Shina ang kamay ng anak. “Naiintindihan namin. Ano kaya kung ‘wag ka muna pumasok ngayon sa school? We’re very sure naman na kayang mong humabol kahit um-absent ka ng isang araw, ‘di ba? Anong sa tingin mo anak? Okay lang naman din sa daddy mo. Puwede tayong mag-out of town after breakfast.”             “Gusto ko po sana, but mayroon kaming examination ngayon, mom.”             “Gano’n ba?” Pinanghihinaan ng loob si Shina.             “Ano kaya kung pagkatapos ng examination n’yo, pupunta tayo sa downtown para manuod ng cine? What do you think, honey?” masiglang sabi ni Rolly.             “Talaga ba, dad?” masayang wika ni Vanessa. “Sige po!”             “Ayos. Uuwi ako ng maaga para makapanuod tayo ng cine mamayang gabi.”             “O, sige na, Nessa. Bilisan mo na r’yan at baka mahuli ka pa sa examination n’yo ngayon.”             Bumalik silang lahat sa pagkain at pagkatapos ay hinatind ni Rolly si Vanessa sa paaralan gamit ang sasakyan nila.             “Good luck, honey!” sigaw ni Rolly habang nakalabas ng bahagya ang kaniyang ulo sa bintana ng sasakyan.             “Thank you, dad. Ingat po kayo!” Nag-flying kiss si Vanessa nang nakangiti.             Kumaway si Rolly. “Okay, goodbye!”             “Goodbye, dad!”             Tumalikod na si Vanessa at naglakad nang diretso papasok sa school main building, sa front door.       PAGPASOK ni Vanessa sa silid-aralan nila, nakaupo na sa kanilang mga upuan ang kaniyang mga kaibigan at handa na ang lahat. Nakangiting nakatingin si Kristine sa kaniya, maliban kina Jake na malayong nakatingin sa hangin at Jefferson na tulalang nilalaro ang hawak na lapis. “Ano na naman kayang iniisip ng dalawang ‘to?” Umupo si Vanessa sa kaniyang upuan.             Bahagyang tumayo si Kristine upang ilapit ang kaniyang baba sa tainga ni Vanessa na nasa harap niya lang nakaupo. “‘Wag mo munang isipin kung ano man ang iniisip ng jowa mo, baka maging hadlang lang ‘yan sa examination natin ngayon.” At bumalik ito sa pagkakaupo.             Malungkot na lumingon si Vanessa at hinarap si Kristine. “May nasabi ba siya sa inyo?”             “Si Jake? Nah, alam mo naman na hindi ‘yan makuwentong tao, ‘di ba?”             Bigong ngumisi si Vanessa at bumalik sa pagkakaupo ng maayos.             “Okay, class!” Biglang pumasok ang adviser nila. “Good morning. Please take out your pencils and kindly put your bags in front. Mga lapis lang ang nais kong makita sa inyong mga mesa at wala ng iba. Understood?”             “Yes po, sir.” sabay na sagot ng lahat.             Tumayo silang lahat at inilagay ang kanilang mga bag sa harap. Kinuha nila ang kanilang mga lapis at bumalik sa pagkakaupo.             Makalipas ang limang minuto, biglang pumasok si Ashly sa silid-aralan.             Nagkasalubong ang mga kilay ng kanilang adviser nang sabihin niya ito. “Saan ka galing, Miss Ashly?”             Napatigil ang lahat sa pagsagot ng kanilang mga test paper at napatingin sa kinaroroonan ni Ashly.             “I’m so sorry po, sir. Matagal po kasi akong nagising. Sorry po talaga.” Makikita sa mukha ni Ashly ang taos-puso nitong intensyon.             “Okay, come in. Next time, kapag naulit pa ito, I won’t let you in. This must be your lesson, and to everyone. It’s very unfair for others to come early in school just to make it here before I arrived.” Napakasupremo niyang pakinggan. He knows well where he’s standing on.             “Thank you po, sir!”             “Please leave your back in front and take out your pencil only. Make it quick.”             Mabilis na sinunod naman ni Ashly ang sabi ng kanilang guro at inabot nito ang test paper niya. Umupo siya sa kaniyang upuan at bago niya inumpisahan ang pagsagot, tinapunan niya ng matalim na tingin si Vanessa at ngumisi. “Ano na naman kayang iniisip ng bruhang ito?” tanong ni Vanessa sa kaniyang isipan. Inalis ni Vanessa ang tingin mula kay Ashly at bumalik sa pagsagot. Ilang minuto pa ang lumipas at may biglang kumatok na naman sa pintuan. Napatigil ulit ang lahat sa pagsagot at sabay-sabay na napatingin sa kung sino man ang kumatok. “Oh, good morning, Chief Copper!” bati ng adviser sabay tayo. “Ano pong kailangan n’yo at naparito po kayo?” Ngumiti lang si Chief Copper at inilipat ang tingin sa mga estudyanteng nakaupo, hinahanap nito ang mukha ni Vanessa. Walang emosyong napatitig ito nang makita niya ang hinahanap na mag-aaral. “Vanessa Gocela?” tawag ni Chief Copper. Napatingin ang adviser nila kay Vanessa at pati na rin ang lahat ng mag-aaral, habang nagtatakang napatitig din si Vanessa kay Chief Copper. “B-Bakit po, chief?” kinakabahang sabi ni Vanessa. “Sir, may I excuse, Miss Gocela?” “B-But she’s having–” Hindi nito natapos ang sasabihin nang makita niyang katabing nakatayo si Principal Leather kay Chief Copper. Tumango si Principal Leather, pagbibigay ng isang tanda nang pag-apruba sa nais ni Chief Copper. “Miss Gocela? Tinatawag ka nina Chief Copper at Principal Leather.” banayad na wika ng adviser nila. Tumayo si Vanessa. Tila naging isang ritmo ang bawat pagtibok ng kaniyang mabibigat na paghakbang papalapit sa kinaroroonan nina Chief Copper at Principal Leather sa may pintuan. Walang magawa ang mga kaibigan niya marahil ay wala silang alam sa kung ano ang nangyayari. “Thank you, Mr. Santos. You may continue.” sabi ni Principal Leather, at umalis kasama sina Chief Copper at Vanessa. “Okay, class. Please continue.” Bumalik ang lahat sa kanilang ginagawa na tila wala lang nangyari, maliban sa mga kaibigan ni Vanessa na sobrang pag-aalala ang kanilang nararamdaman. Hindi naman bago sa kanila ang ganitong tagpo, na tinatawag si Vanessa sa gitna ng kanilang klase, pero ang sa gitna ng pagsusulit, ibang usapan na para sa kanila ito. Habang tahimik na naglalakad sina Vanessa, Principal Leather at Chief Coppper, hindi maiwasan ni Vanessa na mapaisip kung bakit siya ipinatawag. Pumasok sila sa Principal’s Office, at umupo. “I’m sure na nagtataka ka, Miss Gocela, kung bakit ka namin ipinatawag. Right?” Nakatingin si Vanessa sa dalawang telepono na nasa loob ng tig-iisang transparent na plastic bag. “Yes po, Principal Leather. Maaari ko po bang malaman kung bakit n’yo ko ipinatawag?” Malakas ang pagtibok ng kaniyang puso at ngayo’y nakatitig sa bawat galaw ng labi ni Principal Leather. “Chief, please you may . . .” Tumayo si Chief Copper at lumapit sa table office ni Principal Leather. “These two phones here ay pagmamay-ari nina Reymark Lapeña at Jason Blake Thornhill. Natagpuan namin ang dalawang teleponong ito sa loob ng locker mo, Nessa.” desmayang sabi nito. “A-Ano po? No! Wala po akong alam diyan! Hindi ko magagawang pumatay o maging involved man sa nangyari sa kanila. They are my classmates, and Reymark was my best friend!” Napatayo si Vanessa. “And how about Mr. Jason? Do you hold any grudges for him?” “No, I mean, yes. Pero hindi naman po iyon ang rason kung bakit – Hindi ko po magagawang pumatay.” Halos maiyak na si Vanessa mula sa kaniyang pagkakaupo. “You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future.” Walang magawa si Vanessa kundi ang tumahimik na lang at hintayin na dalhin siya sa Chief Office. Napatingin siya sa mukha ni Principal Leather, hindi niya nakita ang pag-aalala o may pakialam man lang sa kaniyang mag-aaral, o kahit bilang isang SSG President niya. Hindi man lang niya ito ipinagtanggol. Aktong aalis na sana sila nang nagsalita si Vanessa. “Teka lang po.”             Napatigil si Chief Copper. “Ano ‘yon, Nessa?”             “Maaari ko po bang tawagan muna ang mga magulang ko?”             “You can call them kapag nasa Chief office na tayo. Okay?”             Tumango lang si Vanessa at sabay silang lumabas ng principal office.             “Thank you, Principal Leather.”             “You’re welcome, chief.”       AFTER the examination, hindi gaano nakapag-focus sa pagsagot ang magbabarkada marahil ay hindi nakabalik si Vanessa hanggang sa matapos ang kanilang pagsusulit. Nag-aalala sila sa kung ano ang nangyari sa kaibigan nila.             Lumapit si Jefferson kay Kristine. “I think we should go to the Chief Office.” suhestiyon nito.             “Paano mo nalaman na nagpunta si Vanessa at ang daddy mo sa Chief office, Jeff?” pagtatakang sabi ni Kristine habang nilalagay nito ang lapis sa kaniyang bag.             “U-uh, eh, it’s just a hunch.”             “Let’s ask Jake.” Isinuot ni Kristine ang kaniyang bag sa kaniyang balikat.             Nilapitan nilang dalawa si Jake sa kaniyang upuan.             “Bro, what do you think?”             “About what?” It seems he doesn’t care about what happened to his girlfriend.             “Jake, seriously? Your smart girlfriend might be in jail right now and you don’t give a f*ck about it!” Kristine can’t hold herself.             “You just said it. She’s smart enough to know what she’s up to.”             Kristine just rolled her eyes in pissed. “Tara na nga, Jeff. Gag* pala itong kausap natin.”             Iniwan nina Kristine at Jefferson si Jake na mag-isa, palabas ng silid-aralan. Huminto muna sila sa labas bago nagpatuloy sa kanilang pupuntahan.             “Siguro dapat muna natin siyang hanapin dito sa loob ng school. Baka nandito lang siya.” sabi ni Kristine.             “Yeah, you’re right. Unahin muna natin sa Principal’s Office, baka nanroon pa siya.”             Hindi na sumagot si Kristine at sabay nilang tinungo ang Principal’s Office. Pagdating nila, nakita nilang nakaupo habang tinatamasa nito ang musikang pinatugtog. Six Pieces, Op. 51, TH 143: 6. Valse sentimentale. Tempo di Valse by Pyotr Ilyich Tchaikovsky.             Pumasok sila sa loob. “Excuse us, Principal Leather.” wika ni Kristine.             “Yes, Miss Camarino?” nakangiting tugon ni Principal Leather.             “Alam n’yo po ba kung nasaan ang kaibigan namin? I mean, si Vanessa po.”             “Oh, our dearest SSG President? Dinala siya sa Chief’s Office kasama ni Chief Copper.”             “Bakit po raw?”             “Wala akong karapatan na sabihin kung bakit pero, ipagpalagay na lang natin na . . . Ano kaya ang ginagawa ng isang inosenteng tao, student specifically, sinundo at dinala sa isang lugar kung saan dinadala ang mga may nagawang kasalanan o labag sa batas?”             Right at that moment, alam na nina Kristine at Jefferson kung nasaan si Vanessa. “Thank you, Principal Leather.” At umalis sila palabas ng Principal’s Office. Paglabas nila sa school building ay agad na naghanap sila ng sasakyan upang pumunta sa Police Department.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD