Chapter 25: Breaking The Line

1603 Words
SINALUBONG ng malakas na ulan sa kaniyang paggising si Pocholo Jake. Bumangon siya at agad na dumiretso sa C.R. para umihi. Pagkatapos ay nagmumog ng tubig bago lumabas ng kuwarto. Pagbaba niya sa kanilang kusina ay tumambad sa kaniyang harapan ang ama, ina, at lolo niya na nagkakape.             “Good morning, Jake. Maaga ka yata nagising ngayon?” bati ni Rose. Ang ina ni Jake.             “Ang ingay po kasi ng ulan sa bubong,” tugon ni Jake habang kinakamot ang sariling buhok.             “Ito,” inabot ni Rose ang isang tasa ng kape kay Jake. “Magkape ka muna, anak.” nakangiti nitong sabi.             Tinanggap naman ito ni Jake at umupo sa tabi ng kaniyang lolo na nagbabasa ng diyaryo kahit halos hindi na nito nakikita ang mga letra.             “Jake?” biglang nagsalita si Julius. Ang ama ni Jake.             “Ano po ‘yon, pa?”             “Kayo pa rin ba ni Vanessa?”             Hindi alam ni Jake kung ano ba dapat ang magiging reaksyon niya sa tanong ng kaniyang ama. “Oo, pa. Bakit n’yo po natanong?”             “Gusto kong hiwalayan mo siya, ngayon na.” Sa pananalita ni Julius ay parang isang laro lang sa kaniya ang naging relasyon ng kaniyang anak at sa karelasyon nitong si Vanessa.             Nagulat si Jake. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ng kaniyang sariling ama. Pero agad niyang inisip na baka nagbibiro lamang ang kaniyang ama, subalit hindi niya nakikitaan ng pagbibiro ang mukha at mga mata ng kaniyang ama. “Nagbibiro po ba kayo, pa?”             “Mukha ba akong nagbibiro?” payak ang mukha nang sabihin ito ni Julius. “Naririnig ko ang nangyayari sa school n’yo. Ang ginawa niya sa isang mag-aaral, at siya rin ang sinisisi ni Principal Leather nang dahil sa nangyari kay Reymark.”             “Kung ano man po ang ginawa ni Vanessa kay Ashly, may valid reason po siya kung bakit niya iyon nagawa. At saka, ‘yong sinisisi siya ni Principal Leather dahil sa nangyari kay Reymark, na ang totoo ay siya nga rapat ang sisihin dahil nagpabaya siya.” nanggigil na tugon ni Jake. Gusto niyang magwala ngayon, pero wala siyang lakas na gawin iyon dahil nanghihina siya sa kanilang tagpo.             Hindi makapaniwala si Jake na masasabi ni Julius ang mga bagay na iyon, na mas kinakampihan niya agad ang mga salitang narinig niya sa ibang tao. Kahit hindi niya alam ang tunay na nangyari at rason kung bakit iyon nangyari.             “Basta, hiwalayan mo siya!” “Huh, bakit, pa? Hindi ko naman nabuntis si Vanessa at . . . wala rin akong plano na buntisin siya sa ngayon.” aniya, sabay tayo.             “Julius? Anong pinagsasabi mo?” nagtataka ring sambit ni Rose. Halata kay Jake na walang alam ang ina niya sa sinasabi ng kaniyang ama.             “H’wag kang makialam dito, Rose,” matigas na sabi ni Julius. “Sa ayaw’t sa gusto mo, maghihiwalay kayo! Bago pa maging huli ang lahat.” sabi nito sabay itinuro si Jake.             Umalis ng kusina si Julius habang bitbit ang isang tasa niyang kape. Nang tuluyan na itong nakaalis ay agad na nilapitan ni Rose si Jake para damayan. “Kakausapin ko ang papa mo mamaya. Maghanda ka na. Pumasok ka muna ng maaga sa school mo at doon na muna mag-stay. Okay?” malumanay lang ang boses ni Rose.             “Okay, ma.” malungkot na sagot ni Jake, at niyakap ang ina.       PUMUNTA ng Riverhills High si Chief Copper upang dalawin ang nurse na nag-alaga kay Kevin noong araw na dinala siya sa school clinic. May mga katanungan lang siya na gustong itanong. Pagpasok niya sa school building ay agad siyang dumiretso sa school clinic.             “Oh, good morning, chief? Ano pong ginagawa n’yo rito at napadalaw kayo?” wika ng nurse sabay tayo.             “I hope I’m not interrupting anything?” wika ni Chief Copper sabay lapit sa mesa.             “No, no, no. Please sit down.” Inilahad ng nurse ang kaniyang mga palad upang ituro ang upuang nakapuwesto sa harap ng kaniyang mesa.             Sabay na umupo si Chief Copper at ang nurse. “Pumunta ako rito para itanong sa ‘yo kung ano ang nangyari kay Kevin at paano niya nakuha ang mga pasa sa katawan, at mukha niya?” aniya, sabay tanggal ng kaniyang chief hat.             “Ah, ‘yon po ba? I was busy checking for the athlete’s medical records, tapos biglang tumunog ‘yong telepono at sinagot ko. Pamilyar sa akin ang boses nang kausap ko sa telepono pero no’ng puntahan namin siya sa mini soccer field, halos wala na siyang lakas para tumawag at magsalita. Kaya may kutob po ako na may kasama siya bago pa man kami dumating.”             “So, sinasabi mong may tumulong sa kaniya at hindi siya ‘yong tumawag ng tulong sa ‘yo?”             “Parang gano’n na nga, chief. Mag-isa lang din siya no’ng nadatnan namin siyang sobrang hina – nakaupo.”             “Wala ba siyang nabanggit na kasama niya o . . . tumulong man lang sa kaniya?”             “Wala po, eh.” malungkot na tugon ng nurse. She hates to disappoint the chief. Pero wala naman talagang nabanggit si Kevin.             “Well, if that so.” Tumayo si Chief Copper. “Thank you, Nurse Min, for your time and for answering my questions.” Isinuot niya ulit ang chief hat.             “You are always welcome, chief.” nakangiti nitong tugon. “Just let me know if there’s still something you need to know from me. Anything at all to help the case.”             “Sure. Aalis na ako.”             “Mag-ingat po kayo. Sobrang delikado na ng bayan po natin. We can’t lose the hero we only got here in this town.”             Hindi alam ni Chief Copper kung dapat ba siyang maging masaya sa sinabi ni Nurse Min o mapre-pressure. Maraming posibilidad at potential ang sinabi ni Nurse Min. Sadyang hindi lang talaga matukoy ni Chief Copper kung alin ang totoong ibig-sabihin nito sa kaniyang sinabi.       KATABING nakaupo sina Jake at Vanessa sa loob ng kanilang school living room. Wala sa kondisyon si Jake upang pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa examination nila bukas. Ang gusto niyang pag-usapan ay ang sinabi ng kaniyang ama sa kaniya kaninang umaga.             “What’s wrong, babe? Tell me. You know you can always talk to me . . . about anything, right?” wika ni Vanessa habang nilalambing si Jake.             Ayaw man sabihin ni Jake kay Vanessa ang tungkol dito marahil ay iniisip niyang maaaring masaktan ito sa kaniyang sasabihin. Subalit kailangan nila itong pag-usapan bago pa maging huli ang lahat para sa kanilang dalawa. “Okay. Kapag sinabi ba ng parents mo na hiwalayan ako . . . susundin mo ba sila?” Nakaharap si Jake nang sabihin niya ang mga salitang iyon.             Napaayos nang upo si Vanessa. Naramdaman niyang hindi lang ito isang karaniwang tanong, may pinaghuhugutan si Jake. “Of course not. You know that, right? I am willing to disobey my parents just to save our relationship. Bakit mo ba natanong? May problema ba sa parents mo tungkol sa relasyon natin, babe?”             Nang narinig ni Jake ang sagot ni Vanessa, he feels weak and small about himself, because he thought of considering about his father wants him to do. He loves his family, but he loves his girlfriend, too. Tumayo si Jake at aktong aalis na sana siya palabas ng living room. “I’m so sorry, babe. I should have –”             “Babe, anong nangyayari? What is this all about?” naguguluhang tanong ni Vanessa, at sinundan ang pagtayo ni Jake. “You’re freaking me out.”             “I need to fix it. See you tomorrow, babe. I love you.” Hinalikan ni Jake ang pisngi ni Vanessa at tuluyan na ngang umalis.             “Pero may klase pa ta–” Napabuntong-hininga na lang si Vanessa nang tuluyan na ngang lumabas ng living room si Jake.             She wonders what is going on. Sinundan niya si Jake pero bago pa man siya makalabas ng School Living Room ay nakasalubong niya si Chief Copper, pero nilagpasan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad nang may pumigil sa kaniya.             “Where do you think you’re going?”             “Bitawan mo nga ako, Ashly. I don’t have time to deal with your nonsense.” naiinis na sabi ni Vanessa.             “Well then, bibigyan kita ng oras.” Aktong sasampalin na sana ni Ashly si Vanessa ng may biglang pumigil sa kamay nito mula sa kaniyang likuran.             “Not this time, b***h!”             Lumingon si Ashly. “Baka gusto mong magkaroon ng time with Principal Leather?” sabi ni Kristine habang nakataas ang isang kilay.             Inirapan lang ni Ashly si Kristine at iniwanan ng matalim na tingin si Vanessa bago umalis.             Lumapit si Kristine kay Vanessa. “Anong kailangan ng bruhang iyon sa ‘yo, bhie?”             “Gusto niya siguro bumawi dahil sa ginawa ko sa kaniya sa shower room,” matamlay na sagot ni Vanessa.             “Bakit parang matamlay ka yata? Anong problema? May sinabi bang hindi maganda ang bruhang iyong sa ‘yo?” Hinawakan ni Kristine ang mga braso ni Vanessa. “Hintayin mo ko sa office ni Principal Leather at dadalhin ko ang bruhang iyon doon.” Aktong paalis na sana si Kristine para sugurin si Ashly, pero pinigilan siya ni Vanessa. “H’wag na, bhie. Samahan mo na lang ako sa coffee shop. May dalawang oras pa naman bago pumasok ang 21st century subject natin.” Anyaya ni Vanessa. Tumango lang si Kristine at sinamahan palabas, paalis ng school campus ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD