Chapter 17: Riverhills’ Squad

2046 Words
THE whole student and parents of Riverhills High School was filled with feeling of great pleasure and happiness because the school is reopened. Nakahanap na ng tatlong security guard ang paaralan sa pamamagitan ni Principal Leather at sa tulong ng mga Thornhill.             “Bilisan mo na d’yan, Jeff!” wika ni Chief Copper habang kumakain sila. “Ihahatid kita sa school.” Uminum siya ng tubig.             Nang marinig ni Jefferson ang sinabi ng kaniyang ama ay napatigil siya sa kaniyang pagkain.             “Anong sabi mo, dad? Ihahatid mo ako sa school? Eh, may kotse naman ako! ‘Wag na lang po.” malungkot na sagot ni Jefferson.             “Alam ko. Kaya ihahatid kita ngayon at bawal mong gamitin ang sasakyan mo!” maawtoridad na wika ni Chief Copper sabay inilahad ang kanang kamay sa hangin.             Napatingin si Jefferson sa kamay ng kaniyang ama at saka inilipat ang tingin sa mukha ng kaniyang ama.             “The key. Hand it over.”             “Seryoso ka ba, dad?”             “Mukha ba akong nakikipaglokohan sa ‘yo? O, baka gusto mong tutukan kita ng baril?” Walang magawa si Jefferson kundi sundin ang kaniyang ama. Dahan-dahan niyang kinuha ang susi ng sasakyan mula sa kaniyang bulsa habang masalimuot ang mukha at saka inabot ito sa kamay ni Chief Copper. “‘Wag mong kalimutan ‘yong pagpasok mo sa opisina ko ng walang paalam sa akin at kahit na nagpaalam ka . . . hindi pa rin kita papayagan.” Inilagay ni Chief Copper ang susi sa kaniyang bulsa at saka pinunasan ang mga labi. “Ibabalik ko lang ito kapag nahuli na ang pumatay sa mga kaklase mo.” dugtong pa niya. Biglang napalunok si Jefferson, dahilan upang mabulunan siya. “Okay ka lang, Jeff?” Tumango lang si Jefferson at saka uminum ng tubig. “May gusto ko bang sabihin sa akin, Jeff?” “Po?” Nataranta si Jefferson, “Wala po, dad.” “Okay.” maikling tugon ni Chief Copper. Para maalis ang kaba at tensyon na nararamdaman ni Jefferson ay agad niyang ibinalik ang usapan tungkol sa suicide case ng mga kaklase niya. “You mean, hindi sila nagpakamatay? Sina Jason at Reymark?” “Hindi ko maaaring sabihin kahit kanino ang tungkol sa imbestigasyon pero, para sa ikabubuti mo, anak. Oo, pinatay sila. Kaya gusto kong ihatid ka sa school at susunduin kita pagkatapos ng klase mo para siguraduhing ligtas ka.” Hindi na nag-aksaya ng laway si Jefferson para sagutin pa ang ama. Alam niyang kahit ano pang sabihin niya ay hindi pa rin magbabago ang isip nito. “Tapos ka nang kumain? Tara na.” wika ni Chief Copper sabay tayo. Tumayo naman si Jefferson at agad na sumunod sa kaniyang ama palabas ng bahay.       EVERYTHING’S seems coming back. Ang mga ingay ng mga paang naglalakad, mga tumatakbong estudyanteng huli na sa klase, at mga estudyanteng nag-uusap sa hallway locker. Mga pangkaraniwang nangyayari sa loob ng Riverhills High. Pero may kakaiba ngayong araw, mayroong dalawang security guard na nakatayo at nakaharang sa double door papasok ng school building.             “Pakawalan n’yo nga ako!” galit na sabi ni Kio. Mas lalong gumulo ang mga buhok nito dahil sa pagpupumiglas na makapasok.             “Kung hahayaan mo lang sana kami na suriin ang laman ng bag mo, eh, ‘di, sana kanina ka pa nakapasok sa loob,” kalmadong tugon ng security guard na halatang may malalaking kalamnan dahil sa bakat ang mga ito sa suot nilang uniporme. Habang kinakausap at pinipigalang makapasok ng isang security guard si Kio, hinablot naman ng isang security guard ang bag ni Kio at agad na binuksan ito upang suriin ang laman nito. Nahahalatang kinakabahan si Kio dahil sa malalaking pawis na namumuo sa kaniyang noo.             “Isang matalas na kutsilyo–” Inilabas ito ng security guard mula sa bag ni Kio. “At isang maliit na garapon na naglalaman ng . . .” Napakunot ang noo ng security guard dahil nag-aalangan siya kung tama ba ang kaniyang naiisip. Tamud?             “Puwede bang kunin n’yo na lang ‘yang kutsilyo ko at ibalik mo na lang ‘yang garapon ko!” Parang mangangagat si Kio ayon sa kaniyang kinikilos.             Ibinalik naman ng security guard ang garapon sa bag ni Kio at kinumpiska ang kutsilyo nito.             Inabot ng security guard, pabalik kay Kio ang bag. “Makakapasok ka na pero–” Papasok na sana si Kio pero hinarang siya ulit ng security guard na pumigil sa kaniya kanina. “Diretso ka sa Principal’s Office!” aniya.             “Doon naman talaga ang punta ko,” pabulong nitong sabi.       MAYBE this is the best day for other students, but not for Kevin. Nasa likod siya ngayon ng school building, duguan ang ilong at na ginawang punching bag ang mukha nito. Kasama niya ang ibang mga mag-aaral na walang ibang ginawa kundi ang maghanap nang gulo. Riverhills’ Squad.             “P-Please, s-stop it already!” pagmamakaawang sabi ni Kevin, habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa kaniyang mga tuhod bilang tungkod.             “Hawakan n’yo!” Utos ng pinuno nila. Kung ilalarawan ang kaniyang hitsura gamit ang isang salita – innocent. May suot na salamin at malinis na uniporme. Walang sino man ang mag-aakalang isang bad boy pala ang taong ito.             Itinayo ng dalawang kasamahan niya si Kevin, hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilang braso.             “Ano ba kasi ang kasalanan ko at bakit n’yo ‘to ginagawa sa a–” Hindi natapos ni Kevin ang kaniyang sasabihin nang biglang binigyan siya ng isang malakas na suntok sa kaniyang tiyan.             Dahil dito ay unti-unti siyang nawawalan ng lakas, kasabay nito ang pagdaloy ng sakit na nadarama mula sa kaniyang tiyan hanggang sa buong katawan niya. Lumalabo na ang kaniyang paningin, subalit nilalabanan niya ito. At tanging malalakas na tawa lang ang umalingawngaw sa buong paligid niya.             “Gusto mong malaman?” natatawang sabi ng pinuno, at saka ngumisi. Lumapit siya ng sobrang lapit. “You’re getting to the edge. It was better before, before you didn’t show some kindness to your friends.”             “I don’t know what you are saying about. Only Reymark was my real friend.” Hindi malinaw kay Kevin kung ano ang ibig-sabihin nito. “H-Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo!” Nanghihina pero pinilit niya pa ring makapagsalita.             Napangisi ulit ang pinuno, iniisip niya kung gaano ka bobo si Kevin o sadyang niloloko lang siya nito. Kaya napagdesisyonan niyang gulpihin ito hanggang sa mawalan nang malay.             “Hawakan ninyo ng mabuti!”             Bago pa man tumama ang namamagang kamay nito, “Itigil mo na ‘yan, Angelo!” sigaw ni Jefferson. Walang nakapansin sa biglaang pagdating niya.             Hindi itinuloy ni Angelo ang balak niyang suntukin si Kevin at dahan-dahang ibinaba ang kaniyang kamao.             Lumapit si Jefferson sa kinaroroonan nila at hinarap si Angelo. “Anong ginagawa mo, Angelo?” galit nitong sabi.             Ngumisi si Angelo, “Bakit? May kinakampihan ka na ngayon? Kaibigan mo na rin ‘to?” wika niya, at saka hinila ang buhok ni Kevin.             Imbes na magsalita si Jefferson upang sagutin ang tanong ni Angelo, matalas lang siyang nakatitig sa mga mata ni Angelo at gayundin ito.             “Fine! Pakawalan n’yo siya!” Utos ni Angelo ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Jefferson.             Naglakad patungo sa likod ni Jefferson si Kevin na tila nagtatago ito.             “Makakarating ito kay P.L, alam mo ‘yan!” Pagbabanta ni Angelo.             “Don’t you ever try to hurt my friend’s friends. Tandaan mo ‘yan! Baka nakalilimutan n’yong ako pa rin ang alas dito.” Kulang na lang na kainin ni Jefferson si Angelo sa talas nitong tumitig.             Tumalikod si Jefferson, “Tara na.” Inalalayan niya si Kevin paalis sa lugar.             Habang naglalakad paalis sa kinaroroonan sina Jefferson at Kevin ay biglang narinig nilang nagsalita si Angelo, “Hindi pa tayo tapos!” Napahinto sila, pero agad din nagpatuloy sa paglalakad.   Nang nakaalis na sila sa lugar na ‘yon ay huminto muna sila sa maliit na soccer field at umupo sa bleachers. Napansin ni Kevin na kanina pa tahimik at hindi tumitingin sa kaniya si Jefferson. Kaya hindi niya mapigilang mapatanong.             “Salamat nga pala sa pagligtas sa akin. Kung hindi ka dumating . . . siguro napuruhan na ako.” Pagbasag ni Kevin sa tahimik na sandali, habang nakahawak sa kaniyang sumasakit na tiyan. Hindi pa rin umiimik si Jefferson o kahit lumingon lang man, hanggang sa naisipan niyang magsalita. “Kaya mo na? May klase pa ako.” walang emosyong sabi ni Jefferson, sabay tayo.             Dahan-dahang tumayo si Kevin kahit masakit ang katawan ay pilit niyang tumayo para matapos na ang pang-aabala niya kay Jefferson. “Ugh!” halinghing ni Kevin at saka muntik na siyang napaluhod, pabagsak sa lupa. Mabuti na lang at nasalo siya agad ni Jefferson at inalalayan siyang makatayo.             Habang ang isang kaliwang braso ni Kevin ay nakaakbay sa kanang braso ni Jefferson, kinuha ni Jefferson ang kaniyang telepono mula sa kaniyang kanang bulsa at agad na tumawag nang tulong.             “Emergency po! Nandito kami sa mini soccer field ngayon.”             Pagkatapos tawagan ni Jefferson ang school nurse ay dahan-dahan niyang ibinalik paupo si Kevin sa bleachers.             “S-Salamat talaga, Jeff. Utang ko sa ‘yo ang buhay ko,” wika ni Kevin habang iniinda ang sakit.             “Save your strength. Parating na sila.”             “Paano ko masusuklian ang iyong kabaitan? Sabihin mo, Jeff.”             “Wala kang dapat gawin o suklian.”             “Sige na, please. I insist.”             “Okay, fine. Kapag dumating na sila para tulungan ka . . . I want you to say nothing to them.”             “P-Pero, bakit?”             “Gawin mo na lang ang sinabi ko. ‘Di ba, gusto mong suklian ang pagligtas ko sa ‘yo? This is it. Okay?”             Tumango si Kevin. “Okay.”               Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin ang school nurse kasama ang limang mag-aaral na may dala-dalang stretcher, at upang tumulong sa pagbuhat kay Kevin.             “Nasaan na ang kasama mo?” tanong ng school nurse.             Mabilis na natukoy ng school nurse na wala namang bali si Kevin dahil nagawa naman nitong makaupo at kumilos nang makita nitong palapit na sila. Habang dahan-dahan na inalalayan nila si Kevin pahiga sa stretcher. “W-Wala akong k-kasama,” tugon ni Kevin.             “So, you’re saying na ikaw ‘yong tumawag sa akin?”             Hindi na sinagot ni Kevin ang school nurse. Paraan niya upang hindi na magtanong pa sa kaniya, at gumana naman ito. Hindi na pinilit ng school nurse na tanungin si Kevin at sumenyas siya sa apat na mag-aaral na nakahanda nang buhatin si Kevin.             “Are you ready, Kev?”             Tumango lang si Kevin habang nakapikit ang mga mata.             “Okay. Dadalhin ka na namin, huh, sa clinic. Magsabi ka lang kung may nararamdaman kang masakit.”             Hindi sumagot si Kevin. Kung kaya ay binigay na ng nurse ang hudyat upang buhatin na nila Kevin. “Okay. Let’s go. Please be careful, boys.”             Nakatingin lang mula sa malayo si Jefferson habang pinagmamasdan ang pag-alis nila. Ano kaya ang kaniyang tinatago, at bakit ayaw niyang malaman ng ibang tao ang ginawa niyang kabutihan kay Kevin, sa kapwa niya mag-aaral. But that doesn’t matter right now. Kailangang madala sa agad sa clinic si Kevin para matingnan ng mabuti kung may malubha ba itong natamo mula sa pagkabugbog.             Sa kabilang ibayo ng nangyayari, halos gustong wasakin ni Angelo ang buong paaralan dahil sa tindi ng kaniyang galit dahil sa ginawa ni Jefferson sa kaniya kanina. Hindi matanggal sa kaniyang isipan kung paano siya pinahiya ni Jefferson sa harap ng kaniyang mga kasama.             “Ako pa rin ang alas.” He imitates Jefferson’s voice. “Akala niya kung sino siya kung magsalita. May araw rin siya sa akin. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin.”             “Baka gusto mong gawin ngayon, boss?” sabi ng isa sa mga tao-tauhan niya.             “Wala ka ba talagang utak? Kung gagawin natin ngayon, eh, ‘di, patay tayo kay P.L. at kay – Hindi naman siya problema,” galit niyang sabi, at saka siya umupo sa isang sirang upuan na gawa sa kahoy. “Gusto ko siyang makitang nahihirapan.” Ngumisi siya na parang baliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD