Pauwi si Megan galing sa Coffee Shop. Abala siya sa kaniyang cellphone habang naglalakad sa bangketa.
"Ang swerte mo, Bes! Sana ako na lang ang nahalikan ni Zack..." bulong ni Megan sa sarili na sinundan pa ng isang buntunghininga.
Habang naglalakad, nakasalubong ni Megan si Chris Rowan--ang reigning MVP ng basketball club ng kanilang school. Matangkad, gwapo at mayaman. Kilala sa kanilang eskuwelahan dahil sa malakas niyang dating sa mga babae.
"Hey!" bati ng binata.
"Chris?"
"Ikaw 'yong friend ni Sheena, right? You're Megan?" tanong ni Chris.
Napaayos ng buhok si Megan. "Y-yeah. Bakit?"
"Kumusta na si Sheena?" tanong ng binata. "Napanuod ko kasi sa internet 'yong video nila no'ng Zack Ross."
"Ayon, hindi okay. Nahihiya s'ya, although, marami namang positive feedback about sa video."
"I see. Sana okay lang s'ya."
Nagataka si Megan. Hindi naman sila nagkakausap ni Chris at lalong hindi rin nakakausap ni Sheena ang binata kung kaya't labis na ipinagtaka ni Megan ang pagiging concern ni Chris kay Sheena.
"Teka," kunot-noong reaksyon ni Megan. "Bakit parang concern na concern ka kay Sheena?"
"Ha? A-wala, wala. S-sige, Megan. Nice meeting you."
Biglang maglakad si Chris palayo.
"Anong problema no'n?" pagtataka ni Megan. "H-hindi kaya may gusto siya... sa 'kin?! Shocks! Ang ganda ko talaga, from root to tips!"
***
Sheena
Nakausap ko sa phone ang Manager ni Zack Ross—si Jona Sikat. Pinapunta niya ako sa isang magarang condo sa Makati... pero isang hindi inaasahang unggoy--este--tao ang naabutan ko sa lugar na 'yon—ang antipatikong si Zack Ross.
"Ikaw na naman!?" pagsisimula ng kasungitan niya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Ang sungit mo naman! May hinahanap lang—" agad kong sagot sa kaniya.
"Umalis ka na," bigla putol niya sa sinasabi ko. Bigla niya pang isinara ang pinto, pero agad ko 'yong naitulak at napigilan.
"T-teka, teka, teka!" protesta ko habang nakikipag tulakan sa pinto.
"What do you want!?" Pilit din niyang tulak sa pinto para maisara.
"Sandali lang, may kakausapin lang ako!"
"Alis!" he said.
"Hinahanap ko lang si Mr Jona Sikat!" bulalas ko.
"What?"
Sandali siyang natigilan.
Bigla siyang umatras at nasubsob ako, papasok sa loob ng unit niya. Kumaskas 'yong mukha ko sa carpet. Dali-dali akong tumayo at ambang sasapakin ang mukha niya pero nakapagpigil ako.
"You're gonna punch me in the face?" parang nanghahamon niyang sabi habang iniaalok ang mukha niya. "Go."
Idinaan ko na lang sa sigaw ang inis ko. Sabay baba ng kamao ko.
He smirked. "Tch. Wala ka pala."
Huminga na lang ako ng malalim. "Makalayas na nga lang sa lugar na 'to," inis kong sabi bago ako tuluyang naglakad palayo.
"Heh! Sige, alis na flat-chested!"
Napahinto ako sa paglakad at napakagat ng labi sa inis. Pumikit ako at huminga ulit ako nang malalim.
"Walkaway Sheena" mahinahon kong bulong ko sa sarili. Muli ay marahan akong naglakad.
"Oh? Saan ka pupunta? Papa-vulcanize mo na ba 'yang flat chest mo?"
Parang may bulkan na biglang pumutok sa loob ko. Parang umakyat sa ulo ko ang lahat dugo ko sa katawan. Kasabay nang pagdilim ng paningin ko ang pagpapakawala ko ng isang malakas na suntok—diretso sa gitna ng mga mata niya.
Sa lakas ng suntok ko, nawalan siya ng balanse at napatihaya sa sahig.
"Aaaaraaaayyy!!" namimilipit niyang inda.
"Ano? Masakit ba?" pang-aasar ko pa sa kaniya.
"Walang hiya ka! Idi-demanda kita!"
"Idimanda mo, wala akong pake."
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis nang bigla niyang bablutin ang isang binti ko.
"Saan ka pupunta ha?"
"Ano ba!? Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ko.
Nawalan ako ng balanse at napatumba sa kaniya. Napasigaw na lang kaming dalawa nang magdikit ang mga katawan namin sa sahig.
"Yuck! Bitiwan mo 'ko! Bastos! Bastos!!"
Ang lagkit ng katawan niya sa pawis.
"'Di ako makahinga!! Ang bigat mo!" peklamo nya.
Pinaghahampas ko siya sa dibdib. "Manyak! Manyak! m******s! Tuloong!"
Mabilis naman niyang nahawakan ang mga braso ko. "Tumigil ka nga! Anong manyak!? Mahiya ka nga sa balat mo! Wala ka ngang dibdib eh!"
"Aba't talagang—!?"
Kinagat ko ang braso niya kaya't napasigaw siya't napabitiw. Mabilis naman siyang bumawi at idinikit ang pisngi ko sa pawisan niyang dibdib.
"Bitiwan mo ako! Malagkit ka!"
"Ayoko! Flat chested!"
"Stop calling me flat chested!"
"Anong ginagawa 'nyo!?" sigaw ng isang boses.
Natigilan kaming dalawa ni Zack sa pag-aaway. Magkapatong pa kami nang maabutan kami ng isang lalaking naka-americana, hati at plantsyado ang buhok, suot ang malaking salamin, kasama ang 'sang katutak na reporter at mga lalaking may hawak na camera. Tulala silang lahat.
"M-Mr. Jona??" pagkabigla ni Zack.
Nagulat ako. Ang lalaki palang iyon ay si Mr. Jona Sikat.
Mabilis kaming napatayo. Dali-dali nama akong nag-ayos ng buhok at damit.
Nagpaling ng tingin si Mr. Jona sa mga kasamang reporter. "P-pasensya na kayo, kakausapin ko lang muna ang alaga ko, okay?" nahihiya n'yang sabi.
***
Nakaupo ako sa malambot na sofa, katabi si Zack, habang dina-dampian naman niya ng icebag ang mukha niyang ipinansalo niya sa kamao ko.
Hindi mapakali at palakad-lakad sa aming harapan si Mr. Jona.
Tahimik lang kami hanggang sa magsalita si Mr. Jona. "Sobrang eskandalo na ito..." napahawak pa siya sa kanyang ulo.
Sa tono pa lamang ni Mr. Jona, alam ko nang isa siyang babae na nasentensyahang makulong ng panghabang buhay sa katawan ng isang lalake.
"Manager Jona, anong ginagawa niyo rito? Akala ko nasa Malaysia kayo?" tanong ni Zack habang patuloy sa pagdampi ng icebag sa kaniyang mukha.
"Umuwi ako agad nang mapanuod ko ang video mo."
"Ah, 'yon ba? Ano kasi—"
"Shh! Don't talk. Hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito kung nanatili ka sa Malaysia!"
Mukhang seryoso na ang usapan nila kaya't napagpasyahan ko nang magpaalam. "Uhmm, excuse me po. Uuwi na lang po muna ako. Baka nakakaistorbo na po ako."
"No, Hija. Sit down. D'yan ka lang. We need to fix everything," ani ni Mr. Jona.
"P-po? Kasali ako?" gulat kong reaksyon.
"Natural. Pareho kayong involved." sagot niya.
"Manager Jona," hirit na naman ni Zack. "Hindi na natin kailangan ng flat chested na 'yan. Pauwiin 'nyo na s'ya."
Parang nagpintig na naman ang tainga ko. "Hindi ka ba talaga titigil sa pang-aasar!?" amba ko siyang susuntukin ulit.
"Manager, oh! Manununtok na naman!"
"Jesus! Will you two stop arguing!"
Agad kaming natahimik ni Zack.
"Zack, kasama na si Sheena sa problemang ito. Kung hindi mo sana ako tinakasan sa Malaysia, e di hindi mo sana makikilala itong flat chested na ito—no offense, Hija."
"None taken." Awts ha.
"At hindi sana tayo magkakaproblema ng ganito," pagtutuloy ni Mr. Jona. "On hold ang mga endorsements mo ngayon dahil sa video 'nyong dalawa. Naghihintay ang mga advertisers ng sagot from you!"
"It's still mendable," buntunghininga ni Zack.
"Yes, mendalble. True. Kaya nagpatawag ako ng Press ngayon para sana linawin na aksidente lang ang nangyari sa inyo doon sa event kahapon." Lumapit siya sa harap namin ni Zack at tumingin ng buong pagsusungit. "Kaya lang, inabutan kayo ngayon ng Press na mahalay ang ginagawa!!" sigaw niya sa pagmumukha namin.
Napapunas na lang kami ni Zack ng mukha sa daming laway na sinalo namin.
"This is all a misunderstanding, Manager. Wala kaming ginagawang masama!"
"Oo nga po. Wala kaming ginagawang masama," segunda ko.
"Wala kang damit, Zack, habang nagyayakapan kayo sa sahig. Ano sa palagay nyo ang iisipin ng media?"
Natahimik ulit kaming dalawa ni Zack.
Umilig si Mr. Jona. "This situation is beyond my control, Zack."
Nagpalakad-lakad ulit siya sa harap naming dalawa.
"Kailangan nating maayos ang nangyari kanina."
Prenteng sumandal si Zack sa sofa. "So, what do you suggest, Manager?"
Lumapit sa 'kin si Mr. Jona at tumayo sa harap ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw 'yong finals MVP sa nakaraang Asian Volleyball Championship, right?"
"Ho? O-opo."
"Nakita ko na maganda ang feedback mo sa public dahil sa contribution mo sa pagkakapanalo ng Pilipinas... may boyfriend ka na?"
"Ho—?"
"Just answer the question. Gusto mong maayos ang eskandalong ito, 'di ba? May boyfriend ka na ba?"
"W-wala po."
"Wala kang boyfriend? Sigurado ka?"
"Opo.
Tumawa si Zack. "Hindi pa nagkaka-boyfriend 'yan, eversince."
Tinignan ko si Zack ng masama. "Manahimik kang unggoy ka ha."
"Mga nanliligaw?" muling tanong ni Mr. Jona.
"Meron po, pero wala pa akong nagugustuhan sa kanila."
"Perfect."
"Sandali, Manager," singit ni Zack. "Anong kinalaman ng mga tanong na 'yan sa problema natin?"
"Malaki. Dahil simula ngayon, officially, mag-on na kayo."
Nagulat kami at sabay na napatayo. "What!?" Nagkatinginan kami at sabay na napakunot ang noo. "NO WAY!!"
Tumango-tango si Manager Jona. "Yes way..."
Oh My God. Hindi nangyayari sa 'kin 'to!!