Leche. Nakakainis talaga 'yong nangyari kanina sa event concert. Bakit 'yong Zack pa na 'yon 'yong... Ugh. 'Yon ang first kiss ko.
Kukuskusin ko ng Zonrox with bleach 'tong labi ko mamaya.
Kasalukuyan naming binabagtas ni Megan ang kahabaan ng edsa, sakay ng MRT.
"Seriously, She? Si Zack 'yong nagtanggal ng bra mo?"
"Palda, Meg! Palda!"
Ipinikit niya ang mga mata niya at yumakap sa katabing tubo. "Hindi lang talaga ako makapaniwala. Grabe, kinilig talaga ako."
Pakshet.
Tumahimik siya sandali at tinitigan ako ng nakakalokong tingin. I don't like the way she smiles.
"O, ba't ganyan ka makatingin?"
"How was it?" ngisi niya.
"How's what?"
"Alam mo na 'yon!"
"Alam ko na ang ano?"
"'Yong halik niya! Grabe, naiingit talaga ako. Masarap ba?"
Ay gagang to. Kung hindi ko lang siya Bestfriend, sinakal ko na siya. Para sa destiny ko dapat ang first kiss ko, hindi para sa isang mayabang at antipatikong Zack na 'yon.
"Ayoko nang pag-usapan, Meg."
Hindi mapakali si Megan kaka-browse ng phone niya habang ako naman ay tahimik lang na nakasilip sa labas ng salamin na bintana ng tren—ang traffic sa labas, lalo akong inaantok.
Bigla niyang itinapat ang cellphone niya sa mukha ko. "Tignan mo, best, 'yong picture namin ni Zack, o!"
Pa'no ko naman makikita idinikit niya sa mukha ko 'yong phone nya.
"Ang cute n'ya, She! Ihh!"
Napangiwi ako.
Sus, ano bang cute rito? Ah, baka 'yong background.
"'Buti pumayag s'yang magpa-picture sa 'yo?" sabi ko.
"Actually, ayaw n'ya talaga akong pansinin, pero..."
***
Megan's Flashback
Nakita kong paalis na si Zack sa venue kanina, kaya tinawag ko siya.
"Zack! Zack!"
Lalapit sana ako pero hinarang ako ng dalawang matabang bodyguard. Ang taba nila promise.
"Miss. Hindi na po kayo pwedeng lumapit," supladong sabi ng isa.
Taba ng leeg niya. I swear.
Nginitian ko siya. "Sandali! Bestfriend ko 'yong humalik kay Zack!" sabi ko.
Mukhang narinig ni Zack 'yong sinabi ko kaya't napahinto s'ya sa paglalakad.
Humarap siya sa akin at nakapamulsang lumapit. "Bestfriend mo 'yong baliw na babae kanina?"
"Oo," nakangiti kong tango. Ang guwapo niya.
Nagtaas siya ng isang kilay. "What's her name?"
"Sheena... Sheena Marie Flores."
***
Sheena
Napapadyak ako sa kinatatayuan ko. "What!? Sinabi mo sa unggoy na 'yon ang buong pangalan ko!?"
"Yep. Tinanong n'ya, e."
Napa-face palm na lang ako.
"Pero 'di ko sinabi middle initial mo, beh."
"Meg naman, eh!"
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Alam mo, sabi niya, hindi ka raw marunong humalik."
Naningkit ang mga mata ko. "Wait. Sinabi niya 'yon?"
"Oo. Sabi ko, hindi ka pa kasi nagkaka-boyfriend. Sabi ko virg--"
"Bwiset ka, Meg! Ikuwento mo na kaya sa kaniya lahat!"
Tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Huwag ka nang magalit, bes. Mabuti nga hindi siya nagalit no'ng hinalikan mo siya, e."
Napapadyak ako ng paa at napasigaw sa inis. "Aksidente ang pagkakahalik ko sa unggoy na 'yon! Gets?!"
Nagtinginan sa 'kin lahat ng tao sa loob ng MRT.
Hinila ng batang lalaki ang damit ng mama niya. "Mama, nakikipaghalikan siya sa unggoy."
Yumakap at bumulong ang mama niya. "Anak, minsan may mga pinagdaraan ang tao kaya nakagagawa sila ng mga bagay na hindi dapat."
Pakshet talaga!
Nagkakandamalas-malas 'yong araw ko dahil sa Zack na 'yon. Urgh!
***
Dumiretso ako sa kuwarto pagkatapos magwash-up. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at pilit na kinalimutan ang walang kwentang araw ko.
Habang nakapikit ang mga mata ko, hindi mawala sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon. 'Yong tingin niya sa akin habang...
Aaaaarghhhh!
No, no, no, no. Ayoko maalala. Kinuha ko 'yong favorite kong unan at itinakip ko sa favorite kong mukha.
***
Late na ako nagising ngayong araw. Wala ako sa mood. Naupo ako sa maliit na mesa sa kusina at humigop ng mainit na kape.
"Ate! Ate!" humahangos na tawag sakin ni Arjay, hawak yung laptop nya.
"Bakit?"
"Kilala mo pala si Zack?!"
"'Yon 'yong baliw na rockstar, 'di ba?" tanong ko kasunod ng isa pang higop.
"Oo, teh. Kumakalat sa internet 'yong kiss nyo, o!"
Naibuga ko 'yong hinihigop kong kape. Mainit.
"Paki-ulit nga 'yong sinabi mo!"
"Viral sa internet ang video nyo ni Zack, Ate."
Ipinakita sa akin ni Arjay 'yong video. Mukhang kuha 'yon ng isa sa mga taong nando'n sa event.
Oh my God—thirty thousand likes!? six thousand shares!?
Sa taranta ko nalagok ko 'yong buong bagong kulong kape sa baso.
Napasigaw ako nang sobrang lakas at napahampas sa mesa.
"Bakit, Ate?"
"Ang init no'ng kape! Pweh! I'm calling Megan! 'Wag mo 'yang ipapakita kena Mama't Papa, okay?!"
"Pero, bakit?"
"Basta!"
"Okay, Ate."
"Nga pala, Arjay." Nagtaas ako ng isang kilay. "May hotdog pa ba sa ref?"
"P-parang meron pa, Ate. B-bakit?"
"Itapon mo sa malayo!"
Napangiwi siya. "Ha??"
***
Nakakainis. Puro kantyaw na ang inabot ko sa f*******: at text messages. Pati ilang mga kapit-bahay sa labas alam na ang tungkol sa video. Nag-deactivate muna ako ng sss. Mabuti na lang at hindi pa umaabot 'yon kina Mama't Papa.
Nakipag-meet ako kay Meg sa isang coffee shop. Naka-shades ako habang balot ng scarf ang buo kong mukha—para walang makakilala sa akin.
"Meg!" sitsit ko sa kaniya habang nasa likod ng mga halaman.
Napakunot ng noo si Megan. "Sino ho sila?"
"Ako 'to. Si Sheena."
Lumapit siya sa akin. "She, ikaw ba 'yan?"
"Oo! H'wag kang maingay!"
"Sheena!? I-ikaw nga. B-ba't ganyan ang bihis mo? May Ebola ka ba?"
"Shhh!" Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ko ipakita kay Megan ang cellphone ko. "Tignan mo."
Kinuha niya ang phone ko at tinignan.
"Oy, Bes! Video 'nyo 'to ni Zack ah?! Ako 'yong nasa kaliwa oh—!"
"Leche! Megan! Serious matter 'to!"
"Oo na, binibiro ka lang."
"Meg, umalis ako sa bahay, three hundred thousand likes lang 'yan, ngayon, four hundred na! Nakakainis talaga."
"Look, Bes, oh, magaganda naman ang mga comments."
Bagay sila!
2,863 Likes
Ang cute naman nila! >__