S01EP02

1617 Words
Sheena "At last! Home sweet home," 'yan ang bungad ko pagbaba ko sa taxi, sa harap ng bahay namin. Na-miss ko talaga ang maliit naming bahay. Halos isang buwan din kasi ako sa Malaysia para sa Asian Volleyball. Maswerte talaga ako at napili ako para maglaro as a Libero para sa team ng bansa. Pagbaba ko pa lang ng taxi, sinalubong na ako ng ilang mga kapit-bahay. "Uy, She! MVP!" "She, napanuod kita sa tv!" "Ang galing mo, Sheryl!" Shonga, Sheena ang pangalan ko. "Nice, She! Proud kami sa 'yo!" "Hi, She! Sagutin mo na ako!" Pakyu Eric. Halos lahat na yata ng tambay rito sa lugar namin nanligaw na sa akin, pero alam kong hindi ko pa nakikilala ang destiny ko, kaya sareh. "Go, Sherwin!" "Sinong Sherwin! Leche ka!" Magulo ang lugar namin. Nangungupahan lang kami sa isang maliit na apartment sa loob ng isang compound. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maialis sina Mama, Papa at ang kapatid kong lalaki sa lugar na ito, kaya pursigido akong pagbutihin ang paglalaro ko ng volleyball. Isang taon na lang naman ako sa college at gagraduate na ako sa kursong Bio-chemistry. Tsaka ang ganda ko today. Wala lang. Ayaw nyo? Maswerte ako at nakahiligan ko ang volleyball. Dahil doon, naging varsity ako. Ang saya lang, kasi bawas sa gastusin nina Mama't Papa. Hindi naman kasi kami mayaman. "'Ma! 'Pa!" masayang bungad ko sa kanila pagbukas ko ng pinto. "Sheena!" Niyakap agad ako ni Mama. Si Mama--isang dedicated house wife and best nanay. Puro prito ang madalas n'yang ihain. Lahat na ng pwedeng iprito naiprito na n'ya. Inaantay ko na lang iprito n'ya 'yong kapitbahay naming mahilig magvideoke. "Anak, congrats! Napanuod namin ang laban mo!" masaya lang si Papa oh. Nakakatuwa. "Salamat, Pa." Sobrang nata-touch ako. Magaling na Wedler si Papa. Sa sobrang galing niya, puro welding na 'yong bahay namin. Balak nga n'yang weldingin ang sambayanang Pilipino. "Ate, congrats." "Thanks, Arjay..." Si Arjay, kapatid kong lalaki. First year college na siya ngayong pasukan. Gwapo 'yan, pero walang hilig sa babae. Mabuti na rin 'yon para walang sakit ng ulo sina Mama't Papa. "Grabe ate! Ang bilis ng kilos mo sa court! Hindi makaporma 'yong Spikers ng Korea sa 'yo! Idol talaga kita!" "Nako, nabili ko 'yong pasalubong mo! H'wag mo na akong bolahin," biro ko sa kanya. "'Yon!" Mokong na 'to, 'yon nga ang gusto. "Kumain ka na ba anak?" tanong ni Mama. "Actually-" Sasagot na sana ako nang maalala ko bigla 'yong hotdog. Leche talaga. "Hindi pa, Ma." Pilit kong ngiti. "Halika, kumaen ka na muna. Ipaghahanda kita," ani Mama. Kakaen talaga ako. Sa gutom kong ito, halos lahat yata kaya kong kainin. "Tamang-tama, 'teh, may hotdog pa d'yan." Putaina. Napangiti ako ng pilit. "Okay ka lang ba, 'teh?" "Oo naman. Nasaan 'yang lintek na hotdog na 'yan at nang maputol ko?" Nagkatinginan na lang silang tatlo. Sila ang pamilya ko. Ang buhay ko at ang lahat-lahat sa akin. Mahal na mahal ko sila. *** She, samahan mo 'ko. She, samahan mo 'ko, She, She, She! She, samahan mo 'ko. She, samahan mo 'ko, She, She, She! Paulit-ulit na alarm ng phone ko na gumising sa akin-Ngayon nga pala nagpapasama si Megan doon sa concert ng idol n'yang Rockstar. She, samahan mo 'ko. She, samahan mo 'ko, She, She, She! Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko. She, samahan mo 'ko. She, sama- Dinampot ko 'yong phone ko at agad na pinatay 'yong alarm. Tinignan ko rin 'yong oras-8:00 am. Meron ding 5 messages. Nang buksan ko, lahat galing kay Megan. Dalawa kagabi at tatlo ngayong umaga. Megan She, naka-uwi ka na raw sabi ng Bro mo. I'm sorry 'di na ako nakapunta, may dinaanan pa kasi ako... call me. 4:30 pm Megan Bes, mukhang tulog ka na. Bukas na lang kita iha-hug ng bongga, okay? 'Yong lakad natin bukas ha? 8:47 pm Megan Morning, Bes! 6:23 am Megan She, gising ka na ba? 7:05 am Megan Sheena Marie! Nakatapak ako ng tae sa harap ng bahay nyo! Gising ka na ba!? 7:45 am Napasigaw ako nang mabasa ko iyon. "Oh my God! Megan will kill me!" Napatalon ako pababa ng kama at nagmamadaling nagbihis. After few minutes, nagkita kami ni Megan sa baba. Niyakap n'ya ako ng mahigpit. "Oh, my God, She!" "Meg..." "Kumusta ang Taiwan?" "Sa Malaysia ako galing, shonga." *** Habang nasa taxi, ikinuwento ko kay Megan ang mga nangyari sa Malaysia--kasama na 'yong kahihiyang inabot ko sa airport. "Talaga, She?" "Oo, Meg. Grabe talaga." "Gwapo ba 'yong sinasabi mong lalaki na nagtanggal ng panty mo?" "Leche. Palda lang! Tska, aksidente lang 'yon." Napakunot ako ng noo. "Teka--bakit mo naman naitanong kung gwapo?" "Wala lang," tinignan ako ni Megan ng parang nanunukso. "Nag-kiss ba kayo sa eroplano?" "Gaga! Bakit kami magki-kiss, e asar nga ako do'n! Tska, ibibigay ko lang ang first kiss ko sa taong mahal ko, 'no." "E, kanino naman 'yon? Do'n sa destiny mo? E, hindi mo pa nga nahahanap kung sino 'yong destiny mo na 'yan." Nagbuntunghininga na lang ako. *** Grabe lang ang dami ng tao nang dumating kami sa venue. Kapag nagka-stampede, malamang good bye Sheena na. Sa taas kong 5'4 at sa balingkinitan kong katawan. Malamang talaga. "Bilisan mo, She!" "Wait lang naman. Excited lang, Meg?" "Hay nako! Hindi mo maiintindihan ang nararamdam ng isang fangirl na katulad ko," ani ni Megan. "Oo na. Ito na nga oh. Teka--ano nga ulit 'yang pangalan ng idol mo na 'yan?" "Zack Ross..." Ang ganda ng lugar at ang sosyal. Balot ng magagarang mantel ang mga mesa, naka-carpet pa ang sahig at ang daming pagkain. Halatang mayayaman ang nag-organize ng party na ito. Maswerte lang talaga at nanalo ng free tickets itong si Megan, online. Mukhang excited talaga si Meg, hindi niya mapigilang iikot ang mata niya sa paligid, nagbabakasakaling makita ang idol niya--ako pagod na, kaya umupo muna ako sa isang upuan sa malapit. "Bes, dali hanapin natin si Zack!" "Seriously, Meg?! Kaka-upo ko lang eh." "She, pagkakataon ko na ito para makapag-selfie to the max!" "Teka, pwede bang magpahinga muna to the max? Sakit na ng paa ko. Kanina pa tayo naglalakad e!" Lumingon-lingon si Megan sa paligid. "Sige, hintayin mo na lang ako rito, okay?" aniya bago tuluyang kumaripas ng takbo palayo. "Hoy, Meg! Wait!" Wengya ka Megan. Tuluyan na niya talaga akong iniwan dito. Ilang minuto na ang lumipas-bored na bored na ako. Napapa-face palm na ako sa pagkabagot. Hindi ko na kaya. I'm going to find Meg. Dahil sa bigla kong pagtayo, nabangga ko ang isang lalaki sa likuran ko. "God!" narinig kong gulat niya. Lumingon ako agad para mag-apologize. Nakita kong natapunan ng redwine ang pantalon niya sa bandang hita, Nataranta ako kaya bigla akong napadampot ng tissue at dinampi sa pantalon niya. "Hey, watch it!" aniya. "I'm so sor--" bigla akong natigilan at napangiwi nang makita ko kung sino. "Ikaw!?" dismayado kong sabi. Siya 'yong lalaki sa airport--si hotdog! Pakshet! Anong ginagawa ng lalaking ito rito? "You again?" medyo irita niyang sabi. "Teka, sinusundan mo ba ako? Sabi ko na nga ba stalker kita eh!" dagdag pa niya. "Stalker ka d'yan! Ang kapal ng mukha mo ah!" protesta ko. "Nauna kaya ako rito! Ikaw nga itong sunod nang sunod eh!" "I don't care. Get out," masungit niyang sambit. Napanganga ako. "What?" "Sabi ko, get out." "Pinapaalis mo ba ako rito!?" "Yup." "Teka, sino ka para paalisin ako?" inis kong tanong. "Jesus. Are you for real?" Iling niya. So, Jesus pala name niya. What if ipako ko siya sa krus tonight? "Kinuha ko sa bulsa ko 'yong ticket ko at idinuldol ko sa mukha niya. "Hoy, may ticket ako, oh!" Hinawi niya ang maganda kong kamay palayo ng mukha niya. "Ah, nanalo ka pala ng ticket?" "Hindi ako, 'yong friend ko," sagot ko. "Kung hindi lang dahil sa kan'ya, hindi ako mag-aaksaya ng oras pumunta sa lugar na 'to," paliwanag ko. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang wine na natapon ko sa pants niya, tapos ay pinaningkitan niya ako ng tingin. "Sabihin mo nga, do you even know who I am?" tanong niya. Sandali akong nag-isip. "Uh, Jesus?" "What?" ngiwi niya. Halatang na-challenge ang mind niya. Buti nga. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "You know, what?" kako. " I don't care. Hindi ako interesadong malaman," pambabara ko. Napakagat-labi siya na tila nainis sa sagot ko. "Okay." Inilabas niya 'yong phone niya mula sa bulsa niya at ngumisi. "E, ito kilala mo?" Napakunot ang noo ko nang ihambalang niya sa mukha ko ang stolen shot ko sa eroplano habang natutulog. "Hoy! Picture ko 'yan ah!" Amba kong aagawin ang cellphone niya ngunit mabilis niya iyong iniiwas. "Oo. Ikaw nga. I-uupload ko ito sa internet," pang-aasar pa niya. Pumikit ako't huminga ako ng malalim. "Burahin mo 'yan," mahinahon ko pang sabi. "Ayoko," lalo pa n'yang pang-iinis. Bigla n'yang inilagay ang cellphone niya sa loob ng pantalon niya at ngumisi na parang nang-aasar. "Enjoy the party," aniya bago tumalikod at naglakad palayo. Pilit akong nagpigil ng inis. Hahayaan ko na lang sana siyang umalis nang muli siyang magsalita. "Alam ko na ang magandang caption kapag nai-upload ko: Mag-ingat sa babaeng naka-underwear sa airport." "Wala kong naririnig, lalalala." "...at may dibdib na hugis rice terraces." "Aba't talagang-!?" Dito na biglang nagdilim ang paningin ko. Lalo pa akong nanggigil sa nakakaloko niyang ngiti. Mabilis ko siyang sinugod at nilundagan sa likod. "Amina yan!" "Te-teka! Anong ginagawa mo!? B-bitiwan mo 'ko!" pagpupumiglas niya. "Ayoko! Burahin mo 'yan!" sigaw ko na umagaw sa atensyon ng lahat ng tao sa paligid. Pilit kong hinihila ang pantalon niya pero pilit din niyang tinutulak ang mukha ko palayo. Ang yabang n'ya. Porke't mas matangkad lang s'ya sa 'kin. Nilakasan ko ang pwersa ko at itinulak siya paatras. Na-out of balance kaming dalawa. Napatihaya siya at napapatong ako sa kanya. Biglang bumagal ang ikot ng mundo nang dahan-dahang maglapit ang mukha naming dalawa. Palapit nang palapit. Unti-unting nagdikit ang mga labi namin hanggang sa maramdaman ko na lang na nag-kiss na kami. Parang nakahinto ang buong paligid habang magkadikit ang mga labi namin. "S-she!?" boses ni Megan. Biglang nagising ang lumulutang kong diwa. Nakita ko si Megan na nakasapo sa kaniyang bibig at ang lahat ng mga tao sa paligid na tulalang nakatitig sa amin. "S-she, b-bakit kayo naghahalikan sa sahig... ni Zack?!" A-ano raw? Bigla kong itinulak ang mokong na 'yon palayo at tuluyan nang naglayo ang mga labi namin. Nagmamadali akong tumayo at napapahid ng bibig. "Ang mokong na 'to si Zack Ross?!" Nooooooooo! Hindi ako makapaniwalang sa ganitong paraan ko makukuha ang first kiss ko. Hashtag AnakNgKalabasangDuling Hashtag SaanPwedeMagMumogPwehh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD