Zack Nakasimangot ako habang hinihintay ang pagbukas ng pinto sa harap ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng pinto ng kabilang unit. I saw this CCTV footage at napag-alaman kong nakalabas si Chris chuchu nang masalisihan niya sa pagpasok si Manager Jona kanina. Nasa loob ng unit sa harap ko si Chris chuchu. I have to find him bago pa dumating si Sheena para sa data namin. Ilang saglit pa't pinagbuksan bumukas na ang pinto sa harap ko. Napasimangot si Chris nang makita ako. "Oh, anong kailangan mo?" Mukhang hindi s'ya masayang makita ang mukha ko, pero the feeling is mutual. Wala ring bakas ng kasiyahan sa mukha ko ngayon. Trust me. Lumabas ang aso mula sa loob ng unit niya. "Chris, na-miss kita, Buddy!" Napakunot ang noo niya. "Anong na-miss mo 'ko?!" "Hindi

