Magkaharap kami ngayon ni Hailey sa isang mesa. Nakipagkita s'ya sa 'kin sa isang restaurant, just after she called me. I don't know how she knew, pero alam n'ya ang tungkol sa kontrata namin ni Sheena. "I didn't know, mahilig ka na pala sa aso, Zack," bungad ni Hailey. Nakaupo 'yong tuta ko sa kabilang upuan habang tumidila ng soup. "It's not mine." "Kay Sheena?" she asked. Di ako sumagot. "Of course. Kanino pa ba?" sagot n'ya sa sarili nyang tanong. "What do you want, Hailey?" Huminga siya ng malalim. "Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Zack. Alam ko na'ng peke ang relasyon n'yo ni Sheena and you offered her money para magpanggap na girlfriend mo." Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Kanino mo nalaman yan?"

