I'm having a very awkward day with Zack Ross. Hindi kami nagpapansinan, magtama lang 'yong mga mata namin naiilang na agad ako. Pano ba naman, bigla na lang n'ya akong hinalikan--sa lips! What was he thinking? Naiinis ako sa kanya. Hahanapin ko nga 'yong steel brush sa bahay--kakaskasin ko 'tong lips ko para mawala 'yong germs. Dumating kami sa venue ng interview ng MBC before lunch. Simpleng photo shoot at konting tanong lang naman 'yong ginawa. Nando'n din si Manager Jona. "Zack, Sheena, try nyo kayang mag-usap, sayang 'yong laway baka mapanis." Hindi kami kumibo. "Alam n'yo, nakakahalata na 'yong interviewer sa dedmahan effect n'yong dalawa, magka-away ba kayo??" Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Zack, pero, hindi kami sumagot. Biglang tumayo ni Mr. Jona, "Hay nako, ewan ko

