XXVII. "Martial arts techniques are not magical as some movies might lead you to believe.." Nakatunganga na nakatitig ako sa instructor namin ngayon, kanina pa sya nagsasalita pero walang pumapasok sa utak ko. Ngayon na ang unang araw ko sa martial arts club at ngayon ko nalaman na kahit konti ay wala akong interes sa club na ito. "It is great as spectator sports and a good way to fit. But we really come into our own when we are used in self defense, undoubtedly the ultimate result for many of us.." It can be use for self-defense. Hmm.. Ngayong iniisip ko ay halos lahat ng nasa paligid ko ay sinasabi na kailangan kong matuto na protektahan ang sarili ko, si Nico, si Billy, Rigo at King. Lahat sila ay sinabi sa'kin na mas maganda kung matuto akong makipaglaban. "Stand up everyone." Nag

