XXVIII. Hinihingal na sumalampak ako sa sahig, pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko. Kanina pa kami nagpa-practice ni King tungkol sa kicking, isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang magsimula ang martial arts training na ito at hindi ko na rin maitatanggi na marami-rami na akong natutunan pero alam kong sobrang dami ko pang pagdadaanan. "Agustin." Lumingon ako kay King dahil sa pagtawag niya pero imbis na siya ay lumilipad na bote ng tubig ang nakita ko, tumama ito sa noo ko kaya napangiwi ako. "Aray!" Reklamo ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Napailing siya. "You're so stupid." Ngumuso ako at inis na binuksan ang bote ng tubig na binato niya sa'kin at ininom ito, halos maubos ko ang laman dahil sa pagod ko. Pinanood ko siya na pinupunasan ng bimp

