XXIV. "Oh, bakit parang nagkakagulo?" Pagkapasok pa lang namin ni Mira ng school ay kitang-kita agad namin ang kaguluhan ng mga estudyante, ang iba ay may hawak na flyers o papel. May tumatakbo at may nag kukwentuhan. "Hindi mo alam, ate? Registration para sa mga clubs ngayon." Sagot ni Mira. Hindi ko alam na may clubs pala sa school na ito. Hindi ko alam kung bakit nagkakagulo sila, parang natatakot silang maubusan ng slots. Sa school kasi namin ni Mira dati ay hindi pwedeng magreject ng members sa isang club, i think first come first served dito. Hinila ako ni Mira sa braso. "Pa-register na tayo!" Kahit hindi na kami mag-usap ay alam kong sa music club kami sasali, pareho kaming mahilig sa music at marunong kaming kumanta ni Mira. Minana namin kila mama at papa na parehong maganda

