XXIII. Pagkapasok pa lang namin ng entrance ng mall ay nilingon ko agad si King na nakakunot ang noo, ang halos lahat ay napapalingon sa kanya. Bukod sa matangkad siya ay hindi ko naman maipagkakaila na magandang lalake talaga siya. Lalakeng lalake ang mukha at dating niya, ang galaw at tingin ay sumisigaw ng coolness at manliness. Inayos ko ang suot kong baseball cap. "So, anong gagawin mo dito sa mall? May bibilhin ka?" Sa katauhan ni King ay siguradong siya yung tao na nagpupunta lang sa mall para bumili ng kung ano o makipag kita sa kung sino. "I bet you're here to meet someone—" "No!" Agap niya kaya nagulat ako, kinagat niya ang kanyang labi at mas binilisan ang paglalakad kaya nag jog ako para mahabol siya. Hindi na ako nagsalita at nilibot na lang ang tingin sa paligid. Napati

