XXII. "Where the hell is she? Ano ba sya VIP?" "Baka na-traffic lang." Sagot ko kay Chloe na kanina pa nagrereklamo. Si Ynna na lang kasi ang wala pa dito, ngayon namin gagawin 'yung group project namin sa Accounting at tulad nga ng sinabi ni Chloe ay dito namin sa bahay nya ginawa ito. Obviously ay wala dito 'yung parents nya, sa tingin pa lang ay para talagang laging walang tao dito. Ang ganda at laki ng bahay, maraming decorations pero parang ang lungkot lungkot. Maya-maya ay bigla na lang may nagdoorbell kaya napatingin kaming lahat sa labas, tumayo agad si Chloe sa pag iisip na baka si Ynna na iyon pero bumalik lang siya na may dalang dalawang kahon ng pizza at softdrinks. Inis na pinatong ni Chloe 'yung pagkain sa lamesa at bumulong ng kung anu-ano, halatang inip na inip na. Nai

