XXI. Simula ng araw na iyon ay lalong hindi na pumapasok si Nico, sobrang dalang na lang at kapag kakausapin ko siya ay nagpapanggap siyang hindi niya ako naririnig. Kung dati ay ako lang ang pinapansin niya, ngayon ay wala na talaga siyang kinakausap. Nagbuntong-hininga ako habang sinusuklay ang buhok ko, naramdaman ko ang tingin nila Ellen kaya nilingon ko sila. "Lalim naman ng buntong hininga na iyon." Nakangusong sabi ni Joan. "Sabihin mo nga, Monique. Anong nangyari sa inyo ni Nico?" Tanong ni Ellen. "Pansin na pansin na hindi na kayo nagpapansinan, ano binasted mo ba?" "Nanliligaw sayo si Nico?" Gulat na tanong ni Rizza kaya mabilis akong umiling. "Hindi!" Agap ko at sumimangot. "Magkaibigan lang kami ni Nico at hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang naging malamig sa'ki

