XX. "Ang mga pangalan na aking babanggitin ay magiging magkakasama sa iisang grupo." Pinaliwanag na kanina ng prof ang magiging group project namin, malapit na ang midterm exam kaya sandamakmak na naman ang mga projects at defense namin. "Jessy Bautista." "Chloe Tan." "Monique Agustin." "Liza Garcia." "And Ynna Castro." Napatingin ako kay Chloe at Ynna nang marinig ko na kagrupo ko sila, kagrupo ko ang dalawang ito? Para pa naman silang aso at pusa, lagi silang nag aaway sa hindi malaman na dahilan. Malaki kasi ang galit ni Chloe kay Ynna at hindi ko alam kung bakit. "Class dismissed." Mabilis pa sa alas-nuebe na tumayo ang katabi ko nang marinig na dismissed na ang klase. Inayos ni Rigo ang uniform niya at saka lumingon sa'kin. "Mauna na ako, Moni." Paalam niya kaya wala sa sa

