XI. Sinundan lang ng tingin ng lahat ang lalake na ito, miski ang prof namin ngayon na ayaw na ayaw ng estudyanteng nali-late ay walang nasabi. Walang kahit isang bumati sa kanya, lahat ay tahimik lang na pinagmamasdan siya. Halos walang gumagalaw, parang natatakot makagawa ng ikakagalit ng lalake na ito. Napatingala ako nang tumigil sya sa harap ni Rigo na nakatingala rin sa kanya. "Anong meron?" Tanong ni Rigo at humalukipkip. "You're sitting in my seat." Malalim na boses na sabi ng bagong dating, hindi pinansin ang tanong ni Rigo. Naglaro ang pilyong ngiti sa labi ng katabi ko at pinaglaruan ang kanyang hikaw. "Your sit? I don't see your name in it.." Ani Rigo. Napangiwi ako. Nagsalubong ang kilay ng lalakeng ito at lalong lumamig ang tingin kay Rigo. "It will be written in you

