EIGHT

2168 Words
VIII. Humihikab na naglalakad ako papasok ng school, hindi ko namalayan kagabi kung anong oras akong nakatulog. Basta ang alam ko ay wala pang limang oras ang tulog ko kaya para akong lutang. Si Kyle lang ang naabutan ko sa room pagkadating ko, walang klase si Rigo ngayong araw at hindi ko naman kaklase si Kieran pati si Billy. Nagdalawang isip pa nga akong pumasok dahil makakatabi ko siya, kahit may pagitan naman na isang upuan sa'min. "Goodmorning.." Awkward na bati ko bago umupo sa upuan ko, halos mapangiwi ako nang tumama ang madilim niyang mata sa'kin. Gumalaw ang kanyang labi bago ibalik ang tingin sa phone niyang kanina niya pa yata pinipindot. Huminga ako ng malalim at kinuha rin ang phone ko para malibang, maya maya lang ay dumating na rin ang iba namin na kaklase. Umingay na rin at napapansin kong napapalingon sa gawi namin ang iba, hindi ko alam kung sino sa'min ni Kyle ang tinitignan nila. Ngumiti sa'kin ang isa namin na kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay Wena ang pangalan, mataas ang heels niya at kulot ang ilalim ng kanyang buhok. May kasama pa siyang dalawang babae na lagi kong nakikita na kasama niya. "Hi, Monique!" Magiliw na bati nito. "Hello!" Ngumiti ako. Dinaanan niya ng tingin si Kyle na nakasandal sa upuan at nakahalukipkip, nakatingala habang nakapikit. Gusto yatang umupo ni Wena sa upuan sa tabi ko pero makakatabi niya si Kyle kapag ginawa niya iyon kaya nagdadalawang isip siya. Ngumiti siya ng maarte at tumayo na lang. "Nakita ko 'yung interview mo kahapon." "Uh--" "Nagtatrabaho ka sa isang fastfood?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako. "Anong masama do'n?" Napangiwi silang tatlo. "Hindi ako makapaniwala, dito ka nag aaral pero sa fastfood ka nagtatrabaho? Parang sinisira mo ang image ng school na ito.." "Huh?" Napanganga ako. "Paano naman naging kasira-sira iyon?" Hinawi ni Jona ang kanyang brown na buhok. "Ano ka ba, Wena? Matagal na niyang sinisira ang image ng school na ito mula pa nang magtransfer silang magkapatid dito. Dito pa talaga nila nagawang mag aral kahit nagtatago sila." "Nakakahiya naman kasi.." Ngumisi si Wena. "Mistress ang mother mo diba, Agustin? Sayang, my mother was a fan pero nalaman niyang kerida pala ang Mary Agustin na iyon so.." Napapikit ako ng mariin at nilingon ang iba naming kaklase na napatigil sa mga ginagawa para makinig. Huminga ako ng malalim. "Wala ba kayong magawa?" "What? We're just asking, curious kami." "No, you're not. You're judging my mother, hindi niyo alam ang totoo kaya wag kayong magsalita ng ganyan." Inis na sabi ko. Tumawa silang tatlo na hindi ko na pinansin, kinuha ko ang phone ko sa bag ko para mabalewala sila kahit hindi pa sila umaalis sa harap ko. Ayoko silang patulan, ayokong may magawa at makasira na naman sa image ni mama. Ayoko nang mangyari na lalo pang pumangit ang tingin sa pamilya namin. "We're not judging her, come on!" Humagikgik si Wena. "Sinasabi lang namin ang totoo. Hmm, bakit kaya nagtatago si Mary Agustin? Guilty? Hiyang-hiya ba siya sa ginawa niyang pangangabit sa may asawa na--" Binagsak ko ang palad ko sa lamesa kaya nakagawa ito ng ingay, pumikit ako at huminga ng malalim. "Just shut it, alright." "Why would we?" Suminghap si Jona. "Bawal na bang sabihin ang totoo ngayon? Kabit ang mother mo, kaya kayo nagtatago dahil nahihiya siya sa ginawa niyang kalandian. If i know, baka kinakahiya niyo rin magkapatid ang mother niyo." Kinuyom ko ang kamao ko. Should i punch them? Slap? Pull their hair? Kinagat ko ang aking labi, i want to hurt them. Gustong gusto ko silang saktan pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. "Tigilan niyo ako, please.." Sambit ko habang nakayuko. "Oh.. What? Iiyak ka na ba? I'm so sorry, we didn't mean to--" "Oy." Napatigil sa pagsasalita si Jona nang may sumabat, gulat na napalingon kami kay Kyle na nakadilat na ngayon. Hawak ang isang piraso ng earphone niya na pinaglalaruan ng kanyang daliri, ang isa ay nasa tenga niya pa. "Kyle.." Biglang lumambot ang boses ni Wena. "Aren't you being loud?" Malamig ang boses niya, napangiwi ako nang tumama ang madidilim niyang mata sa gawi nung tatlo. Kinagat ni Jona ang kanyang labi. "Sorry, we're just talking here.." Bumagsak ang tingin ni Kyle sa kanyang sapatos at binalik ang earphone sa tenga niya. Kinilabutan ako, isn't he so intimidating. Kakaiba ang awra na binibigay niya, parang mas magugustuhan ng lahat kapag tahimik lang siya. "Just shut your mouth or i'll shut it myself.." Aniya bago sumandal ulit sa upuan at pumikit, ilang sandaling tumahimik. Kahit ang mga kaklase namin na nanonood lang ay nagulat dahil sa sinabi ni Kyle. Lumingon sa'kin 'yung tatlo at umirap bago tahimik na umalis sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag at ibinalik ang tingin kay Kyle. This friend of Rigo right here is quite scary. May naririnig ako minsan na mga estudyante na tinatawag siyang psychopath, kakaiba daw ang pag iisip niya kaya walang bumabangga sa kanya. Pailalim kung gumanti, pinaplano ng maigi. Meron nga daw estudyanteng nakagawa ng hindi maganda sa kanya at ilang araw lang daw ay nagtransfer na ng ibang school dahil kumalat ang issue na kumakabit daw ito sa isang professor kapalit ang mataas na grade, which is napatunayan na totoo dahil sa mga pictures na naka-post sa bulletin board. And everyone's saying na si Kyle Vergara ang may gawa nito pero hindi napatunayan dahil walang ebidensya. Kinagat ko ang aking labi. Ayoko siyang makabangga, ayokong inisin o galitin siya kaya lalayuan ko na lang siya. Nakakatakot si Billy pero magkaiba ang pakiramdam na binibigay nila sa tao. Billy is an observer. Kung interesado siya sayo ay mararamdaman mong pinapanood niya ang bawat galaw mo, na para bang binabasa ka niya pati ang emosyon at nasa isip mo. Isipin ko pa lang ang malalalim niyang mata na nakatuon sa'kin ay kinikilabutan na agad ako, nakakatakot dahil alam mo sa sarili mo na kapag tinanong ka niya ng isang bagay ay siguradong alam niya na ang sagot. Nasa sayo na lang kung magsasabi ka ng totoo o hindi. Ngumuso na lang ako at binaling ang tingin sa prof na pumasok ng room. Masyadong interesting ang ugali nilang magbabarkada kaya hindi ko maiwasan na isipin sila. Si Kieran ay mukha lang laging walang pakialam sa paligid dahil panay siya babae pero napapansin kong bawat detalye ng mga bagay bagay ay natatandaan niya, maliit man ito o malaki. He's a bit rude and annoying but funny as hell. Parang lagi ka niyang inaakit sa way ng pagtitig niya gamit ang mata niyang may magagandang hugis. And Rigo's very unpredictable, he is too quiet or he is too loud. He took things seriously or not seriously at all. He is too warm or too cold. There is no in between of him, walang medyo o gitna. Sobrang bait niya pero nakakatakot galitin dahil sobrang masama. Natapos ang klase nang magbabarkada na iyon ang iniisip ko. Sinama ko sa iniisip ko ang isa pa nilang kaibigan na nakita ko na pero hindi pumapasok sa klase, ang lalakeng iyon na may malalamig at nakakatakot na mata. Hindi ko pa alam kung anong ugali niya but i can see that he's hot tempered. Napangiwi ako, mahirap pakisamahan ang mga gano'ng tao. "Monique!" Nagbeso kami ni Ellen. "Mabuti naman at walang mga reporters ngayon! Ngumuso ako. "Sana hindi na sila bumalik." Tumawa siya at nilabas ang make up kit niya, pinanood ko siyang mag make up habang hinuhubad ang school uniform ko para magpalit ng uniform namin dito sa fastfood. Napatitig siya sa katawan ko na manipis na puting sando lang ang nakatakip kaya agad ko itong tinakpan dahil sa hiya. "Ang kinis kinis mo, nakakaasar!" Nanggigigil na sabi niya. "Parang wala kang kahit anong peklat, pantay na pantay ang kulay mo at parang ang bango bango mong tignan lagi." "Ikaw din naman ah, wala kang peklat at makinis ka. Hindi mo lang ako kasing puti pero maganda ang kutis mo." Sabi ko. Ngumiwi siya. "May peklat ako, 'no! Tinatakpan ko lang, pero ikaw ay wala kahit ano. Iba talaga kapag anak ng mayaman.." Hindi ako sumagot. Ganito ba talaga kapag lumaki ng mayaman? Lahat ng papuri na matatanggap mo ay may kasunod na ganito ganyan. "Uy, baka naoffend ka! Naiinggit lang ako sayo! Maganda ka, mayaman, kilala ng maraming tao, talented.." Nanlaki ang mata ko. "Wala akong talent." "Asus!" Humagikgik siya. "Hindi mo siguro napapansin pero minsan ay kumakanta ka ng hindi mo namamalayan, maganda ang boses mo kaya nakukuha nito ang atensyon namin nila Riza. Bakit ka nahihiya na marinig ng iba?" Nag-init ang pisngi ko. Pati si Mira ay maganda ang boses, si papa at mama ay gano'n din. Lahi na yata namin iyon dahil pati ang iba namin kamag-anak ay magaganda ang mga boses. "Wala lang, hindi ako confident.." "Hindi ka confident?" Hindi makapaniwala ang boses niya. "Kapag nakikita ko ang mga photoshoot mo ay hindi ko maiwasan na mamangha dahil parang ang taas taas ng confident mo doon, hindi ako makapaniwala na mahiyain ang isang Monique Agustin!" "Lalo tuloy akong nahihiya!" Humalakhak siya. "Para tumaas ulit ang confident mo, lagyan kitang makeup?" Ngumiti siya ng malapad. "Pagbigyan mo na ko, please! Ngayong araw lang!" Napangiwi ako at wala nang nagawa kaya tumayo na lang ako. Red lipstick ang nilagay niya sa'kin, nilagyan niya ako ng manipis na guhit sa mata gamit ang liquid eyeliner, mascara at manipis na eye shadow na hindi masyadong halata. "Ta-da!" Hinarap ni Ellen ang maliit na salamin sa'kin, napangiti ako. Ngayon na lang ulit ako nakapag-make up dahil nag gaganito lang naman ako kapag may photoshoot o gathering. It's been a while. "Wow! Naka make up ka?" Sinilip ni Joan at Rizza ang mukha ko na kadarating lang. "Manipis lang dahil hindi niya naman kailangan ng makapal." Si Ellen ang sumagot. "Ang ganda mo na lalo!" Ani Rizza. "I prefer her bare face, baby face siya kapag gano'n!" Kinurot ni Joan ang sarili niyang pisngi. "She's a lady now, ano ka ba." Ngumiti na lang ako at nag pusod ng buhok bago suotin ang cap ko. Nagsimula rin agad ang trabaho namin, tulad ng nakasanayan ay maraming tumatawag sa'kin pero imbis na ako ay sila Ellen ang lumalapit sa kanila. "Respetuhin niyo naman po 'yung privacy niya, nagtatrabaho po siya dito at hindi ito fan meeting.." Magalang na sabi ni Joan. "Papicture lang e, edi kung ayaw tatanungin ko na lang kung nasaan ang kapatid niya na si Miracle Agustin. Gusto ko rin iyon makita!" "Hindi nga po pwede malaman.." Mahinahon na sabi niya kaya umirap ito. Napabuntong hininga si Joan kaya napayuko ako, ang hirap na nga ng trabaho namin pero nagdala pa ako ng ganito. "Monique!" Siniko ako ni Rizza. "May naghahanap sayo!" "Sabihin mo privacy!" Ani Joan. "Eh nasabi ko nang sandali lang e!" Humagikgik si Rizza. "Ang gwapo 'teh! Hindi ko ma-hindi-an!" Napasapo ako sa noo nang mag-iba ang reaksyon ni Joan at nanghahaba ang leeg na tinatanaw ang gwapong lalake na sinasabi ni Rizza. "Nasaan? Ano daw pangalan?" "Hindi sinabi pero tinanong niya lang naman kung nasaan si Monique." Tinuro niya ang kanyang mata at sunod ay labi. "Mapungay ang mata niya at mapula ang labi, maputi siya tapos matangkad tapos itim ang buhok. Light brown ang mata niya, parang bampira!" Natigilan ako. Si Rigo? Tinanaw ko ang lalake na sinasabi ni Rizza at kumunot agad ang noo ko nang makita ang nakahalukipkip na lalake sa isang upuan, nakadekwatro at pinagmamasdan ang paligid. Siya nga! "Rigo!" Pagtawag ko habang lumalapit. Ang walang emosyon niyang mukha ay agad na napalitan ng ngiti nang tumama ang mata niya sa'kin, pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at ngumuso. Binuka niya ang magkabila niyang braso kaya mahina ko siyang pinalo sa balikat kaya sumimangot siya. Ngumiti ako. "Why are you here?" "Kakain ako, masama ba?" Tanong niya kaya umirap ako sa hangin. "Kung gano'n, dapat ay pumila ka sa counter at um-order ng gusto mo." Lumingon ako sa paligid. "May kasama ka ba?" Ngumuso siya. "Can i order you, instead?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, nag init ang pisngi ko nang marinig ang impit na tili nila Joan hindi kalayuan sa'min. They're eavesdropping! Nilingon sila ni Rigo kaya lalo akong nakaramdam ng hiya, binalik niya ang tingin niya sa'kin at kinagat ang labi habang pinagmamasdan ang mukha ko. Tinaas niya ng konti ang suot kong cap para makita ang buong mukha ko. "May nilagay ka sa mukha mo?" Tanong niya. "Uh, nilagyan ako ni Ellen. Manipis lang naman.." Ngumisi siya at pinaglaruan ang hikaw sa kanyang tenga, he's doing that again. Bakit ganyan kalakas ang dating ng mga mannerisms niya? "Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo, sorry for interrupting you." Aniya at tumayo kaya napatingala ako sa kanya. "Hindi ka oorder?" Umiling siya at lumambing ang kanyang mata. "I just missed you, wala akong klase kanina kaya hindi tayo nagkita.." Kinagat ko ang bibig ko at pinaglaruan ang namamawis kong palad, humalakhak siya ng mahina at tinapik ang cap na suot ko. "Aalis na ako." Paalam niya at nilagay ang kamay sa kanyang bulsa. "Uh.. bye." Kumaway ako kaya tumango siya at tumalikod, sinundan ko na lang ng tingin ang likod niyang naglalakad palayo. Agad akong siniko nila Rizza at Joan na halos tumatalon talon na pero pinipigilan. "Sino iyon?! Bakit ang gwapo? Oh my gosh, boyfriend mo?!" Pabulong na sigaw ni Joan na hindi mapakali. "Jusko, magkakasala yata ako kay Nico. Mukhang mapapalitan na ang crush ko!" Ani Rizza. Ngumuso ako. He's Rigo Ignacio, the unpredictable one. ✖️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD