Chapter 017

1253 Words

-Katrina’s POV- “Raffy? Anong nangyayari diyan?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa screen ng phone ko. Madilim ang paligid niya, at tanging liwanag lamang mula sa cellphone niya ang bahagyang nagbibigay-ilaw sa kanyang mukha. “Brown-out, Ate. Pero pinapaayos na ni Sir Daniel ang generator,” sagot niya. “Raffy, yung boss mo…” Saglit akong nag-alinlangan bago ko tuluyang itanong ang kanina ko pa gustong malaman. “Ano bang itsura niya?” Gusto ko na talaga siyang makita. Mula nang sabihin sa akin ni Raffy na Daniel Torres ang pangalan ng boss niya, hindi na nawala sa isip ko ang lalaking iyon. Ilang beses ko na ring sinubukang i-search ang pangalan niya sa G00gle, umaasang kahit isang larawan man lang niya ang lalabas. Pero wala. Puro articles tungkol sa Torres Industries ang naki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD